MDA-EPILOGUE

482 45 51
                                    

Jaydee's Pov

Lumabas na si gabb at dali daling pinuntahan si amanda at tsaka pinakawalan ito nang mabilis , napangisi na lamang yung ibang nakaitim dito at tsaka naglabas ng mga mahahabang espada.

Successful na naibaba ni gabb si amanda at kahit gustuhin ko man na tulungan siya para iligtas din ang ina niya na nasa dulo na may nakabantay na nakaitim ay hindi ko magawa.

"Kalapastanganan ang iyong dala Gabrielle! Kung kaya'y bilang ganti ay buhay ng iyong mga magulang ang magiging kapalit!" Sigaw ng pamilyar na tao at masasabi kong si Tiyo Pablo iyun tsaka mabilis na pinugutan ng ulo ang nanay ni gabb na siyang ikinaalarma nito at dahil doon ay sunod sunod na putok ng baril ang aking narinig.

Bumulagta sa lupa si Tiyo Pablo gayung tatlong bala ang tumama sa kanya , kung kaya'y dahilan upang mapatakbo si Nami sa sobrang galit dahil sa ginawa ni gabb.

Papaputukan niya sana itong muli ngunit wala nang natirang bala ng baril kung kaya'y hinagis na lamang ito sa gilid at tsaka kinuha yung metal steel na dala dala niya.

May hawak si Nami na Espada kung kaya'y mas lamang siya pero tiwala ako kay gabb dahil mas magaling itong makipaglaban.

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanila nang biglang may umatake sa akin na hindi ko inakala , hinang hina man ay nagawa kong umiwas.

Sa mga espada na pilit nilang ipinapatama sa akin , iilan na lamang ang natitira at kaharap ko ngayon ay sina mang renzo at severino.

Yung iba naman ay patuloy sa pagkuha ng kanilang kailangang gawin , isang hiyaw naman at pagbagsak ang aking narinig at nakita ko si Tiyo Manuel.

Na mabilis na pinilit na makatayo at tsaka dali daling sinugod yung ibang mga nakaitim na kasuotan at binigyan ng sipa at suntok.

Ako naman ay patuloy lang sa pag iwas gayung wala naman akong laban dahil kutsilyo lamang ang aking hawak , sabay silang inaatake ako kung kaya'y wala na akong nagawa kundi ang kumuha ng lupa sa baba at tsaka itinapon iyun sa mga mata nila na sanhi upang mapuwing sila.

At doon na ako nagsimulang umatake , binigyan ko nang napakalakas na sipa sa mukha si mang severino na siyang ikinatumba nito at isang malakas na sapak naman kay mang renzo dahil sa labis na galit ko.

Pero nabigla naman ako nang biglang may tumusok na kung ano man sa bandang tagiliran ko na sanhi upang maglakas ako ng pulang likido sa aking bibig , kahit ramdam ko ang sakit ay ipinilit kong tanggalin iyun at tsaka hinampas ng espada si laney at tsaka itinusok iyun sa may bandang puso niya.

Napatumba naman ako saglit gayung ramdam ko na bibigay na ang aking katawan ngunit nung makita ko si amanda na tumumba ngayon doon sa may bandang puno na hawak hawak ng iilang mga nakaitim na kasuotan ay mas nilakasan ko ang aking loob.

Dali dali akong nagtungo doon nang sa ganun ay maprotektahan ko si amanda kahit ngayon lang , isang hiwa ang aking nakuha kapalit nang pagtama sana nito sa katawan ni amanda.

Dugo ang dumadaloy sa aking katawan ngayon pero mas malakas ang will ko para maipagtanggol si amanda kung kaya'y kinakailangan kong maging malakas pa lalo.

Iilang pagtama ang aking natamo pa sa mga kalaban ko sa ngayon at ako naman ay patuloy lang sa pagsangga at pinipilit na maipalayo sila sa amin.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now