MDA- XXVIX (P.E Session)

278 51 16
                                    

Amanda's Pov

Pabalik ako ngayon ng library sapagkat may naiwan lamang ako na mahalagang bagay na nasa mesa kung kaya'y dali dali akong naglalakad , sa hindi inaasahang panahon ay nakita ko si Jaydee na kayakap si Therese dito sa hallway ngayon.

Mahigpit ang yakap nila sa Isa't isa at para naman akong ewan na nakatingin sa kanila ngayon , napatago na lamang ako bigla nung lumingon si jaydee saka nagtago sa may pader.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa ngayon ganuong nagtapat siya sa akin ng kanyang damdamin tapos ganito ang mangyayari?

Siya ang unang tao na nahalikan ang aking labi , hindi naman sa pagiging mapili ngunit inihahanda ko ang first kiss ko sa taong magiging kasintahan at papakasalan ko.

Nang marinig ko na na mukhang umalis na sila ay magtutungo na sana ako sa library ngunit dinadala ako ng aking paa kung saan sila patungo ngayon.

Dahan dahan akong naglakad at pinagmamasdan sila , papunta silang rooftop ngayon at hindi ko maiwasang hindi macurious sa kanilang gagawin.

Nakapasok na sila at sinarado naman na ni Frances yung pintuan , ako naman ay idinikit na lamang ang aking tenga sa may pintuan upang marinig ko ang kanilang pinag uusapan.

Hikbi lamang ang aking narinig mula kay frances at nung sinilip ko na sila ay halos maestatwa naman akong muli , ako ay naguguluhan sa biglaang pagkirot ng aking puso na tila bay ako ay nasasaktan habang pinagmamasdan sila.

Agad ko nang sinarado ng paunti unti yung pinto saka nagulat ako nang biglang mag matabig akong halaman na dahilan upang matumba iyun.

Hindi ko na siya itinayo sa halip ay mabilis ko nang linisan ang lugar na iyun at tsaka baka kanina pa ako inaantay ni Terrence sa may dean's office.

Jaydee's Pov

Kasalukuyang naglalaro na kami ni evans ng basketball habang inaantay ang aming mga kaklase at guro dito sa may court , may pe session kasi kami ngayon at hindi pa namin alam kung ano ang magiging laro o gagawing ehersisyo sa ngayon.

Ang score ng laban namin ay 16-14at nakakalamang siya pero nasa akin ang bola ngayon kung kaya'y may tsansa ako na itabla iyun.

Nagpa dribble dribble lang ako saka iniingatan kong hindi niya maagaw ang bola sa aking kamay , sobrang higpit niyang dumipensa at tsaka mahaba pa ang galamay niya kung kaya'y aminado akong nahihirapan ako.

Unti unti naman ko naman siyang hinawi saka nag fade away 3 point shot ako na pumasok naman , napa yes na lamang ako kasabay nun ay ang mga sigawan ng ibang babae naming kaklase na narito ngayon sa court.

Sayang lang at wala pa dito si amanda baka kasama niya pa din yung pabibong Terrence na yun , nakakainis yung lalaking yun.

"Naks napakagaling mo jaydee!" Sabi niya at hingal na hingal na siya ngayon , ipinasa ko na ang bola sa kanya saka agad na dumipensa.

Nag dribble dribble siya ng bola at mukhang papagurin niya ata ako dahil hindi siya nag aattempt na tumira , napapangiti na lamang siya habang patuloy pa din ako sa pag depensa sa kanya.

"Pinapagod mo ako nang sobra evans" saad ko sa kanya napatawa naman siya saka akmang titira na ngunit nag fake lang pala siya , medyo nadulas ako kung kaya'y muntik na akong matumba at successful naman siyang nag lay up nalang sa may ring.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now