MDA-XXV (Way To You)

255 43 3
                                    

Amanda's Pov

Nag iisip lang ako ngayon nang pwede kong gawin para sa gagawin naming proyekto ni Garcia , nabigyan niya naman na ako ng pera para sa gagawing album pero parang nakakapanibago lang sa parte ko na ang cold cold niyang kausap.

Dati may mga ngiti pa siyang ibinibigay sa akin pero simula nung nasabihan ko siya nung intrams ay hindi na siya muling ngumiti o tumingin sa akin.

Ack gulong gulo ako ngayon , bakit parang nakakaramdam ako na tila bay hinahanap hanap ko ang mga iyun?

Yung tulong niya to be precised , nung nakaraan kasi ay nakita niya akong may inaabot na libro ngunit dinaanan niya lamang ako.

Ayun naman yung gusto ko diba? Pero bakit iba ang inaakto ko ngayon? Tsk nakakainis.

"Amanda anak? Nasa labas sila laney at hinahanap ka" pagkatok ni inay sa pintuan ng aking kwarto , binuksan ko naman iyun at tsaka nagtungo sa may labas.

"Ang gaganda niyo naman sa mga suot niyo? Mag aalas syete na ah? Bakit nandito pa kayo?" Bati ko sa kanila , naka bestida ng itim si Jem , si Laney naman ay naka maong na pantalon at tsaka naka puting damit. Si yzabelle ay naka bestida din ngunit ito ay bulaklakin.

"Syempre paano kami aalis kung kulang diba? Hindi kami papayag na hindi ka sasama ngayon amanda" wika naman ni yzabelle sa akin , tumango naman silang lahat bilang pag sang ayon.

"Sinabi ko naman diba na may gagawin akong proyekto? Kailangan ko nang tapusin iyun" pagdadahilan ko pero sa totoo lang ay ayoko talaga magtungo roon sapagkat madaming tao.

"Mabilis lang naman tayo roon amanda? Magpahinga ka naman saglit sa pag aaral oh! Kailangan mo nang break , kaya wag ka nang umangal dyan!" Singhal naman ni jem sa akin saka hinawakan ni coleen ang aking balikat saka pinatalikod at pinalakad papasok ng aming tahanan.

"Oo nga , tara samahan mo ako jem at bibihisan at aayusan natin si amanda" aya ni coleen kay jem nung nakapasok na kami sa may kwarto , may inilabas siya na puting bestida na may kasamang puting sandals din.

Maya maya ay natapos na sila sa pag aayos sa akin , lumabas na kami sa aking maliit na silid at parang nanibago naman ako at na awkwardan dahil sa mga tinginan nila yzabelle , myrna at laney.

"Pangit ba? Sabi ko sa inyo jem at coleen hindi nababagay sa akin itong bestidang puti" sabi ko kila jem pero napangiti lamang sila sa akin , narinig ko naman ang biglaang pagpalakpak nila yzabelle at laney.

"Ang ganda mo talaga amanda!" Sabay nilang sabi sa akin , hinawakan naman na ako ni coleen saka pinisil ang aking pisnge.

"Nako ang ganda mo amanda , kaya lahat ng damit ay nababagay sayo. Aling Remedios? Mauna na hu kami ah , kami na po bahala sa inyong Unica Iha" pagpapaalam ni Coleen sa aking ina tumango lamang si inay tsaka binigyan ako ng yakap.

"Mag iingat kayo roon!" Maikling sabi niya.

Naglalakad na kami patungong paradahan ng tricycle at sobrang daming tao nga ang naroon ngayon , mukhang patungo din sila sa Villa Aguinaldo.

"Mukhang mahaba habang antayan eto ah? Ang daming tao" sabi ni Yzabelle ako naman ay napatingin na lamang sa mabilis na nagmamaneho ng motor ngayon.

Pangarap ko din ang makasakay dyan ngunit mukhang delikado , sa magiging asawa ko sana lamang ay may motor ka at ako ang una mong maisakay roon.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now