MDA-XLIX (The Cursed of Helena Sta. Rita)

224 41 4
                                    

Jaydee Pov

Still the flashback

'Halata na ang labis kong pag aalala kay manang helena kung totoo man na wala na si Clara ay kinakabahan ako na baka iyun din ang gawin sa kanya ng aking sakim na ama "Hindi po namin makakayang gayumahin man o kulamin ang iyong anak boss tonyo? Hindi po namin kayang gawin iyun ganuong napakalaki ng aming utang na loob sa iyong pamilya" napailing naman si ama dahil sa sinabi ni manang helena , mas lalo niyang hinablot ang buhok ni manang helena saka binigyan iyun ng malakas na sampal. "Talaga lang na dapat kayong tumanaw ng utang na loob helena! Kung hindi dahil sa akin ay baka hindi guminhawa ang buhay niyo! Kulang na kabayaran ang buhay ng iyong anak sa kanyang kapangahasan!" Turan ng aking ama kay manang helena saka binitawan ang buhok nito nung tumilapon siya sa pagkakasampal sa kanya ng aking ama "Kailangan natin siyang tulungan lorenzo , baka ano pa ang mangyari" naaawang sabi ko kay Lorenzo ngunit napailing na lamang siya. "Gustuhin ko man na tumulong tayo kuya ngunit baka mas tumindi ang galit ni ama , hindi lang ikaw ang malalagot kundi ako" wika niya saka hinawakan ang aking balikat. Nabigla naman kami nang makita na tinulak ni manang helena ang aking ama. "Wala kang karapatang patayin ang aking anak boss tonyo! Nagmahal lamang siya at hindi dapat buhay niya ang maging kabayaran gayung minahal din naman siya ng iyong anak!" Sigaw ni manang helena at patuloy na sa pagpatak ang kanyang luha sa mga mata maging ako ay hindi ko na din kinakaya ang galit na aking nadarama. "At talagang alam mo pa na may namamagitan sa kanila ah? Mga hayop kayo!" Napatayo ang aking ama saka nilapitan si manang helena saka binigyan ng isang napakalakas na suntok na siyang ikinatumba nito "Boss Tonyo?" Tawag ng isang guwardya sapagkat walang awang pinagsusuntok ng aking ama si manang helena. Sinenyasan naman sila ng aking ama na wag mangialam at nung pagtingin muli ng aking ama kay manang helena ay pinukpok siya nito ng malaking bato na siyang ikinatumba ng aking ama. Duguan ang kanyang uluhan at inalalayan siya ng  aming guwardya. Duguan din ang pagmumukha ni manang helena at kasalukuyang gumagapang ngayon palayo sa aking ama. Gustong gusto ko man na lapitan siya ngunit wala akong magawa , masyado pa akong mahina gayong sariwa pa ang sugat ko. "Walang hiya kang babae ka? At talagang nagkalakas loob ka pa na pukpukin ako ng bato ah? Magbabayad ka ngayon sa akin!" Galit na sabi ng aking ama at hinawakan niya ang kanyang sugat saka lumapit kay manang helena. Alam na alam ko yang mga tinginan ng aking ama at yan ang tingin na kayang kayang pumatay ng tao. "Lorenzo tulungan mo siya!" Aniya ko ngunit tinakpan lamang ni lorenzo ang aking bibig nang sa ganun ay hindi na ako makapagsalita ay marinig nila. Kinuha na ng aking ama ang buhok ni manang helena at nginudngud niya iyun sa may lupa pagkatapos niyang gawin iyun ay ipinaharap niya si manang helena sa kanya saka pinukpok din ng bato ang mukha nito , tanging hikbi lang ang kaya kong gawin ngayon habang pinagmamasdan siya. Unti unti nang lumapit ang guwardya nang sa ganun ay pigilan ang aking ama na mapatay si manang helena. "Bitawan niyo ako!" Sigaw ng aking ama sa kanyang mga guwardya. Napangiti naman si manang helena na duguan na sa ngayon at tsaka biglang nagsalita. "Isinusumpa ko! Na dadanak ang dugo sa inyong pamilya at magiging miserable ang buhay hanggang sa ikaapat na henerasyon ng angkan niyong mga Garcia! Mamatay man ako ngayon ay natitiyak ko na pagbabayaran mo ang lahat ng masasamang ginawa mo lalo na sa aking anak!" Napangisi naman ang aking ama nang dahil doon , sinabihan niya na bitawan siya ng kanyang guwardya at binitawan naman siya nito. "At may gana ka pa talagang magsabi ng sumpa ah? Sisiguraduhin ko na yan na ang huli mong sasabihing impakta ka!" Wika nito at alam ko na ang susunod na gagawin niya dahil sa mga matang meron siya ngayon. Lumapit siya kay manang helena na halos basag na ang mukha dahil sa kanyang ginawa. Sinakal niya iyun na siyang ikinapiglas ko sa ginagawang pagpigil sa akin ni lorenzo. Tinuloy niya ang pagsakal doon ngunit tumigil din siya sa kalagitnaan. Nabuhayan ako nang makitang humihinga pa si manang helena sapagkat nakikita ko pa ang pagalaw ng kanyang mga kamay'

Napakawalang puso ni Lolo tonyo hindi ko lubos maisip kung paano niya nagawa iyun sa isang taong walang kalaban laban sa kanila.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now