MDA-XXXV (Villa Crisostomo , The Cursed Villa)

429 54 13
                                    

Author's Pov

Halos maestatwa naman si jaydee dahil sa biglaang paghalik sa kanya ni therese na ikinagulat din ng lahat ng mga tao roon na nasa mansyon.

Halata ang pang gagalaiti ni romeo dahil sa nakikita niya ngayon sa harap ng stage ganuong hinalikan ng taong mahal niya ang kanyang pinsang buo na si jaydee, nang kumalas si therese sa pagkakahalik kay jaydee ay samot saring mga sabi sabi ang kanilang naririnig sa paligid.

Iniayos pa din ni jaydee ang paghatid kay therese sa upuan kahit na halatang gulat na gulat pa din siya hanggang ngayon.

Napatingin ang dalaga sa paligid at nanlaki ang kanyang mga mata na makita ang kasintahan niya na nakasilip sa may bakod ng gate at nakikita ang mumunting luha sa kanyang mga mata sapagkat mayroong liwanag na dumadampi sa kanyang magandang mukha.

"What a way to end the slow dance? So is this label reveal na ba? Kidding aside let's give them a round of applause everyone!" Pagpuputol sa katahimikan ng emcee saka nagsipalakpakan naman yung mga tao na naroon.

Kinuha naman ni Jaydee yung cellphone niya sa kanyang bulsa saka tinext si gabb na nakita niya si amanda sa may labas at nais niyang ipahabol si amanda sa kanya.

Halata sa kanyang mukha na tila bay nababalisa siya at kinakabahan sa mga maaaring mangyari , nabigla naman siya nang biglang hawakan ni therese ang kanyang mga kamay.

Iniiwas niya ito sa dalaga na hindi inakala ni therese , napatingin siya sa paligid at tsaka inaalam kung ano ang maaari niyang gawin para makaalis na roon.

"Therese bakit mo ginawa yun? Hindi mo ba alam na malaking kaguluhan ang ginawa mong paghalik sa akin? Kung biro biro lamang ito sa iyong palagay ay hindi magandang biro ito" seryosong sabi ni jaydee sa kanya , napangiti naman ng mapait si therese saka makikita mo na sa kanyang mga mata na nagiging emotional na siya.

"Jaydee? Ginawa ko yun kasi mahal na kita? Nah dati pa kitang mahal!" Diretsong wika ni therese habang nakatingin kay jaydee ngayon nang diretso.

Hindi naman alam ni jaydee kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na dati niyang minamahal.

"Emotional ka lamang therese kung kaya'y naiisip mo iyan? Kakalimutan ko ang lahat ng iyong sinabi ngayong araw , alang alang sa iniingatan nating pagkakaibigan!" Madiing sabi ni jaydee saka tumayo na sa kanyang kinauupuan ngayon , nagtext na kasi si gabb na nakita niya na si amanda saka dali daling isinakay sa may sasakyan nito.

Tinanong naman niya si jaydee kung saan nito dadalhin ang dalaga at ang pumasok sa isipan ni jaydee ay sa Villa Crisostomo ang tinaguriang the cursed villa na pag mamay ari ng kanyang yumaong lolo na si Karding.

"Pero jaydee?" Muling wika ni therese sa kanya saka hinawakan ang kamay ni jaydee na aalis na sana.

"Patawad therese!" Maikling tugon ni jaydee sa kanya bigla namang tumulo ang luha ni therese na kanina niya pa pinipigilang tumulo.

"Hindi na ba ako? Hindi na ba ako yung nagpapatibok ng iyong puso jaydee? Kasi para sa akin ikaw pa din? Mananatiling ikaw!" Malungkot na sabi niya saka pasimpleng pinupunasan ang kanyang mga luha ngayon , batid niyang nasa centro siya kung kaya'y hindi pwedeng makita siya ng ibang tao na umiiyak gayung kaarawan niya ngayon.

"Wala na yung jaydee na minamahal ka therese? Nasayang na yung tsansa na para sana sa ating dalawa last 11 years ago? May iba na akong minamahal sa ngayon kung kaya'y patawad!" Turan naman ni jaydee pabalik kay therese na halata ang pagkagulat sa kanyang reaksyon.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now