MDA-XV (Jealous?)

393 51 2
                                    

Amanda's Pov

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa may labasan kung kaya'y napabangon na ako at tsaka inayos ang aking higaan.

Paglabas ko ng aking maliit na silid ay nakita ko sila Laney , Coleen , Jem at Yzabelle na nakaupo sa aming upuan na kawayan.

"Amanda? Magandang Umaga!" Bati nilang lahat sa akin , napabuntong hininga na lamang ako tsaka tumango , nagtungo na ako sa may lababo upang maghilamos at tsaka magsipilyo na din.

Mabilis lang akong natapos at tsaka napaupo na ako sa tabi ni coleen , halata ang pag aalala sa kanilang mga mukha kung kaya'y alam ko na kung ano ang sadya nila kung bakit sila narito.

"Totoo ba ang balita amanda? Na tinulungan daw kayo ni Master J kagabi nung tinatangkang hulihin ng mga tanod ang iyong ina?" Tanong sa akin ng diretso ni Jem , napatingin naman ako sa paligid at wala rito si inay.

"Tama ang iyong pagkakarinig jem subalit nasaktuhan lang siguro na naroon siya nung naganap yung insidente kagabi." maikling tugon ko , napadako naman ang tingin ni laney sa mga sugat ko kung kaya'y tinakpan ko na iyun gamit ang aking kamay.

"Sa PNU din siya nag aaral diba? At doon ka din nag aaral amanda? Sanay wag kang mabigla sa aking itatanong ngunit may katotohanan ba na may namamagitan sa inyong dalawa?" Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa itinanong sa akin ni Laney , batid kong nais niya lamang maliwanagan dahil sa mga walang sawang chismis sa may labasan ng aming bahay.

"Sa PNU siya nag aaral at sa totoo niyan , magkaklase kami sa Class A-1 ng Architect Student" diretso kong wika na ikinagulat nilang lahat , hindi ko pa nababanggit sa kanila iyun sapagkat hindi naman kami masyadong nagkakatagpo dahil magkaiba nga kami ng paaralan.

"Ngayo'y maliwanag na ang lahat sapagkat may dahilan siya upang tulungan ka" medyo kita sa reaksyon ni laney na parang tinanggalan siya ng tinik sa lalamunan nung sagutin ko ang tanong niya.

"Napakaswerte mo naman amanda! Ackk , isang kilalang manunulat ang naging kaklase mo at tumulong sa inyo! Sayang lamang at hindi ko man lang siya nasilayan! Bali balita na napakaganda at gwapo niya daw na dalaga" medyo kinikilig na aniya ni yzabelle , hindi ko naman na maitatanggi na ma appeal si Master J.

"Napakasama talaga nung mga tanod na yun buti na lamang ay nakarating ang balitang ito kay mayor at ipinasibak sila sa serbisyo" naiinis na saad ni coleen , may part sa akin na parang deserve din nila iyun ngunit naaawa ako sa kabilang banda sapagkat may pinapakain din silang pamilya.

"Mas mabuti pang wag ka na munang lumabas pa sa ngayon amanda? Ganung madaming mga mata at bibig ang nag aabang sa iyo sa labas , kami na ang bahalang magbigay ng eksplinasyon sa kanila" nag aalalang wika ni laney , batid kong ganito talaga ang mangyayari sa amin ngayon.

Mas lalong naging komplikado ang sitwasyon ko , kung hindi ako magtatrabaho ay paano kami ni inay?

"Oo tama si laney pero matanong ko lang amanda? Since attractive nga si Master J? Isa kana din ba sa nagkakagusto sa kanya?" Biglaang tanong naman ni Coleen , napalunok naman ako ng laway dahil sa pagkabigla , umagang kay dami ng katanungan nila.

"Masasabi kong attractive siyang tao pero hindi ako isa sa mga nagkakagusto sa kanya , malabong mangyari iyun" madiin kong sabi , mas focus ako ngayon sa pag aaral at hindi sa mga taong nasa paligid ko o di kaya'y sa tinatawag nilang pagmamahal.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now