MDA-XLIV (If Loving you was a sin? Then I wanted to be a sinner)

207 46 16
                                    

Amanda's Pov

Kasalukuyang naka uniporme na ako at kakalabas ko lamang ng aming tahanan , wala naman kaming pasok ngayon sa umaga at sa tanghali pa talaga ang pasok ko ngunit nais ko lamang makausap si jaydee about sa mga bagay bagay , nakayuko na lamang ako na naglalakad patungong terminal ng mga tricycle habang nararamdaman ko ang mainit na presensya ng ibang tao na nasa paligid ko.

Napapatingin ako sa aking paligid at nag aasam na sana makasabay ko si yssa ngayon nang sa ganun ay mawala yung kabang nararamdaman ko.

"Ayan ba yung babaeng sinasabi nila na kasintahan ni Master J?" Aniya ng isang babae sa kanyang kaibigan napatango naman yung isa dahil roon.

"Hindi naman siya ganun kagandahan? Mas maganda pa din si Binibining therese kesa sa kanya , ni wala pa nga siya sa kalingkingan nun!" Turan ng isa sa may harapan ko madami silang nagtutumpukan rito na tila bay lahat sila ay pinag uusapan ako.

"Oo nga akalain mo yun? Akala ng lahat ay may relasyon si Master J at si Miss Therese pero may ahas na pala sa paligid dyan" pagpaparinig pa nung isa saka tinignan ako sa mata , hindi ko alam kung anong gagawin ko nais ko mang umalis na ngunit hindi maaari sapagkat baka malate naman ako sa sobrang haba na ng pila ngayon at nasa unahan na ako.

Masasayang ang paghihintay ko ngayon sa pagpila kung magpapadala lamang ako sa mga sinasabi nila.

"Mas bagay kaya si Miss Therese at si Master J? Pareho silang mayaman at kilalang personalidad ang pamilya , maganda at maraming magiging masaya kung sila ang magkakatuluyan!" Dagdag pa nung isa , hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil sa aking narinig.

Tama nga ba ang aking ina na wag ko nang ipagpatuloy ang pagmamahal na nadarama ko sa kanya?

"Tama ka dyan mars! Ang mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap ay mananatiling basura lamang para sa mayayaman , ewan ko nalang dyan sa gold digger sa tabi tabi kung matauhan siya at iba na lamang ang kanyang perahan!" Napakagat na lamang ako ng labi dahil sa aking narinig muli , bakit ganyan ang kanilang tingin? Kailangan ba kapag nagmamahal ay mauuna ang estado sa buhay bago mo maramdaman na mahal mo yung taong iyun?

Bali dahil mayaman si jaydee ay hindi na nararapat siyang mahalin ng aking puso? Ganun ba? Napakakitid ng mga taong nagsasabi nun.

Ang pagmamahal ay kusang nadarama at hindi dapat pinipili , wala akong pakialam kung mayaman siya sapagkat mahal ko siya , mahal na mahal.

"Ano kayang gayuma ang ginawa ng babaeng yan at nabihag niya ang nag iisang master j?" Wika nung babaeng nasa may gilid ko ng pila , iniwasan ko naman na hindi sila tignan sapagkat kapag nagkataon ay baka maluha lamang ako.

"Gayumang hindi niyo afford! Ang chachaka ng mga pagmumukha niyo tapos sasabihan niyo si Amanda nang hindi maganda? Tignan niyo muna yang mga mukha niyo bago niyo siya kutsain!" Tinig na hindi ko inaasahang maririnig ko napalingon ako at tsaka nakita ko si Laney , Jem , Coleen At Yzabelle na naka uniporme na din.

"Kayong mga chismosa kayo? Kung wala kayong magawa sa buhay niyo ay wag niyo na lamang pakialaman ang buhay ng iba!" Dagdag pa ni laney saka inakbayan ako , napahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

"Oo nga? Alam niyo kung bakit sa dami dami ng mga magagandang tao at pwedeng pumantay sa estado ni jaydee ay hindi siya nagkaroon ng interest sa kanila? Kasi alam niyo kung bakit? Kasi hindi sila si amanda!" Madiing wika ni coleen na tila bay makikipag suntukan na sa mga babaeng narito sa terminal na kanina pa ako pinag uusapan.

MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)Where stories live. Discover now