MDA- ll (Writer J)

770 65 6
                                    

Jaydee's Pov

Kasalukuyang nakaupo lang ako sa may desk ko at hawak hawak ang aking diary habang nakatingin sa litrato ng aking ina at ama na namayapa na.

Ang diary ko ang nagsilbing kasangga ko sa buhay , kasi sa pasimpleng pagsulat ko lamang ng mga nagaganap sa buhay ko ay tilay nabibigyan ako ng motibasyon para magpatuloy sa buhay.

Napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang aking ballpen sa may pencil box ko at tsaka inayos ang aking pagkakakaupo sabay tumingin sa may labas ng bintana , magsisimula na muli akong magsulat ng tula upang mawala ang lungkot na aking nadarama sa tuwing naaalala ko ang aking mga magulang na pumanaw na.

Sa Inyong Paglisan ako'y naiwan ,
Hindi ko inasahan na aking matututuhan ,
Lahat ng pangangaral niyo sa akin ay hindi na ako magbubulagbulagan.

Mahal kong ina at ama
Pangako ko sa inyong dalawa
Salarin sa inyong pagkamatay
Aking parurusahan.

Naputol naman ang pagsusulat ko nang biglang may narinig akong katok na nanggagaling sa may pintuan ng aking kwarto.

Naiinis man ngunit tumayo na ako at tsaka pinagbuksan ang pintuang iyon , bumungad naman sa akin ang isang babaeng hindi ko akalaing makikita ko dito ngayon sa aking pamamahay.

Bihira siyang mapadpad dito na hindi nagpapasabi sa akin sapagkat alam ko naman na busy siya sa pag enroll muli para sa ikalawang taon niya sa Kolehiyo sa Philippine Normal University.

"Therese? Anong ginagawa mo dito ngayon? Hindi ka man lang nagpasabi sa akin na darating ka? Ano ang iyong sadya?" Tanong ko sa kanya saka napatingin sa hawak niyang papel ngayon at may dala din siyang pagkain dahil naaamoy ko iyun.

"Nabalitaan ko na gusto mo na namang magpaliban at wag na mag aral ngayong taon jaydee? Kung kaya'y naparito ako upang ibigay sa iyo itong slip para sa kwalipikasyon bilang estudyante ng Philippine Normal University! Magandang opportunidad ito upang makapagsimula ka ng panibagong buhay jaydee" ibinigay niya sa akin yung papel na tinutukoy niya at binasa ko naman iyun.

Isa itong slip para sa kwalipikasyon at iskolarship which is hindi ko naman na need dahil may pera naman ako upang makapag aral ako.

Successful pa din naman ang mga business na naiwan sa akin nila ina at ama na aking pinagpapatuloy at pinag iingatan.

"Maganda man ang inaalok mong pribilihiyo ngunit aking tatanggihan iyan therese , batid kong sa tulong ng iyong ama na mayor ng bayang ito ay makakapag aral akong muli at mawawala yung mga bad record ko sa dating school ay hindi ko nais na mangyari iyun" abala kasi ako sa pagmamanage ng aming business at dahil doon wala na talaga akong oras pa para mag aral kung kaya't hindi na ako nag nananais pang mag enroll sa kahit anong unibersidad.

"Jaydee naman? Alam kong dismayado ka pero sa tingin ko ito na yung oras para mag move forward kana sa buhay? Hindi magiging masaya sila Tita at Tito nito kapag nakikita ka niyang ganyan?" Palingat lingat ang paningin niya sa kwarto ko na hindi ko nagugustuhan sapagkat wala pa talagang nakakapasok dito maliban sa kanya na biglang pumasok lang ng walang paalam.

Aminado naman akong nasasanay na ako sa ganitong pabiglaang pagpunta ni therese ngunit nakakailang pa din ang mga tinginan na ibinibigay niya sa akin na tila bay nang aakit.

"Pasensya kana therese sapagkat hindi na magbabago ang aking isipan , kung wala ka nang ibang sasabihin ay maaari ka nang umalis sa aking silid" akmang tatalikod na ako sa kanya nang bigla akong makarinig ng parang papel na biglang kinuha.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now