MDA-Xlll ( Red Roses)

299 49 1
                                    

Jaydee's Pov

Maaga akong nagising upang diligan ang aking mga halaman kada sabado at linggo kasi ay walang pasok si Manong George na ama ng aking matalik na kaibigan na si Gabbo.

Kung kaya'y ako ang nag aasikaso sa aking mga pananim sa aking bakuran , natanggalan niya na din naman ng mga damo ang paligid ng aking hardin at tanging pagdidilig na lamang sa mga ito ang aking gagawin.

Natutuwa akong pagmasdan yung bago kong tanim na dinadapuan sa ngayon ng mga paru paru na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Dati naman kasi ay bihira lamang akong makakita ng mga ganun dito ngunit nitong mga nakalipas na araw ay parang dinadalaw dalaw na nila ang aking hardin.

"Master J? Nakahanda na po ang iyong pang umagahan sa ngayon , ako na hu ang bahala dyan upang makakain na po kayo" magalang na saad ni manang estella sa akin , napangiti naman ako sabay napailing.

"Hindi na hu manang estella , ako na hu ang bahala rito at magsimula na po kayong kumain doon kasama ang ibang kasambahay , akin na lamang itong tatapusin bago ako magsimulang kumain ng umagahan hindi pa naman po kasi ako nagugutom" mahabang wika ko sa kanya saka napapaindag ang aking katawan dahil sa tunog na aking naririnig na nagmumula sa aking cellphone.

Paborito ko iyong kanta kung kaya'y nadadala ako sa masayang tugtog na iyun.

"Okay po master j? Maiwan na po kita rito sa hardin" pagpapaalam niya saka umalis na sa kinaroroonan ko.

Nanumbalik ako sa aking pagmumuni muni sa aking mga tanim at isang bulaklak ang siyang umani ng aking atensyon.

Ito yung tanim na rosas na binili ko nung una kong nakita si amanda sa may palengke , kay bilis nilang yumabong at dumami mukhang alagang alaga nga sila ni Mang George.

Ibinaba ko na muna ang hawak kong host at pinatay iyun at tsaka kumuha ako ng bagong platera na nasa may gilid ng gate ng aking bahay.

Pagkatapos kong makakakuha ay nagbungkal ako ng unting lupa at tsaka inilagay iyun sa may platera , kumuha na din ako ng isang rosas at itinanim ko iyun roon.

Napangiti naman ako nang matapos kung gawin iyun tsaka kinuha ko na siya at dinala sa may loob , agad na akong nagtungo sa aking silid at tsaka binuksan ang aking sliding window at tsaka inilapag ko sa may gitna yung tanim na dala ko.

Bale nakapatong iyun sa may upuan kung saan ako tumatambay pag hindi ako makatulog sa gabi.

"Amanda! Ayan ang ipapangalan ko sa iyo sapagkat kasingganda mo din yung taong laman ng isipan ko ngayon" mahinang wika ko sa aking sarili saka napangiti ng abot langit.

Napaupo nalang ako sa may bandang ibaba at tsaka pinagmasdan ito ngayon , gumagalaw ang sanga niya na tila bay masaya ito at sumasabay sa hanging napakalakas.

Ackk! Napakasarap sa pakiramdam at natutunugan ko na masaya ang magiging araw ko ngayon , sana nga.

Napatingin ako sa may kalangitan at dumadampi sa mukha ko ang sinag ng araw kung kaya'y napapikit ako saka nagsalita ng aking nararamdaman.

"Amanda? Aalagaan kita hanggang sa abot ng aking makakaya , masaya ako na natagpuan kita sa mga araw na pinili ko nang harapin ang reyalidad. Nais kitang makasama habang buhay kung ako ay iyong pagbibigyan , gagawin ko ang lahat para lamang sayo" hindi na natuloy ang aking sasabihin nang biglang may humawak sa may bandang balikat ko , agad na akong napalingon at tsaka kinuha ang kamay nito at ibinalibag sa may baba ng sahig.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now