CHAPTER 23

49 1 0
                                    


Erlyn pov

"Feeling better?", natigilan ako sa tinig ni kuya omel, na seryoso ang muka kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa kama, pumasok ito saka naupo sa tabi ko,

"K-kuya omel?? S-si ate jewer?",saad ko, tumingin sya sakin

"E-erlyn? Alam mo m-mas mabuti kung h-hindi mo na sya hahanapin",may kung anong kirot akong naramdaman, naginit ang mata saka ko naramdaman ang likido non sa pisnge ko,napakapit ako sa bed sheet para pigilan ang hikbi

"K-kuya a-ayoko! S-sya na lang m-meron ako eh!",saad ko nag buntong hininga sya,

"Hindi ka safe kapag kasama mo kami, lalong lalo na kung si queen", napatingin ako sa kanya

'queen??',

"Hindi ordinaryong tao lang si jewer, hindi sya kagaya ng ibang negosyante lang, hindi sya yung klase ng tao na inaakala mo erlyn, hindi mo pa sya kilala",saad nya

"Wala akong pakialam k-kuya! M-mabait si ate sakin! S-sabi nya pwede ko s-syang maging ate! K-kaya tanggap ko sya",saad ko, natawa si kuya omel saka napahawak sa buhok bago tumingala

"Hindi mo alam ang sinasabi mo erlyn, hindi mo pa sya kilala at kapag nakilala mo sya, baka hindi mo na magawang makalapit pa sa kanya",saad nya saka tumayo
"Humanda ka mamaya, ipapakita ko sya kung sino ang babaeng sinasabi mong tanggap mo",saka ito tumalikod at lumabas ng kwarto, naiwan sa pinto ang paningin ko at pilit iniintindi ang sinabi ni kuya omel, napahawak ako sa dibdib ko ng kumalabog ron ang kaba, kaya kagaya ng sinabi ji kuya omel ay naghanda ako, hindi ako naligo kagaya ng utos ng mayordoma sakin, medyo ayos ayos na ang pakiramdam ko, pero mabigat yon dahil sa hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si ate jewer, dalawang araw na ako dito pero kahit segundo Hindi ko man lang sya makita o masilayan, bumukas ang pinto at niluwa non si kuya omel

"Are you ready??",tanong nya alinlangan akong tumango, sa ako ginawad palabas ng kwarto, saka kami naglakad sa hallway pero hindi ko alam kung saan papunta, dahil bumaba pa kami sa hagdan na, at pababa pa ng pababa, sa itsura non ay parang bodega, maya maya ay nanigas ako sa narinig

"Aghhhh!! T-tama n- ahhhh",isang sigaw ang namimilipit sa sakit ang narinig ko, napalunok ako at tumingin kay kuya omel, na nakatingin sakin, bumaba pa kami at Mula sa siwang ay nanlaki ang mata ko ng makita ang apat na lalaki na nasa sahig at punong puno ng sugat at pasa, at puro dugo at halos maligo na sa sariling dugo, nakita ko si ate mercy, ate sunny at kuya solely, saka tumama ang paningin ko sa may hawak na kahoy na dos pordos na si ate jewer na pawis na pawis at may bahid ng dugo sa damit at katawan may talsik din sa muka, kagaya nila ate sunny, ate mercy at kuya solely

"Alam nyong lahat ang batas ko dba??",tanong ni ate jewer sa mga lalaki na tumango tango
"Kunt ganon?? Bakit kayo nakipagtulungan sa grupo ni eduardo?? Saan kayo kumuha ng lakas ng loob para pagtaksilan ako?? Ha?? Hindi naman siguro lingid sa kaalaman nyo ang kaparusahan??",saad ni ate jewer, namawis ako saka sunod sunod na tumulo ang luha, nanginig din ang buo kong katawan sa nakikita, naalala ko kung paano nyang patayin ng walang alinlangan ang mga lalaking nagtangkang gumahasa sakin noon,

"Yan ang tunay na jewer, sya si austrias jewerlyn cordial- civil ang numero unong sindikato sa buong mundo, o mas kilalang number one MAFIA QUEEN", bulong ni kuya omel, para akong mablablangko sa nakikita ko,

"N-no!", bulong ko at para akong matutumba sa kinatatayuan ko, sa nakikita ko kay ate jewer ngayon





Austrias pov

Nalaman nila mercy mula kay mr. Syn ang nga nakikipag tulungan kay eduardo mula sa kampo ko kaya naman nag kilos yung apat para malaman at mula sa apat na lalaking ito ay mga tauhan pala ni eduardo

"Alam nyo na ang gagawin",saad ko, sa tatlo

"Q-queen! T-tinakot kami ni eduardo!!, P-papatayin nila ang p-pamilya namin!",humawak ang lalaki sa paanan ko tiningnan ko ito, halos maligo sila sa sarili nilang dugo, pero pinag sawalang bahala ko yon,

"Natakot kayo kay eduardo? Samantalang sakin hindi?? Gusto nyong?? Ako mismo ang gumawa ng banta ni eduardo?",saad ko

"W-wag! Queen!! K-kami na lang!! W-wag ang pamilya namin! P-pakiusap!!",

"Q-queen nag mamakaawa kami m-may m-mga anak a-ako! M-maliliit pa!",ngumisi ako

"Ano naman pakialam ko?? Sige na ta-",

"No!",natigilan kami pare pareho sa tinig ni erlyn, mula sa pinto, tinitigan ko ito at namumula ang muka sa kahihikbi, at tuloy ang pag agos ng luha, nanginginig ito at halata ang takot sa mata, na tumingin sa apat na lalaki saka sakin tumingin
"A-ate j-",

"What are you doing here??", deretsang saad ko, tumingin ako kay omel

"Pinakita ko sa kanya yung tunay na ikaw jewer, sabi kase nya tanggap ka nya kahit ano ka!? Kaya naman sinubukan ko! Don't worry, pwede natin syang isabay sa kanila kung gusto mo",tukoy sa apat na lalaki

"What the fuck!?? Omel?? Are you even thinking?? Bata pa yan!! At inosente!!",asik ni sunny

"What!?? She looks not",saad ni omel,

"Gawin nyo na ang sinabi ko, im done...kayo nag malinis nyan",saad ko akmang lalabas ako sa pinto ng hawakan ako ni erlyn, at hinarap sa kanya

"Kaya ba ang Dali sayong patayin yung mga nagtangkang gumahasa sakin non! K-kase isa kang leader ng sindikato??",tanong nya, binawi ko ang braso ko na ikinagulat nya

"Oo! Tama ka! Isa akong leader ng sindikato",ngumisi ako
"Gusto mo bang isumbong ako sa ama mong general?? Ha? Erlyn? Go on! Bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay at iligtas ang sarili mo, at umalis sa mismong teritoryo ko....o kung gusto mo?? Ipasasama na lang kita sa apat at ako mismo ang magbibigay ng ulo mo sa pamilya mo??",saad ko napaatras ito,
"Mamili ka",saad ko saka tumalikod, at umakyat, napapikit ako saka tumingala,

'kailangan mong lumayo sakin erlyn hindi ka magiging ligtas sakin, hindi ka pwede sakin....dahil parehas tayong masasaktan',

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now