CHAPTER 37

45 0 0
                                    


Arnold pov

Nang matapos ang klase ay napatingin ako kay erlyn, kumuyom ang kamay ko dahil ang utos ko lang naman ay takutin sya bakit naman sinugatan!?? Hindi dahil sa nag aalala o nakokonsensya ako! Dahil alam kong hindi magugustuhan ni queen kapag nalaman nya ang nangyare kay erlyn paniguradong dadalihin nya ang tatlong yon at baka masabi na ako ang nag utos matotodas ako! Peste!!

"Mare-",

"Ah! Hindi na dala ko yung binigay ni ate sakin na biscuit na isang balot nung nakaraan may water din ako",putol ni erlyn sa sasabihin ko

"Are you sure? Yung sugat mo? Pumunta tayong clinic pa-",

"Ayus lang ako arnold isa pa maliit lang naman, pero ayus na",sinilip nya ang muka sa maliit na salamin saka ito tinakpan ng pulbo, napaiwas ako ng ngumiti sya kaya napatikim ako

"O-okay! Kakain lang ako saka ako babalik agad dito",

"Sige!",saad nya kaya naglakad na ako papalabas, napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis yon kanina, saka ako umiling, saka ako inis na tumungo sa room nila mitch sakto namang palabas yung tatlo

"Oh? Arnold?? Nagu-",

"Sabi ko sa inyo takutin nyo lang! Bakit nyo sinugatan??",natigilan sila at kinunotan ako ng noo

"What?? Ayaw mo non? Advanced na?? Isa p-",

"Hindi nyo naiintindihan eh!? Ayaw kong masugatan si erlyn dahil a-",

"Because you like her?", napatingin ako sa sunod na lumabas sa room si Sofia at nikki na seryosong nakatingin sakin kaya napapikit ako sa inis

"Not like that! Kilala nyo naman ang nasa likod ni erlyn dba?? Pano kung dalihin nya itong tatlo? At paaminin? At sabihin na ako ang nagutos?? Ha?? Edi? Natodas agad ako!?",inis na paliwanag ko

"What are you talking about? Anong dadalihin kami?? Si-",

"It's nothing serious you can go", putol no sofia sa sinasabi ni rachel

"Okay! Bye!!",ani nung tatlo saka naglakad papalayo, humarap yung dalawa sakin

"Yun ba talaga ang dahilan mo?? O may iba pa?", deretsang tanong ni nikki

"What?? Yun lang okay!", napatingin ako sa magkabilang gilid ng hall saka sa room pero kami lang kaya tinulak ko sila papasok sa room at nilock ang pinto
"Guys!? Listen! Isang LEADER ng SINDIKATO si queen? At malapit si erlyn sa kanya! Sa isang araw na nanatili ako sa mansyon ni queen!Nakita ko kung paanong kahalaga si erlyn sa kanya! Did you get it?",inis na saad ko nagkatinginan sila saka tumango

"Mas ayos na yung malinaw franco! Wag mong kakalimutan ang mission mo",

"Tch!! Bakit ko naman kakalimutan yon? Buo ang isip ko nikki!",singhal ko

"Franco? Hindi kami bulag! Nakikita namin na nag eenjoy ka kapag kasama si erlyn? At ang buti buti ng pakikisama mo sa kanya", Kumunot ang noo ko saka ngumiwi

"Alangan! Dapat maganda ang pakikisama ko ron!? Anong gusto nyo? Sapakin ko yon?? O kaya naman sampalin kapag kasama ko? Pano ko magagawa ang mission non?",inis na saad ko sa kanila , bumuntong hininga sila

"Tsk! Siguraduhin mo franco!",banta ni nikki

"Tsk!!",asik ko





Erlyn pov

Nang makabalik si arnold ay nag datingan na rin ang ibang kaklase namin, saka naman nag umpisa ang sunod na subject for this morning ng sumunod si prof, nang matapos ang afternoon class ay sabay kaming nag lunch ni arnold at naubos ko yung isang balot ng biscuits na binigay ni ate jewer sakin hehehe! Saka kami nag lakad lakad sa library ng mabagot ay tumungo sa locker at nag palit ng gamit bago dumeretso sa room at nag antay ron, dahil nga maaga pa ay nag kwentuhan muna kami ewan kung tungkol saan dahil kung ano ano naman ang sinasabi ko kahit hindi related sa topic ay sinasabi ko para lang humaba ang usapan namin, bago mag simula ang klase para sa afternoon class

"Class!? We're having an activity, mag hanap kayo nag kapareha para sa activity na gagawin",saad ni miss, nagkatinginan kami ni Arnold saka sabay na natawa at nag hawak ng kamay bago iyon itaas

"Miss! Kami na!",

"Miss kami na!",sabay naming sigaw, napatingin samin lahat at natigilan ako ng narealize ang sinabi ko, nahihiya kaming binaba ang kamay

"Uyyyy!!!",tukso nila samin, Kaya uminit ang pisnge ko dahilan para mapayuko

"I-i mean? Kami na miss ang mag kapartner for this activity",pag lilinaw ni arnold, natawa si miss

"Wala akong sinasabi! Pero kung sinasabi nyo na kayo na ayus lang!",ani ni miss pakiramdam ko double meaning yon, tumango kami
"May partner na ba lahat??",

"YES!! MISS!!!", sagot ng lahat,

"Okay! For this project gusto kong gumawa kayo ng mini house para sa dream house nyo na kung saan nyo gustong tumira kasama ang bubuoin nyong pamilya, pero dahil masyado pa kayong bata, bahay na lang para sa inyong sarili o kaya sa magulang understood??",

"Yes miss!", sagot namin, hindi ako magaling sa drafting o kahit ano na may kinalaman sa art pero si ate mukang magaling ron, nakakita kase ako ng ganon sa office nya eh, naka display sabi ni kuya solely si ate jewer daw ang may gawa non,

"Sa isang coponbond ilalagay nyo ron ang bawat materials na ginamit nyo at, ang bawat parts ng bahay na ginawa ninyo, parang essay din sya class dahil lahat ng importanteng details about sa ginawa nyo ay dapat nandon", paliwanag ni miss kaya napatango kami

"May i ask po miss?? Idradrawing pa po ba ang plan about sa mini house?? Or sa essay na lang?",

"Gagawan nyo rin syempre ng plan at dahil yon ang gagamitin nyo sa pag papaliwanag sa reporting about parts ng bahay, mahalaga yon at para kayong magiging architecture sa activity na ito don't worry next week ang submitted ng project",saad ni miss

"Okay po miss!",

"Any questions??, Sana naman ay maayos at maganda ang inyong gagawin!",

"YES MISS!!!",sabay sabay naming saad,

"Okay!? Good! Class dismissed! Goodbye",saka ito lumakad papalabas

"Goodbye miss!",sabay sabay naming saad, napatingin ako sa kamay ko na hawak pa rin pala no arnold kaya napatingin din si Arnold don at napatikim bago maharang binitawan ang kamay ko, kaya nag init yon ng maramdaman ang lambot ng kamay nya,

'erlyn!! Ano ba!!!',

Saway ko sa sarili sa isip, dahil sa pag init ng pisnge ko, kaya umiwas ako at umastang inaayos ang bago sa gilid, bago ako napapikit

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!!

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now