MDA-V (First Day Of School)

465 57 9
                                    

Author's Pov

Unang araw ng eskwela at maagang nagising si Jaydee upang mag asikaso sa kanyang sarili , kasalukuyang kakatapos niya lang sa pagligo at nagsusuot na siya ng kanyang puting damit at itim na jeans dahil ayaw niyang suotin ang kanyang Uniporme na puti na may maroon na manggas at maikling palda.

Inihahanda niya na din sa ngayon ang mga kagamitan niya sa school dahil nakalimutan niyang ilagay iyun sa kanyang backpack kagabi.

"New School? New Beginning! Sana lang at maging maganda ang bungad ng pasukan ko ngayon at hindi kagaya noon" Mahinang saad niya at napatingin sa hawak niyang diary na agad niya namang inilagay sa kanyang backpack.

Maya maya ay sa kanyang pag aayos ay may biglaang kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto at mukhang si manang esther na nga iyun ang bago niyang kasambahay.

"Master J? Nakahanda na hu ang iyong magiging breakfast sa may mesa? Kung tapos na hu kayo sa pag aasikaso ay maaari na kayong lumabas sa iyong kwarto sapagkat baka lumamig na din ang pagkaing nakahanda at baka malate din po kayo sa una mong klase." maaga pa naman ngunit malayo layo pa ang ba byahiin ni jaydee patungong Philippine Normal University kung kaya'y pinagmamadali na siya ng kanyang mga kasambahay.

"Opo manang? Palabas na din ako sa aking silid! Hintayin niyo nalang po ako sa may baba" magalang na saad ng dalaga saka tinignan ang kanyang sarili sa may malaking salamin na nasa may sulok ng kanyang kwarto.

"Hmp? I look good!" Papuri niya sa kanyang sarili at tsaka kinuha na ang kanyang backpack at tsaka lumabas na ng kanyang kwarto.

"Magandang Umaga Master J!" Bati ng mga tauhan niya na nakatumpok sa may baba , tumango na lamang si jaydee at nagtungo na sa may hapag kainan.

Naupo na siya at nagsimula na siyang kumain , sinenyasan niya naman ang kanyang mga kasambahay na medyo may kaedaran na upang lumapit sa kanya.

"Manang? Sumabay na hu kayo sa akin sa pagkain upang ganahan naman po ako? Manong Jastro? Kayo din hu? Pati yung driver ko , sumabay na kayong lahat sa akin sa pagkain!" Utos ni jaydee at tinawag naman na ng mayor doma na si Manang Estella ang ibang mga tauhan nang sa ganun ay makakain na din sila kasabay si jaydee.

Hindi rin nila kayang tanggihan si jaydee sapagkat magtatampo iyun sa kanila.

Fast forward , natapos nang kumain si jaydee at nagtungo na siya sa may kusina upang magsipiliyo , kasalukuyang kumakain pa din yung iba niyang mga tauhan kung kaya'y hindi niya na iyun inabala pa.

Pagkatapos niyang magsipilyo ay biglang nakarinig siya ng pamilyar na boses.

"Good Morning Ms. Therese!" Bati nung mga tauhan at kasambahay ni jaydee sa kakarating lang na si Therese.

Hindi naman na nagulat si jaydee sa pagpunta ngayon ni frances dahil nga nagsabi naman na ito na sabay sila papasok sa unang araw ng eskwela upang matulungan ni Frances na matuntun ni jaydee ang kanyang magiging classroom.

"Hindi niyo na hu kailangan tumayo pa, ipagpatuloy niyo na pong lahat ang inyong pagkain at wag niyo na po akong intindihin" magalang na sabi ni frances , napakalaki din ng respeto ng mga tauhan ni jaydee sa kanya dahil na din sa napaka respetado ng ama nito na mayor nga sa kanilang bayan.

Marami na itong natulungan at pati din ang mga anak ng mga tauhan ni jaydee na nabigyan nito ng pagkakataong makapag aral.

"Hi Jaydee?! Magandang Umaga sa iyo!" Masayang bati ni frances kay jaydee na kakatapos lang mag sipiliyo ngayon.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now