MDA- LVI (Something Suspicious)

146 31 0
                                    

Therese Pov

Buong week sa pagsisimula ng bakasyon ay narito lamang ako sa aking silid , nagmumukmok at patuloy sa pag iyak dahil sa sakit na aking nadarama.

Huli na ako , huli na ako sa pagmamahal na nais ko nang ialay ng buo kay jaydee.

May mahal na siyang iba at hinding hindi na pwedeng maging ako iyun , napasalampak na lamang ako ng ulo ko sa aking unan at pinipigilan ang aking pagluhang muli.

Masyadong mapanakit ang mundo at nakakasawa ng masaktan , gusto ko siyang angkinin muli ngunit natutunugan ko na masaya na siya.

Masaya na siya sa babaeng kasama niya na dapat ako , napatigil naman ako sa aking pag iisip nang makarinig ako ng isang pagkatok sa aking silid.

"Anak , lumabas ka naman dyan at magpahangin. Ilang araw ka nang nagkukulong sa iyong silid" wika ng aking ama , napatalukbong na lamang ako ng kumot dahil doon at hindi na siya sinagot pa.

"Tama na ang walang sawang pag iyak mo dahil sa iba na ang minamahal ng iyong mahal" napahinto naman ako sa pag iyak nang dahil doon , which means alam niya na umiiyak at nalulungkot ako ngayon? Paano.

Hindi ko na lamang siya inimik at unti unti na lamang akong nakarinig na para bang binubuksan ang aking silid napahigpit na lamang ang pagkakakapit ko sa may kumot ko nang dahil doon.

Dapat hindi ako magpahalata na gising ako at tsaka pipilitin kong hindi masyadong gumalaw.

"Alam kong gising ka therese , hindi mo maitatago kailanman sa akin ang sakit na iyong nadarama anak ko , marahil ay nahuli ka man na ipakita sa kanya ang pagmamahal mo sa kanya pero hindi pa dito matatapos ang lahat therese. Madami pang darating na tao na mamahalin ka kagaya ng pagmamahal na ibinibigay mo" hinawakan niya ang bandang likuran ko at tsaka hinimas himas.

"Masakit na malaman na yung taong mahal mo ay may iba nang iniirog ngunit kailangan mong tanggapin iyun ng buong puso nang sa ganun ay mabilis ka na ding makapag move forward" dagdag niya pa napatanggal na lamang ako ng aking kumot at tsaka niyakap ang aking ama ngayon na halatang halata ang pag aalala.

Walang salita ang lumabas sa aking bibig sa halip ay hinayaan ko na lamang ang aking emosyon na lumabas.

"Alam mo bang naiinis ako ngayon kay jaydee sapagkat dahil sa kanya ay umiiyak ang nag iisang kong Anak at pinakamamahal kong Unica Iha" mahinang sabi niya na sapat lang para marinig ko iyun.

"Ngunit masaya din ako para sa kanya niya sapagkat nakikita ko kung gaano siya kasaya kasama siya anak" dagdag pa ng aking ama , palihim na napatango na lamang ako at tsaka napahigpit ang aking yakap sa kanya.

Alam ko naman na kailangan kong tanggapin iyun ngunit masakit eh , ang sakit! Para akong unti unting dinudurog.

Laman ng balita ay puro patungkol sa kanila na siyang dahilan upang mas lalo akong masaktan.

"Ang pagpapalaya ay kasama sa tuwing ikaw ay nagmamahal kaya lagi mo iyong tandaan anak" napahiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya at tsaka hinawakan naman nito ang aking pisnge at pinunasan ang aking mga mata na may luha pa.

"Wag ka nang umiyak , nako papangit ka niyan sinasabi ko sayo! Mag asikaso kana ng iyong sarili at ayusin ang namiss mong daily routine , may gaganapin na pagtitipon bukas gayung kaarawan ni Lolo Thomas mo kaya kailangan mong maghanda at tatagan ang sarili mo" wika niyang muli at napatango na lamang ako sa kanya , napatayo na siya at tsaka binigyan ako ng isang halik sa may bandang noohan.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now