CHAPTER 59

38 1 0
                                    


Marcial pov

Nasa harap ko sya ngayon, matamlay ang mata at basang basa ng ulan, nakatingin sya sakin at alam ko na nasasaktan sya hindi yon maakila ng kanyang mata, humakbang ako papalapit sa kanya at bawat hakbang ko ay sumisilay ang saya sa puso ko, nananabik ang puso ko, ang mga kamay ko na muli syang mahawakan ng makarating ako sa gawi nya ay ngayon parang gusto ko na lang syang titigan, kamukang kamuka nya nga talaga si ayesa, ang dalawang tattoo sa kaliwang mata nya ay mas lalong nag bigay karisma, dahan dahan kong inangat ang kamay ko patungo sa nga pisnge nya na dinadaluyan ng tubig ulan at may bahid ng dugo dahil sa mga sugat nito, halos sumabog ako sa saya at sunod sunod ang maiinit na likido na tumulo sa pisnge ko, ng madampian ko ang mga pisnge nya, ang malambot at makinis na pisnge nya ay nakapag pahina sakin, bumalik sa isipan ko nung bata pa sya lagi kong kinukurot ang pisnge nya dahil sa lambot at anf cute non, hindi nakakasawa at sa haba ng panahon nagawa ko na naman yon sa anak ko, dalawang kamay ang ginamit ko, pinasadahan ko ang kabuuan ng muka nya at hindi ko na napigilan ang sarili ko, at niyakap ko agad sya, ang yakap na matagal ko ng hinahangad na maranasan ulit, at magawa sa kanya,

Hagulgol lang ang tanging umiingay sa paligid, hinaplos ko ang buhok nya na basang basa saka ko isiniksik ang sarili sa kanya, masyadong na syang malaki hindi kagaya non na kapag niyakap ko braso ko pa lang balot na balot na sya sa yakap ko, ngayon hindi na tumangkad sya, at talagang malaki na, sobrang tagal ngang talaga

"A-anak k-ko...ang t-tagal kitang hinanap a-anak! P-patawarin mo si daddy! Patawad anak...patawad!!!",pag hingi ko ng tawad, alam kong hindi sapat yon, sa sakit na nakikita ko sa mata nya hindi sapat ang sorry na yon, dahil alam ko na sobra sobra yung sakit na nararamdaman nya, bumitaw ako sa yakap sa kanya saka ko hinawi ang buhok nya na humaharang sa muka nya na inaagusan ng tubig ulan, ngumiti ako

"H-hindi ko a-akalain n-na saksi n-na naman ang ulan p-para satin",saad ko, totoo yon dahil kapag umuulan laging ganito, laging ganito ang eksena, napansin ko na nanginginig sya at namumutla

"T-takot sya sa u-ulan",halos manlamig ako sa sinabi ng kasamahan nya na ngayon ay nakataas ang kamay at nakalagay na pala ang jacket sa uluhan ng anak ko,

"General",tinig ni jonathan, tumingin ako sa mga kasamahan nila na humanda dahil sa paglapit ni jonathan na natigilan

"Sandale! S-sumuko n-na kayo! H-hindi ko kayo pababayaan, patong p-patong na ang kaso ninyo",pangungumbinsi ko nagkatinginan sila bago kay daisy, na ngumiwi

"Ah!",nataranta ako ng bumagsak ito at dumaing, napansin kong hawak hawak nya ang kanyang suot, kaya binuklat ko yon at nakita ang sandamakmak na dugo, naalala ko ang pagtadtad sa kanya ng bala non hindi pa sya masyadong magaling

"D-dalhin nyo na sila!",utos ko, wala silang nagawa kundi ang itaas ang kamay ng posasan silang apat, binuhat ko naman ang anak ko na pipikit pikit na namumutla ito, medyo mabigat ngunit tiniis ko, sinakay ko ito sa sasakyan at mabilis na sumakay don bago imaneho, nanginginig ang kamay ko habang nasa daan, tiningnan ko ito mula sa front mirror at bumugso ang luha sa mata ko

't-takot sya sa u-ulan',

Nang makarating ay agad kong ibinaba si daisy sa sasakyan sumalubong naman samin ang nurse kasunod ng stretcher, at hiniga sya ron

"A-anak! Anak!! G-gising!! Anak!",pag sasamao ko dito, ny makarating sa E.R

"Hanggang dito na lang po muna kayo, hindi kayo pwede sa loob",saad ng nurse na babae, wala akong nagawa ng ipasok nila ang anak ko ron, may bahid ako ng dugo sa damit at kamay at napasandal sa semento, tumulo ang luha sa mata ko, masaya ako ngunit nangangamba ako, sa kaligtasan nya,

'mas gugustuhin kong kamuhian mo ko basta buhay ka anak!',

"P-patawarin mo s-si daddy",bulong ko at napatakip sa bibig dahik sa hindi mapigilang hikbi






Mercy pov

"May karapatan kayong manahimik lahat ng sasabihin nyo ay pwedeng gamitin laban sa inyo, may karapatan kayong kumuha ng abogado kung wala kayong kakayahan malugod yong ibibigay ng gobyerno sa inyo",saad ng pulis habang pinoposasan kamiz gusto kong sumama kay queen nag aalala ako sa kanya, isinakay kami sa van na apat kasama yung captain na sinasabi nila,

"P-pwede ba t-tayong tumungo sa hospital?? S-si q-",

"Si general na ang bahala sa kanya",putol ng pulis sa sasabihin ni sunny, na napatahimik na lang,

"Atleast magiging maayos naman sya dba??",saad ni omel, walang umimik bumyahe kami at patungo sa prisinto

"Ang dalawang anak ni Eduardo?? Nahuli nyo?",tanong ni solely, tumingin ang pulis samin, mukang mag partner ang dalawang ito

"Sino??",ani ng isa

"Si nikki at franco?? Don't tell me! Nakatakas?",bahid na inis si solely, nawala rin yon sa isip ko kanina,

"Sindikato rin ba yon?",

"Alangan! Anong tingin mo samin? Papatay ng inosente?",inis na saad ni omel,

"Oo! Hindi bat kayo ang pumatay don sa mga pulis na kabilang coordinate namin? Sa pag huli sa leader ninyo?",asik nung isa mukang hindi patatalo

"Hindi kami yon",saad ko, tumingin sila samin

"Masamang magsi-",

"Masama rin mag akusa, lalo pat isa kang pulis, alamin mo muna ang totoo bago ka magbitiw ng salita",saad ko, natahimik ito, nakita ko pang bumulong ito sa captain leader ng team nila

"Kung ganon sino??",tanong ng captain

"Buhay si queen alangan si queen yon, isa pa!? Ang nga pulis na yon bayad yon marahil ni Eduardo para patayin si queen, tauhan yon ni Eduardo sa loob",saad ni sunny,

"Kaaway namin noon pa si Eduardo mula pa kay master Leonardo at kay queen, gusto na nyang tapusin ang grupo namin, hindi na kami magtataka kung sila yung nagbigay ng info na inyo about samin",saad ko, habang nakatingin sa labas ng bintana

"At ngayon hinayaan nyong tumakas ang dalawa sa anak nya! O kaya tatlo si sofia pa",saad ni solely

"Aasikasohin namin ang grupo na yan! Kilala nyo ba?",

"Wala kaming kalaban na hindi namin kilala",saad ko, tumikhim ito, at hindi na umimik

'kamusta na kaya si queen?? Ayos lang ba sya?? Anong lagay nya??',

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now