MDA-X (Hidden Love)

376 48 2
                                    

Frances Pov

Kasalukuyang nasa hapagkainan na ako katabi si Romeo na kanina ko pa nakikitang nakatingin lang sa akin ng diretso , di lang ako nagpapahalata pero kanina pa ako naiilang sa mga malalagkit niyang tingin.

Maputi siyang lalaki , chinito at napakalakas ng appeal niya ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya hindi tulad ng nararamdaman ko kay Jaydee na masaya ang puso ko.

"Ako'y nagagalak na makita ka rito Ms. Therese? Balita ko ay ikaw ang nangumbinsi kay Jaydee na mag aral muli , ano kaya ang iyong ginawa upang makumbinsi ang isang Jaydee Garcia upang pumayag iyun?" masayang sabi ni Nami na pinsan ni jaydee , malapit sila sa isa't isa ngunit nung napalayo ito kay jaydee ay parang may harang na sa pagitan nilang dalawa ngayon.

"Ginamit ko lamang ang aking nalalaman tungkol sa kanya upang makumbinsi ko siya , isang sikretong malupit" maikling sabi ko napatingin naman ang lahat sa akin nang dahil doon, sa tingin ko naman ay wala naman akong nasabi na hindi maganda ngunit ano itong nararamdaman ko na tensyon.

Sadyang napapangiti lamang ako sa tuwing si jaydee na ang aming pinag uusapan.

"Kamusta naman ang unang araw mo sa ekwela therese?" Singit naman sa usapan ni romeo , ewan ko ba kung bakit sa tuwing nagsasalita siya ay parang nabibwisit ako.

Nakakaasar na parang wala siyang kwentang kausap mga ganun? Pogi siya pero napaka wala niya sa ayos kausap , minsan nagtataka na nga lang ako kung bakit naging heartthrob to sa University of Manila eh at tsaka buti nalang talaga dahil hindi siya nag aral sa PNU.

"Mabuti naman romeo" maiksing sagot ko sa kanya napatingin naman sa akin ang aking ama na para bang sinasabi ng kanyang mga mata na ayusin ko ang pagsagot sa tanong ni romeo.

"Mabuti naman at ganun pa din, masaya at nakaka excite mag aral lalo na kung napapalibutan ka ng mga magagaling na mga guro at mga kakilala mo na ang iyong mga kaklase" pag uulit ko ng una kong sinabi , hindi naman kailangan pang ipaintindi sa kanya ang lahat.

Ano pa bang bago sa paaralan? Malamang naroon ka upang mag aral at ienjoy ang buhay? Like duh? Nag aaral ka naman at pumasok ka din naman kahapon bakit kailangan mo pang tanungin kung kamusta araw ko.

Kung pwede lang sabihin na naiinis na akong makita ka ay sasabihin ko na ngunit hindi maaari sapagkat ako ay mapapagalitan ng aking ama.

"Tama ka dyan therese ako ay sang ayon sa sinabi mo na magagaling ang mga guro na nasa Philippine Normal University kung kaya'y naisipan ko na din na doon mag aral nang sa ganun ay maging ka close ko din ang aking pinsang si Jaydee" sabi niya pa na ikinagulat ko , bakit naman lilipat ka pa roon? Ikaw lang ang sisira ng araw ko kapag makikita kita sa Unibersidad.

"Bakit? Ahm what I mean is maganda na ang Unibersidad ng Maynila bakit mo pa nanaising lumipat sa Philippine Normal University?" Tanong ko sa kanya  ng may pagtataka , mga normal na tao lamang ang tinatanggap sa Philippine Normal University at hindi pwede doon yung puro pa cute lang ang alam at ang walang ginawa kundi bayaran ang guro upang makaliban siya sa klase at mabigyan ng magandang grado.

"Wala kasi sa Unibersidad ng Maynila yung taong nagpapasaya sa akin kung kaya'y nais kong piliin ang sinasabi ng puso ko na lumipat ng ibang paaralan" halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya at dali dali niya akong binigyan ng tubig sa may baso na kaagad ko ding ininom.

Hindi lang pala siya bobo kundi napaka korni ng taong ito , wag ka lang talaga magkagusto sa akin ay magiging okay na ang buhay ko.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now