MDA-XXII (Worried)

259 50 13
                                    

Evans Pov

"Magpapagawa ako ng project sa inyong lahat at bawat grupo ay kinabibilangan ng dalawang tao , ang grouping ay magbabasi sa order ng inyong apelyido" saad ng aming unang guro sa Philippine history , napapatingin naman ako sa may pintuan sapagkat wala pa nga ngayon si master j.

Hindi ko na din siya kahapon nakontak or nakita sapagkat umulan ng malakas at naudlot yung event , yung medal niya ay sa akin na ipinabigay ng aming class president sapagkat nung nanalo pala siya ay nagdiretso na siya sa pagtakbo pabalik ng aming unibersidad upang hanapin si amanda.

Talagang tinamaan si Jaydee sa kanya biruin niyo yun , kahit ano gagawin niya para lang kay amanda? Hanga ako sa kanya.

Sana ganyan din kalakas ang aking loob upang ipagtapat ang aking tunay na nararamdaman sa isa sa mga anak ng aming manggagawa.

"Atienza at Berdin! Brual at Casio! Casitas at Dacerna!  Delos Reyes at Ford! Garcia at Isidto! Kapinpin at Lump!" Isa isa niyang pagtawag ng grupo , madami namang nagreact dahil doon kasi nasaktuhan na magkasama si amanda at master j.

"Sir? Paano hu kung wala yung magiging partner po namin rito ngayon sa klase?" Tanong ng isa naming kaklase , tama nga naman paano maisasagawa yung project kung yung isa ay wala rito.

"Wag ka mag alala Ms. Magallanes? Sapagkat sa next monday pa naman ang pasahan nito , gagawa lang naman kayo ng partner niyo ng album about sa mga sinaunang lugar , mga tao at mga kagamitan" pagpapaliwanag ng aming guro , martes ngayong araw at ang next naming pagkikita ay sa lunes ulit.

Tumango na lamang ang lahat at napatalikod naman ako saglit at nakita ko na nakatingin lang si amanda nang diretso sa blangkong upuan ni master j.

Ano kaya ang nangyari kahapon? Mukhang natagpuan siya ni master j based sa kanyang mukhang ipinapakita ngayon.

"Gusto kong gandahan niyo ang inyong gagawing proyekto sapagkat eto na din ang gagawin kong final exam niyo sa midterm okay?" Saad ng aming guro napatili naman kaming lahat dahil room , kapalit ng proyekto ay ang magiging final exam namin sa midterm.

Isang malaking tinik ang nawala sa aming lalamunan sapagkat makakabawas iyun sa aming alalahanin , madami pa naman ipinapagawa yung iba naming mga guro na akala mo ay parang ginawa kaming mga estudyante na robot sapagkat isang araw mo lamang isasagawa yung mga ipinapagawa nila.

"The best ka talaga Sir Rodriguez!" Sigaw nung isa naming kaklase umaagree naman kaming lahat roon, sobrang bait niyang guro at sayang lang sapagkat hindi na siya yung aming adviser.

"Pambawi ko lamang iyun sa inyo sapagkat napaka disiplinado niyong lahat , siya nga pala mag aattendance lamang ako ngayon at magbibigay ng takdang aralin" sabi niyang muli at tsaka kumuha na ng chalk sa may box niya na nakalagay sa lamesa.

"Holiday bukas kung kaya'y nais kong magpahinga kayo sa alalahanin sa eskwelahan , sa sunod na buwan na ang pinaka masayang buwan para sa inyong mga freshman dahil sa mga sunod sunod na events" masayang pagkukuwento niya , nalalapit na din yung JS PROM , Camping at iba pang mga events na exclusive lang sa PNU.

Nagbubulong bulungan na yung mga kaklase namin about doon marahil ay lahat ay excited para sa susunod na buwan dahil kokoronahan na din yung Campus Crush at Campus Queen.

Sa tingin ko ay may pag asang manalo si Amanda doon , simple lang siya pero yung ganda niya? Gandang pang mayaman din.

Natapos na sa pagsusulat si Sir Rodriguez at nagpaalam na din siya sa aming lahat.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now