MDA-XLVIII (The Truth Part 2)

179 39 6
                                    

Jaydee Pov

Still the flashback

Nag ayos na ako sapagkat dali dali akong magtutungo ngayon sa Villa Aguinaldo para sa ganun ay malaman ko kung ano ba talaga ang balak ni ella at nagpalagay siya dito ng hidden camera o di kaya baka napag utusan lang siya o di kaya may nagpangalan lang sa kanya sa pag order nun.

Madami ang maaaring pwedeng maganap at aalamin ko iyun , hindi ako pwedeng magpa dalos dalos sa pagdi desisyon ko sapagkat kilala ko si Ella dahil isa siya sa matalik kong kaibigan.

Wala siyang mapapala sa akin kung maiisipan niyang manmanan ako , hindi din ako naniniwala sa iniisip ko na siya ang maaaring magtraydor sa akin.

Akmang lalabas na ako nang biglang makarinig ako nang malakas na pagbagsak ng isang bagay at nanggagaling nga iyun sa Libro ni Lolo tommy.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako sapagkat umiilaw ang loob ng libro na aking ikinapagtaka , lumapit ako ng dahan dahan muli doon saka kinuha iyun.

Nawala ang pag Ilaw ng libro at kusa itong nagsisilipatan ng pahina na sanhi upang magulat ako at mabitawan iyun , hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon kung bakit nagkakaganun ang libro.

Maya maya ay natigil naman ang kaganapang iyun , nag text muli si gabb na naroon na siya sa Villa Aguinaldo at malapit na siya sa bahay nila ella.

Nag iingat daw siya na pumunta doon sapagkat binantaan na ni Tiyo Manuel ang kanyang buhay about sa pagtungtong niyang muli sa Villa Aguinaldo.

Napalapit na ako sa may libro at bigla iyung bumukas sa pahina kung saan ako natigilan sa pagbabasa.

Kinuha ko na iyun saka unti unti nang binasa , nagtext na din ako kay gabb na kapag nahanap niya si Ella ay dalhin niya kaagad dito sa akin nang sa ganun ay maimbestigahan ko siya.

'Nag iimpake na ako ngayon ng aking gamit at pinagmamasdan lang ako ng aking kapatid na si Lorenzo "Kuya sigurado kana ba sa iyong desisyon? Baka mapahamak ka kapag nahuli ka ng tauhan nila ama" nag aalalang sabi ni Lorenzo sa akin at nagmamasid masid siya ngayon sa labas sapagkat maraming bantay doon ngayon. "Sigurado na ako lorenzo? Alagaan mo ang ating ina ah? Alam ko na ito ang magpapasaya sa akin kung kaya'y handa ako na lisanin ang lugar na ito para sa kanya" tugon ko sa kapatid ko saka isinukbit na yung bag na dadalhin ko sa aking pag alis. "Suportado kita kuya tommy? Mag iingat kayo ni Clara at sana ay maging masaya kayo kung saan man kayo paparoon" sabi niya sa akin saka binigyan ako ng yakap na napakahigpit. "Ikaw din lorenzo?" Maikling tugon ko sa kanya. "Ako na muna ang lalabas at para makausap ko yung mga tauhan , doon ka na lamang umakyat sa may likuran kuya? Ako na ang bahalang guluhin ang mga bantay" dagdag niya saka lumabas na ng aking silid , napabuntong hininga naman ako saka nilibot ang aking tingin sa aking silid saka lumabas na doon. Nagtungo na ako sa may likuran na pintuan at tsaka dahan dahang lumabas , madilim ang paligid kung kaya'y wala ako masyadong makita. Tanging naririnig ko na lamang ay ang tinig na nanggagaling kay Lorenzo na kausap ang mga guwardya ngayon. Inihagis ko na ang aking bag sa may bakod at tsaka mabilis na umakyat , nang makatawid na ako sa kabilang bakod ay dali dali na akong kumaripas ng takbo. Nang makalayo na ako sa aming mansyon ay kinuha ko na ang aking flashlight nang sa ganun ay may makita naman ako sa aking dinaraanan. Mabilis lang akong nakarating sa may kweba kung saan kami magkikita ni Clara napangiti naman ako nang makita siya na narito na mabilis akong nagtungo sa kanya saka niyakap siya nang napakahigpit. "Mahal ko nagagalak akong makita ka dito , tara na at naroon na si Mang Danny sa may sapa dala ang bangka na magtutungo sa atin sa kabilang bayan" wika ko sa kanya napatango na lamang siya sa akin saka binigyan ako ng matamis na nga ngiti. Hinawakan ko na ang kanyang kamay saka nagsimula na kaming maglakad patungong sapa dito sa Villa Crisostomo , malapit lapit na kami nang biglang may nakasalubong kaming mga bantay. Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa mga kamay ni Clara nang dahil doon. "Talagang totoo ang sinabi sa akin ng iyong kapatid karding? Hindi ako makapaniwala na tatakas ka at isasama mo iyang babaeng iyan?" Tinig na nagpataas ng aking balahibo sapagkat nanggagaling iyun kay ama. Napuno ng ilaw ang paligid at hindi ko na alam ang aking gagawin , inilagay ko sa may likuran ko si Clara saka hinarap ang aking ama na may kasamang napakaraming tauhan namin. "Ama? Pakiusap hayaan mo kaming umalis? Si Clara ang mahal ko kung kaya'y siya ang nais kong pakasalan! Kung hindi naman hu kayo papayag ay maaari niyo akong itakwil" matapang na sabi ko sa kanya napangisi naman siya sa akin saka lumapit sa akin. "Kung iniisip mo na itatakwil kita Tommy ay nagkakamali ka? Responsibilidad mo na gampanan ang tradisyon at sa ayaw mo man o sa hindi ay magaganap ang kasal niyo ni Anastasia! Ilayo niyo na ang babaeng iyan sa kanya!" Malakas na sambit niya saka lumapit na yung mga tauhan namin sa amin saka hinihila si Clara , mabilis naman akong rumisponde saka pinagsasapak yung mga tauhan namin nang sa ganun ay hindi nila makuha si Clara. "Magaling ka tommy ah?" Saad muli ng aking ama , napatingin naman ako sa may gilid niya at nakita ko si Chris na tila bay nagtatago sa anino ng aking ama. Napayukom na lamang ako ng aking kamao sapagkat ang akala ko ay ang nagsabi kay ama ay si Lorenzo ngunit nagkamali pala ako si Chris pala. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero hindi na yan ang mahalaga sa ngayon. Tinutukan na kami ng baril dahil sa hindi nga nila makuha si Clara sa akin "Mas pipiliin ko pang mamatay ama kung hindi lang naman si Clara ang aking mapapakasalan!" Malakas na sigaw ko , isang malakas na tunog ng baril naman ang umalingasaw. Napaluhod ako sapagkat tinamaan ako ng mismong ama ko sa may bandang paanan ko. Mabilis na lumapit ang mga guwardyang muli upang kuhanin si Clara ngunit tumayo ako saka pinagsasapak sila , wala na akong pakialam kung nagdudugo na yung paa ko or may tama man ako ng baril , hindi ko hahayaang makuha nila si Clara habang ako ay nabubuhay. Naririnig ko na ang paghikbi ni Clara sa aking likuran at nakahawak pa din ako sa mga kamay niya. "Kung ito na ang huling paghinga ko ay handa na ako , basta kasama ko si Clara" komento ko sa aking isipan'

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now