MDA-XIV ( Ms. White T-Shirt)

293 50 11
                                    

Author's Pov

Kasalukuyang naglalakad na si Amy patungong tahanan nila , galing kasi siya kila aling bebang at kakatapos lang ng kanyang trabaho nang biglang makarinig siya ng ingay na nanggagaling sa tinig ng kanyang ina.

Dali dali na siyang nagtungo doon at nakita niya ang mga baranggay tanod na dala dala ang kanyang ina ngunit nagpupumiglas ito sa pagkakahawak ng mga tanod.

"Bitawan ninyo ako! Wala akong kasalanan sa Mariah na iyun! Siya ang may atraso sa akin dapat siya ang makulong sa aming dalawa!" Nagpupumiglas at sumisigaw na ani ng  kanyang ina , umani naman ng atensyon iyun sa mga kapitbahay nila kung kaya'y dumami ang mga tao.

"Manahimik ka nalang Remedios! Binigyan na kita ng palugit na isang linggo ngunit hindi ka pa din nakapagbayad para sa dispensa mo kay Mariah kung kaya'y huhulihin kana namin!" Singhal sa kanya ng tanod saktong pagkadating ni amanda ay kinakaladkad na ang kanyang ina patungong sasakyan.

"Kuya saglit lang naman hu! Pwede hu bang 500 lang muna ang aking ibayad ito lang ang aking kinita nitong linggo" pagmamakaawa ni amanda sa tanod at kay aling mariah na ngayon ay naka ismirk pa habang tinitignan si amanda ngayon..

"Hindi ako tatanggap ng kulang na pera kung hindi niyo kayang magbayad ngayon ng dalawang libo ay mabuti pa na makulong yang Remedios na yan nang sa ganun ay madala na siya!" Inis na saad ni aling mariah saka dinuro duro pa ang ina ni amanda.

"Bakit nararapat lang naman sa iyo na ika'y saktan dahil sa pagkakalat mo ng maling impormasyon tungkol sa aking anak! Hindi malandi ang anak ko at lalong hindi ko nilandi si Mayor para mabigyan ng scholarship ang aking anak sa Philippine Normal University! Di hamak na mas matalino ang aking anak kesa sa anak mo kung kaya'y hindi siya nakatanggap ng slip para sa PNU!" Galit na galit na sabi ng ina ni amanda kay aling mariah na ngayon pangisi ngisi nalang.

"Abay may mali ba akong sinabi dun? Tama naman ah? Saan ba magmamana ang katulad niya? Edi sa iyo dahil kung ano ang sanhi siya rin ang bunga! Nako remedios? May maniniwala pa ba sayo huh?" Malakas na singhal din ni aling mariah , panay naman sa pagpupumiglas ang ina ni amanda dahil nais niyang saktan ang nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa kanyang anak.

"Kaladkarin niyo na yan!" Maikling dagdag niyang muli sa mga tanod na agad naman nilang ginawa.

"Pero aling mariah..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni amanda nung itulak siya ng tanod na sanhi upang matumba siya at masugatan.

"Ahhh!!" Daing niya at tsaka hinila na nung mga tanod yung kanyang ina , bigla namang may sumulpot sa harapan nung mga tanod na naka cap at nakaitim na damit.

"Tumabi ka iho sa aming dinaraanan!" Pagsita sa kanya nung medyo may kalakihang tanod , napakagat na lamang naman ito sa kanyang ibabang labi na tila bay hindi makapaniwala.

"Ganyan ba ang panghuhuling ginagawa ninyo? May nasaktang babae habang isinasagawa niyo ang panghuhuli niyo! Makatarungan ba iyun?" Seryosong saad nito sa mga tanod , napatingin naman si amanda sa taong nagsasalita ngayon dahil tila bay pamilyar sa kanya ang boses nito ngunit sa kasamaang palad ay hindi mo man lang matatanaw ang mukha nito dahil natatakluban ng kanyang cap at tsaka ng madilim na paligid.

"Paharang harang siya sa daanan kung kaya'y nararapat lamang na gawin namin yun sa kanya! Mga mabababang nilalang!" Saad nung mayabang lalaki saka naglakad nang muli at binangga ang nakaitim na tao sa harapan niya.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now