CHAPTER 4

84 0 0
                                    

Omel pov

"Hayyy! Nasan na ba ang isang yon??",ngiwing tanong ni sunny

"Hahaha parang may bago naman! Hindi pa kayo nasasanay dada- oh! Andyan na pala eh!",saad ko napatingin kami sa kadarating lang na itim na kotse, at bumaba ron ang babaeng inaantay namin kanina pa, andito kami sa port at nakasakay sa yacht, habang si jewer ay naglalakad sa na patungo dito, nakasuot ito ng black tutle neck at nakasuot ng coat na kulay pula, at nakaankcle boots

"Haayyy! Kailan ba ako hindi hahanga sa kaangasan ni queen",saad ni solely

Habang nakalagay ang baba sa kamay na nakapatong sa mesa, may dalawang parang tatto sa kaliwang mata si jewer isang kulay brown at kulay itim na guhit, na mas lalong nagpadagdag sa angas nya isa yang palatandaan ng ng pagiging civil nya,

"Let's go",natauhan kaming apat ng magsalita ito, at walang emosyon ang mukang pumasok sa loob ng yacht at naupo, napailing kami saka natawa,

"Tara na daw!",pag paparinig ni mercy kay jewer, saka umandar ant yacht may mga tauhan kaming nakaspeed boat ang iba naman ay naka yacht,

"Hahahaha jewer! Tumawag yung tauhan natin! Natapos na daw nila yung mga taong pinapatapos natin, dun sa resthouse sa cavite",saad ni sunny, tumango si jewer at sumimangot si sunny at hindi sya nito inimikan tuloy ay natawa kami

"Sunny! Wag tumango na si queen! Wag ka ng sumimangot!",saad ko

"Kahit isang lettra!? Hindi man lang magsalita",

"Hahahahaha c'mon! Sunny! Si austrias jewerlyn yan!",ani ni mercy, kaya natawa kami,

Kababata namin si jewer dahil isa ang mga magulang namin sa tauhan ng daddy nya, malapit kami sa kanya pero kahit yon ay hindi naman sya dumadaldal o kaya nakikisali sa tawanan, sanay na kami sa kanya pero hanggang ngayon hindi namin alam kung bakit ang taong kinakatakutan ng lahat ay takot sa kulog at kidlat, at mas lalo na sa ulan, hindi kase sya nakakatulog kapag umuulan, kagaya na lang kagabi, kaya kapag umuulan ay tinatawagan namin sya para malibang, hindi naman sya nag kwekwento samin, kaibigan nya kami pero hindi sya naglalabas ng hinanakit nya, kahit hindi nya sabihin alam namin na may tinatago sya, hindi na lang kami nangungulit dahil makusa naman sya kung kaya nyang sabihin samin



Austrias pov

Nang makarating kami sa gitna ng karagatan ay don ay huminto at saka naman kusang lumitaw ang pagkalaking sasakyang pandagat sa ilalim, secret hide out ito at andito na lahat, bukod sa kompletong gamit at mga hindi nauubusang supply, may mga nakatira din na tauhan dito, ang totoo may bahay ako dito, at kadalasan ay andito kami, kapag katapos ng mga ginagawa namin, umangat yon sa tubig mula sa ilalim kaya naman may nagsibagsakan na tubig mula sa pag angat nito, saka naman dahan dahang bumukas ant entrance nito at saka ako lumabas, umandar ang yacht sa loob nito na may tubig pa rin sumunod ang lahat ng kasama namin bago sumara ang entrance, at dahan dahang nawala ang tubig kaya naman mabilis na nailock ang yacht para hindi ito matumba, saka ako bumaba sa hagdan, wala ng tubig at sumiim na, pero basa pa rin ang nilalakaran namin,

"Good morning queen! Nakag handa na ho! Kami ng inyong makakain", salubong ni lady choi

"Uyy! Talaga?? Hahaha sakto gutom na ako!",daldal ni omel kaya natawa ang ilang maid at tauhan sa asta nito, nakayuko sila sa magkabilang gilid habang dumadaan kaming lima, at ako ang nasa gitna nung apat,

"Hahahaha omel! Ikaw lang ba? Kami rin noh! Kumakalam na ang sikmura ko!",saad ni sunny

"Sus! Puro kayo reklamo!Ang parang hindi pa kayo kumakain!",asik ni mercy

"Alangan! Kaya nga gutom mercy! At hindi pa kumakain!",ngiwing sagot ni solely, kaya natawa silang apat maliban sakin, nang makarating sa quarters ay tumungo kami sa dining at pwumesto ng upo, mula dito nag rereflect ang liwanag na nagmumula sa ibabaw ng tubig dahil nga kami ay nasa ilalim, may glass window ang dining at nakikita ron ang mga lumalangoy at magandang tanawin na mula sa ilalim ng karagatan,

"Yoowwmmn!! Wahh! Ang bango!",pag singhot ni mercy sa mga pag kain na nakahain

"Hoy! Mercy! Hinay hinay para kang mas patay gutom samin!",asik ni omel, sinamaan sya ng tingin ni mercy saka ito sinipa

"Awww!",angil ni omel,ang mga taong halimaw sa bakbakan ganito kaisip bata

"That's enough! Let's eat",saad ko umayos agad silang apat saka naman nagsimulang kumain, tahimik lang at tanging pagtunog ng kutsara at tinidor sa plato ang naririnig

"Queen! Ang transaction natin don sa Singapore inaayos ko na, at bukas aalis ako para naman makipag negosyo don HAHAHA",banat ni solely tumingin ako sa kanya

"Make sure na hindi ka sasablay solely malakig pera ang mawawala satin",saad ko

"Sus! Ako pa ba?? Jewer! Si solely ito!",turo na nagmamalaki sa sarili nya

"Hahahahahaha solely! Nag papaalala lang si queen! Umayos ka! Baka ikaw ang ingudngud nyan sa inidoro!",asik ni omel

"Ulol! Hahahaha", tiningnan ko sya
"Hehehe biro lang", ani nya habang lumulunok lunok,

"Hahahahaha solely! Sama ako para naman may resbak kapag nagkataon!",prisinta ni mercy

"Suuuuss!! Resbak ba talaga?? Mercy?",ani ni omel

"Oo bakit!? Aangal!",

"Kamusta yung fund natin mercy",tanong ko

"Ah! Ayus naman masyadong malaki at sobra pa para sa nga foundation na sinosoportahan mo",saad ni mercy, ang perang kinikita namin sa illegal na negosyo ay ginagamit din namin sa legal na gawain, walang piso ang napupunta na pera sa legal na negosyo ko, dahil magkaiba ang perang ginagamit ko, mula sa legal ba negosyo ay sarili ko yon, at sa malinis na paraan ko yun kinuha, ang illegal na negosyo ko ay ginagamit ko para suportahan ang libo libong foundation sa lahat ng bansa, ginagamit rin namin ito para makuha ng mga taong inapi ang hustisya na pinag dadamot ng gobyerno sa kanila, mahirap man o mayaman na hindi nabigyan ng tamang hustisya, kami ang gumagawa,

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

-VIENRIEX

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now