MDA-LXII (Lost Of Lives)

203 39 18
                                    

Jaydee's Pov

Nagpahinga muna kami ni gabb kagabi dahil sa mga pangyayari na hindi namin inaasahan , nagpapaplano na din kami ng dapat gawin sa ngayon.

Kakauwi niya lang sa bahay nila gayung nais niyang dalhin rito ang kanyang ina , ako naman ay dali daling kinuha na ang aking cellphone para tawagan si Amanda at itanong kung saan ang address nito.

Nanganganib ang kanilang buhay ng kanyang ina kaya kailangan ko na siyang masundo kung nasaan man siya sa ngayon.

Nagsimula na akong magdial ng kanyang number ngunit tanging pag ring lang ang aking naririnig sa kabilang linya.

Sinubukan ko muling tawagan siya sa pangalawang beses ngunit hindi pa din ito sumasagot , napatayo na lamang ako at hindi na ako mapakali sa sobrang kaba na aking nararamdaman.

"Damn it! Answer it amanda" wika ko habang napapakagat na ako sa bandang kuko ko.

Nagsunod sunod lang ang aking pagtawag sa kanya hanggang sa huling tawag ko ay nagsabi na ng cannot be reached an please try to call later.

Napasapo na lamang ako ng aking ulo at tsaka naisipang itext na lamang ito dahil baka sakaling makita niya iyun.

Napatingin naman ako sa ibinigay ni Gabb na papel kahapon sa akin hindi ko pa nakikita yung laman nun sapagkat wala sa akin ang libro at naiwan iyun sa Villa Aguinaldo na siyang pupuntahan ko mamaya.

Ilang minuto pa ay may tumawag sa akin na unknown number at hindi na ako nag atubling sagutin pa iyun.

OTPC

"Hello jaydee? Ako to si amanda? Pasensya na at nawalan ako ng load, Uhm napatawag ka?" Bungad na sabi niya sa akin kung kaya'y parang tinanggalan ako ng tinik dahil doon

"Nasaan ka ngayon amanda? At bakit iba ang numero ng iyong cellphone" takang tanong ko sa kanya at hindi pa ako mapakali sa ngayon.

"A-aahh nasa bahay bakit?" Tilay nagtatakang tanong niya din sa akin.

"I mean anong address ng bago niyong nilipatan na bahay amanda? Nais kitang puntahan ngayon din sapagkat nanganganib ang iyong buhay , kaya sagutin mo ang aking tanong sa iyo" nagmamadaling saad ko sa kanya dahil kakaiba na yung kabang nararamdaman ko sa ngayon.

"Jaydee anong nangyayari? Paanong nanganganib ang aking buhay" Napapakamot ulo na lamang ako sapagkat hindi ko maaaring sabihin pa ang lahat sa kanya ganuong mag ka call lamang kami.

"Amanda sagutin mo na lamang ako , mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat? At tsaka kaninong cellphone tong gamit mo at sino ang kasama mo?" Diretsong tanong ko sa kanya , magkaiba kasi ang numero nito at ngayon niya lamang ito ginamit para tawagan ako.

"Uhm nasa Villa Crisostomo ako ngayon jaydee at ang kasama ko ay si Evans na may ari nitong cellphone na ginamit ko para matawagan ka" mabilis niyang wika sa akin na ikinaestatwa ko ,. Damn so ibig sabihin naroon na si evans at nanganganib ang buhay niya.

"Ano?! Amanda umalis kana dyan! Layuan mo si Evans dahil mapanganib siyang tao...." Hindi pa man natatapos ang aking sasabihin nang biglang makarinig ako ng pagbagsak ng isang katawan sa may lupa.

"Amanda! Amandaa!" Sigaw ko dahil sa sobrang pag aalala , pag may nangyaring masama kay amanda ay tiyak na mananagot si evans dito.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now