MDA-XLII (The Plan has already started)

261 45 18
                                    

Someone's Pov

Nakakatuwa na makita ang reaksyon ni jaydee sa ngayon , umuugnay lahat ng aking pinaplano sa mga nangyayari at tila bay parang kinakabahan siya dahil nagsisimula na ang pagsasagawa ko ng plano.

Nagpapasalamat na lamang ako na may taong naroon sa kanyang tahanan upang tumulong sa akin sa mga balak ko pang gawin , ngayong nabasa mo na ang iba't ibang bahagi ng libro ng iyong yumaong lolo karding ay dito na din magsisimula ang dapat mangyari sa iyo at lalo na sa minamahal mong si amanda.

The history will repeat itself at sisiguraduhin kong maisasagawa ko iyun ng tama ngunit hindi lang magtatapos ang lahat sa mga ganito , dadanak ang dugo sa iyong angkan kagaya nang nangyari sa mga nakaraang henerasyon.

Hindi magiging sapat na mawalan kayo ng taong minamahal kundi magiging mas exciting iyun kung mababawasan ang inyong angkan katulad ng ginawa niyo sa ninuno namin.

"Ito na ang simula ng paghihiganti ko sa ika apat na henerasyon lola helena? Pagkatiwalaan niyo lamang ako sapagkat hindi ko kayo bibiguin , magbabayad ang mga dapat magbayad!" Madiin kong sabi saka nakatingin sa litrato ng aking Lola na matagal nang yumao pati sa aking Lola din na si Clara.

May natanggap naman ako na isang tawag kung kaya'y agad agad ko na iyong sinagot , ako lang naman ang nag iisa sa aking silid.

OTPC

"Hello Boss? Ipapa dislocate ko na po ba yung location ng digital camera?dahil baka malocate pa ni master j yung pangalan at address ko" saad niya sa kabilang linya , napangiti naman ako na tila bay parang nababaliw na habang iniinom ang aking tubig na hawak.

"Kung ayan ang iyong inaalala ay nagawa ko na , naipa block ko na yung location dahil alam kung napakabagal ng inyong aksyon!" Madiing sabi ko saka napaupo na sa may upuan , nagsisimula pa lang ako sa pang aasar na ginagawa ko sa kanya pero makikita na sa kanyang reaksyon na tila bay naiinis na siya.

"May iba pa ba kayong nais na ipagawa boss?" Tanong niyang muli sa akin napatingin naman ako sa may pintuan nang biglang may bumungad doon.

"Sa ngayon ay wala na muna , tatawagan na lamang kita kung meron akong ipapagawa sa iyo" turan ko sa kanya saka pinatay na ang tawag at tumayo na tsaka lumapit sa taong narito sa aking harapan.

EOTPC

"Bakit ka naparito? Dapat ay naroon ka sa Villa Esmeralda upang manmanan ang ginagawa niya?" Seryosong wika ko sa kanya napaupo naman siya sa may upuan saka itinaas ang paa niya sa may lamesa.

"Wala na siya roon sa kanyang tahanan at may pinuntahan siya , kakaalis niya lang kung kaya'y tumakas din ako upang magreport sa iyo ng magaganap" turan niya sa akin at tsaka naghubad ng damit sapagkat basang basa iyun.

"Kuya? Yang tattoo mo sa katawan ay lagi mong lagyan ng bandage nang sa ganun ay hindi mahalata kapag pinagpapawisan ka" aniya ko sa kanya mahirap na sapagkat baka may makaalam pa ng simbolo ng butterfly na itim na iyun.

"Wag ka mag alala aking kapatid , nag iingat ako at close nga kami ni Master J eh hindi naman sa pagmamayabang" nakangiting wika niya sa akin napailing naman ako sa kanya bago rumebat.

"Mas close kami keysa sa iyo kuya" huling wika ko bago lumabas ng aming tahanan.

Jaydee's Pov

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now