MDA-LXIV (The Final Match Up)

217 34 4
                                    

Author's Pov

Kasalukuyang nananahimik lang sa isang sulok sila manuel , romeo at ang kanyang asawa nang biglang may makarinig sila ng iilang putok ng baril na nagpaalarma sa kanilang lahat.

Agad silang napatayo at nagmasid masid sa paligid , bumukas ang pintuan ng masyon at pinagbabaril yung mga kasambahay na humaharang sa daanan ng mga  nakaitim na mahabang kasuotan.

Gayung gabi na ay hindi sila masyadong nakita ng mga nagbabantay , napahawak na lamang si Manuel sa kanyang asawa at saka sa kanyang anak ngayon na nasa likuran niya.

Sila Nami naman ay niyayakap ni Pablo at pati na din ang kasama nito , nakaabang na ang mga guwardya sa maaaring pagpasok ng mga nakaitim na mapag aalaman nilang kampon ng mga Sta. Rita.

Agad nang sinenyasan ng mga guwardya ang mga amo nila na magtungo sa may likuran at doon na lamang tumakas gayung patuloy sa pag ambush itong mga papasok sa kanila.

Dali nang sinunod nila Manuel ang sinabi ng kanilang guwardya at doon sila nagtungo , halata man ang takot ay patuloy pa din sila sa paglakad habang nakayuko.

Napahinto naman sila nang biglang
Bumukas ang isa pang pintuan at iniluwa ang mga lalaking nakasuot ng itim din at may mga hawak silang espada ngayon.

"Dead end..." Turan ng isang lalaki na nakaitim at halata sa boses niya na natutuwa siyang makita ang mga kaharap niya sa ngayon.

"Magkamatayan man ay hindi ko hahayaang mahawakan niyo ang aking Anak at Asawa!" Sigaw pa ni manuel at tsaka hinugot ang kanyang baril sa may bulsa.

"Manuel..manuel...manuel.. wag mo na subukang pahirapan ang iyong sarili gayong kailangan niyo nang pagbayaran ang lahat ng kasalanan niyo sa aming pamilya" tawag ng isang lalaki muli sa kanya , nakarinig pa sila ng iilang putok ng baril bago tuluyang bumukas ang isang pintuan muli sa kanilang likuran which means na trapped na talaga sila.

"Wala kaming dapat pagbayaran sa inyo gayung hindi naman kami ang may gawa nun!" Matapang na sagot nito at mabilis naman itong tumumba nang biglang hampasin ng baril ni Pablo ang uluhan nito.

"Andami mo namang sinabi kuya? Na sanhi upang ako ay mairita." Nakakunot na saad ni Pablo na siyang ikinagulat ng asawa at anak ni manuel na si romeo.

"Ano itong ginawa mo tiyo pablo!" Sigaw naman ni romeo at biglang lalapitan ang kanyang tiyo pablo nang itutok nito ang baril sa uluhan ng kanyang pamangkin.

"Manahimik ka na lamang romeo kung nais mo pang mabuhay hanggang mamaya , lumuhod ka ngayon din!" Sigaw nito sa kanyang pamangkin at nagulat na lamang ito nang bigla siyang sampalin ng asawa ni manuel.

Pak!pak!pak!

Tatlong malalakas na sampal na siyang nagpabuhay ng dugo ni pablo at dahil doon ay mabilis niyang pinaputukan ang may gawa nun na ina ni romeo.

"Inaaaa!!!" Sigaw ng binata at tsaka mabilis na niyakap ang kanyang ina akmang tatayo na siya upang sugurin ang kanyang tiyo nang biglang matumba siya gayung pinatamaan ni Nami ng baril ang kanyang bandang tuhod.

"Aahhhh! Napakawalang hiya niyo!" Malakas niyang sigaw muli habang dumadaing sa sakit ng tama ng baril.

"Dalhin niyo na yang mga yan! Matutuwa si Lolo Chris gayung tatlo ang nahuli ngayon , Nami si jaydee ay hanapin mo gayung baka narito lamang iyun at naglilibot" utos ni pablo sa kanyang anak na si Nami at napatango na lamang iyun at tsaka naglakad na papalayo.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now