MDA-XXXVI (The Bloody Bracelet)

298 54 14
                                    

Author's Pov

"Sa susunod na buwan na ang kabilugan ng buwan? Naisasagawa mo ba ng mabuti yung nakatakdang gawin mo? Pakatandaan mo na ikaw lang ang makakagawa nito? Hindi pwede na ikaw lang ang papalpak sa henerasyon natin" mahabang aniya ng isang matandang babae na nasa 60 anyos na at kausap niya ang babaeng nasa may kaedaran na 18-20 na kasalukuyang nakatingin sa may libro.

"Kulay itim pa din ang bakas ng iyong tattoo na nasa iyong katawan? Mukhang hindi pa ganun ka epektibo ang iyong ginagawa? Wag kang tumulad sa iyong ama na kinaawaan ang kaibigan niyang si Tanfelix Garcia! Kung kaya'y muntikan niya nang sirain ang paghihiganti natin dahil sa ginawa nila kay Lola Helena" saad nung isa pang lalaki na nasa kaedaran na 40 anyos , lumapit siya sa babaeng nakaupo sa may upuan at tsaka hinawakan ang kamay nito.

"Sa mundong ito hindi dapat manaig ang awa? Sa pamamagitan ng ating ginagawa sa kanila ay mabibigyan natin ng hustisya ang ginawa nilang pamamaslang at pambababoy kay Lola Helena" dagdag pa nito napatango na lamang sa kanya yung babae at makikita sa kanyang mga mata na parang ayaw niyang gawin ang ipinapagawa sa kanya ngunit kailangan sapagkat siya naman ang itatakwil ng kanyang pamilya kung hindi niya nagawa iyun.

"Wag hu kayong mag alala tiyo at lola? Sisiguraduhin ko po na hindi ko kayo bibiguin? Nahuhulog na si Master J doon sa babaeng mahirap lamang at simple na si amanda kung kaya'y hihintayin ko na lamang ang tamang pagkakataon na mas lumalim iyun nang sa ganun ay masaktan siya ng todo" biglaang nag iba ang mata nito na tila bay nang gagalaiti na sa galit na nadarama.

"Mabuti naman kung ganun? Ibigay mo na yung bloody bracelet sa babaeng kinahuhumalingan niya at nang sa ganun ay maisagawa mo na nang dahan dahan yung gagawing ritwal" wika nung matanda , bahagyang napatango na lamang sa kanya yung dalaga saka tumayo na sa kanyang kinauupuan.

Kung nagtataka kayo kung ano yung bloody bracelet ay ito yung dugo ng yumaong kamag anak nila na si Helena Sta. Rita.

Sa pamamagitan nito ay maisasakatuparan nila yung sumpang ginawa nito sa mga Garcia , kapag suot suot ng isang personalidad ito ay manghihina ang kanyang katawan at tsaka magsusuka ito ng dugong itim.

Fast forward..

Naglalakad na ang dalaga patungong labasan upang magmuni muni sa kanyang paligid , nang mapagod siya sa kakalibot ay nagtungo siya sa may kawayang upuan at tsaka nahiga siya doon.

Napatingin lang siya nang diretso sa may kahoy na tila bay nag iisip ng kanyang gagawin sa ngayon.

"Marami tayong pinagsamahan jaydee? Ngunit hindi ito magiging hadlang para lang hindi ko ituloy ang nararapat kong gawin? Kailangan niyong pagbayaran ang ginawa ng iyong angkan sa aking pamilya lalo na sa Lola helena ko" sabi niya pa nang mahina at tsaka itinaas ang kanyang damit at tinignan ang kanyang tattoo na itim na tila bay umiilaw sa ngayon.

_________

Villa Aguinaldo

Kasalukuyang nagbabasa lamang si Thomas na lolo ni jaydee nang makaramdam siya na parang may magaganap na hindi magandang pangyayari.

Napatayo siya at tsaka kinuha yung lana niya na nasa loob ng kanyang cabinet at nagulat siya nang makita na kumukulo iyun at ang ibig sabihin ay unti unti na naman nabubuksan ang sumpa na nakatalaga na kay jaydee ngayon.

"Hindi ito maaari!" Maikling sabi niya saka dahan dahang kinuha yung baston niya at naglakad pababa.

Nakasalubong niya sa may baba ang kanyang anak na si Manuel na may kausap na hindi kilalang tao sa ngayon.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now