MDA-XVIII (I'm In Pain)

299 55 11
                                    

Terrence Pov

Napapangiti nalang ako sa isang sulok sa ngayon sapagkat nag iimagine ako ng mga scene about sa lugar na pagdadalhan ko kay amanda.

Maganda ang tanawin roon at tsaka tiyak akong magugustuhan niya kapag pumunta kami doon ngunit kailangan kong isama si Yssa nang sa ganun ay sumama din siya.

Malapit na din yung Pangkahalatang Quiz bee at mukhang kami ang ilalaban ng school namin para doon , masaya ako kapag nangyari yun sapagkat sabay na naman kaming mag aaral na dalawa sa library at pag uusapan yung mga bagay bagay.

Unti unti ko siyang nakikila nitong mga nakalipas na araw , hindi ko siya pinipilit or kung anuman.

Basta masaya lang ako na kasama ko siya at masaya din ako sapagkat tinanggap niya ang aking alok na maging kaibigan niya.

Ayun naman yung pinakaunang step para maging kasintahan niya kung kaya't masaya ako sapagkat natitiyak ko na may tsansa ako na patunayan sa kanya na mahal ko siya.

Na kaya kong gawin ang lahat , poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya , nagsinungaling man ako sa kanya na ako ay mahirap lamang ay sana hindi niya na malaman pa iyun.

Sa tingin ko kung bakit din niya ayaw makipag kaibigan sa iba ay sapagkat minamaliit ng iba yung mahihirap na estudyante dito sa PNU.

Ibinagsak ko na lamang ang aking uluhan sa may mesa ko habang tinitignan yung mesa niya at tsaka yung bag niya na narito sa classroom.

Nasa may library kasi sila ni yssa , gustuhin ko man sumama ay hindi ako nakasama sapagkat may unting meeting kami sa varsity.

Fast forward....

Dumating na ang aming guro na si Ginang Dizon at pinapakuha nga kami ng textbook namin sa Architectural Design.

Nagsikuhaan na kami lahat dahil roon at si amanda naman ay panay kalkal ng kanyang bag , mukhang naiwan niya sa kanilang tahanan ang textbook niya.

"Magsitayo lahat ng walang dalang textbook!" Sigaw ng aming guro , akmang tatayo na siya ngunit tumayo si jaydee sa may harap namin saka ibinaba niya yung libro niya sa mesa ni amanda.

Napatingin na lamang ako sa kanya sapagkat hindi ko inakalang gagawin niya iyun , paanong napansin niya pa na walang dalang textbook si amanda.

Fast forward....

Natapos na ang klase at nakatingin lang ako sa hindi umiimik na si amanda ngayon , gulat man ako dahil sa ginawa ni jaydee na pagbigay ng libro ni amanda ay natutunugan ko na na marahil ay may gusto siya rito.

Naunahan niya akong gawin iyun , ibibigay ko palang sana kay amanda yung aking libro nang sa ganun ay okay na ako ang mapagalitan ng aming guro.

"Hindi mo dapat ginawa yun?" Sabi ni amanda saka ibinigay yung libro kay jaydee , nakatingin lang ako sa kanila sa ngayon.

Mahina lang naman ang usapan nila kung kaya'y ako lang at yung kaibigan ni jaydee ang nakakarinig nun.

"Okay lang--"

"Hindi yun okay para sa akin?" Medyo inis na sabi ni amanda , naaawa ako sa kanya sapagkat dahil sa paglapit ni jaydee sa kanya ay hindi na siya kinakaibigan or kinakausap ng iba naming mga kaklase.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now