MDA- LIII (A Love that is worth to fight)

156 37 3
                                    

Jaydee's Pov

"Anong nangyari?" Nag aalalang bungad ng Ina ni amanda sa kanya nang pumasok itong naka wheelchair at tilay hinang hina.

Nilapitan nito kaagad ang kanyang anak at tsaka hinaplos haplos ito , napabuntong hininga na lamang ako sapagkat kahit matagal ko nang alam na siya ang ina ni amanda ay hindi man lang ako nagkalakas ng loob na pormal na magpakilala sa kanya.

"Uhm manang remedios? Maari hu ba kitang makausap? Yung tayong dalawa lang hu sana" singit ko sa kanilang dalawa , ito na ang oras para magpaalam ako at sabihin kung ano man ang nais kong sabihin sa kanya nang sa ganun ay hindi na siya humadlang sa amin ni amanda.

Kay hirap na nang nangyayari ngayon at hindi ko na kailangan pang pahirapan ang sitwasyon namin.

Nakita ko namang tumango ito sa akin kung kaya'y nagsalita na akong muli.

"Manang estella? Iakyat niyo na po si amanda sa aking silid , gamitin niyo na lang po elevator papuntang taas" dagdag ko saka sinenyasan si manang remedios , may elevator kami dito ngunit hindi naman masyadong nagagamit sapagkat mas ninanais ko pang maglakad na lamang na gamit ang hagdan paitaas ng aking silid.

Nakarating na ako sa may hardin at nakasunod naman sa aking likuran si Manang Remedios na mukhang emosyonal sa ngayon.

"Uunahan ko na po manang remedios , paumanhin po sapagkat hindi ko naipakilala ang aking sarili sa iyo bilang kasintahan ng iyong anak na si amanda , marahil ay napakadaming nangyayari sa ngayon dahil na din sa pagpasok ko sa buhay ng iyong anak kung kaya'y ninanais ko sana na hayaan niyo hu akong mahalin ang iyong anak at protektahan siya" mahabang turan ko sa kanya napaiwas na lamang siya ng tingin sa akin at tsaka pinunasan ang kanyang mga luha sa mga mata.

"Patawad ngunit tutol ako sa pagmamahalan niyong dalawa master j? Ngayong araw ko din nais sabihin sa iyo na aalis na ako bilang maninilbihan niyo at nais ko na ding dalhin ang aking anak gayong narito na din naman siya" wika nito na ikinagulat ko , bakit parang nag iba ang pakikitungo niya sa akin at yung tono ng kanyang boses.

Nakakapagtaka ngunit may nangyari ba na hindi ko nalalaman?

"Manang Remedios? Batid kong nag aalala kayo ngunit sana ay pagkatiwalaan niyo hu ako , mahal na mahal ko po ang iyong anak kung kaya'y nagmamakaawa ako na sana wag na po kayong tumutol sa aming dalawa" nagmamakaawang turan ko sa kanya saka hinawakan ang kanyang mga kamay ngunit dahan dahan niya naman iyong tinanggal.

"Nararamdaman kong mahal na mahal mo ang aking anak master j? At mahal ka din niya ngunit sa mundong ating kinabibilangan ay hindi maaari ang relasyon na meron kayo , nais ko nang ilugar ang aming sarili kung saan man kami nararapat habang maaga pa" sa aking naririnig ay hindi ko maiwasang hindi masaktan ngayon , hindi ito ang inaasahan kong marinig kung kaya'y nasasaktan ako.

"Ang pagmamahal ay hindi dapat bumabase sa anumang estado ng buhay manang remedios? Kung nababahala kayo sa aking pamilya ay kaya ko ho na ipaglaban ang iyong anak" seryosong wika ko sa kanya ngunit napailing na lamang ito sa akin.

"Ang mayayaman ay mananatiling sa mayaman lamang at ang mahihirap ay dapat lumugar at bumagay sa kapwa namin mahihirap din" pinagmamasdan ko lamang siya ngayon at nagbago na ang kanyang reaksyon kung kanina ay nalulungkot siya ngayon naman ay mararamdaman ko ang takot sa kanyang mga mata na hindi ko mawari.

"Pero manang remedios..." Magsasalita pa sana ako nang muli na naman itong magsalita at putulin ang nais kong sabihin.

"Patawad master j? Ngunit sana iyong igalang ang magiging desisyon ko bilang kanyang ina , ang gusto ko lamang sa buhay ay ang makasama ang aking anak at maging simple ngunit masaya kami , hindi matatahimik ang aming buhay kong mayroong relasyon ang namamagitan sainyo , kalbaryo ang darating sa amin kahit wala naman kayong ibang ginagawa kundi ang magmahalan na dalawa , maling mali na ikaw ang kanyang minahal kung ganun ay sana hayaan mo na kaming umalis ngayon" dagdag niya pa sa kanyang katwiran sa akin , napaluhod na lamang ako dahil wala na akong maisip pa na dapat gawin upang mapapayag siya at bigla na ding nagsimula ang pagpatak ng aking luha sa may lupa.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now