CHAPTER 65

43 1 0
                                    


Marcial pov

Andito ako ngayon sa department at pinapakalma ang sarili, ako kase ang nag prisinta na magbantay sa lima dito, at bukod sa mga nilalaro nilang kung ano ay wala ng ibang ginagawa, habang ang mata ko ay tutok sa anak kong nakaupo lang, kapapalit lang ng benda ng sugat nya kanina, salamat na lang at yung ibang sugat nya ay gumagaling na at iba ay pagaling pa lang, nilalagyan din ng cream para Hindi magkascars,

Ibang iba na nga talaga sya dati, natatagalan nyang nakaupo o kaya nakahiga sa sofa habang pikit ang mata, napapansin kong lagi syang tulog, sabagay nung bata sya eh, hilig talaga nya ang matulog namana nya kay ayesa ang bagay na yon, hindi rin sya mahilig sa mga matatamis pag dinadalhan ng desserts ay yung apat ang kumakain,

"Uy!! Queen! Matutulog ka na naman ba??",paglapit sa kanya ni mercy,

"Hmmm",

"Hayyyss! Ano bang bago? Masyado kang tulugin? Subukan mo kayang maglaro dito",saad ni omel, na hinihila ito, inis silang tiningnan ni daisy kaya naman natawa ako

"Tsk! Bakit ba? Inaantok ako!",asik nito sa apat

"Lagi ka namang inaantok eh! Pwede ba pasiglahin mo naman ang dugo mo? Kahit minsan! Mag bilad ka sa araw tuwing umaga!",asik ni sunny, kumunot ang noo ni daisy

"G*go!!",mura ni solely,

"Baka nakakalimot ka na nakakulong tayo?",inis na saad nito saka tumagilid at akmang pipikit

"Ehhhh!! Tumayo ka dyan! Kanina ka pa nakahiga! Kung hindi nakaupo! Hindi ba nangangalay ang katawan mo ha!",

"Hindi",

"Ayyyt!! Bakit hindi mo subukang tumalon talon! Para sumigla ka queen!",saad ni omel, umiling si daisy,hindi ko alam kung anong pwedeng itawag ko sa kanya sanay ako na daisy, pero sabi nya jewer daw, hindi sya umiimik kapag kinakausap ko pero nakikinig naman sya natutuwa ako na nalulungkot, alam ko rin naman na kasalanan ko kaya ganon, hindi sapat ang sorry para mapatawad nya ako sa nagawa ko sa kanya,

'pero dad nag sisisi ka na dapat lang na makita nya yon para mapatawad ka nya',

"Sana erlyn, sana nga makita nya ang pag sisisi ko", huminga ako ng malalim, bago yumuko at hinawakan ang dalawang mata na pinag babadyaan ng luha






Jonathan pov

"Cap!!",tinig ni rey

"Oh?",

"Nakuha ko na po ang lahat ng report about sa sagot ng mga tao sa ibang team sir! Eto",abot ng singkapal na libro na mga papel

"Ipadala mo sa office ko, ipapasa ko sa head yan, para sa usapan nila ng president sa palasyo sa isang araw", saad ko, kailangan kase mabasa ng president ang mga sagot ng tao na aming Tinanong hindi lang yon ganon, kase bukod ron may mas makapal pa,

"Okay sir! Ah! Cap! Anong pangalan nung may tattoo dito?",tanong nito napahinto ako, hawak ko kase ay kape binili ko kanina sa labas dyan sa malapit lang

"Bakit?",takang tanong ko, kumamot ito sa noo

"E-eh? Cap! Dba? Anak ni general marcial yon?",

"Oo?? Bakit nga?",tanong ko ulit

"A-ah? Eh?? Ang g-ganda cap eh! Saka a-ang angas! Napanood ko kung pano sya makipag laban dun sa mga kapwa pulis natin sir nung hinuhuli natin sya an-",

"Back to work!",saad ko

"A-ah!! Cap! Pwede ako ang maging toka sa pagbabant-",

"Hindi pwede! Si shy ang nakatoka mamaya! Ilagay mo na yan sa office ko",saad ko, ngumuso ito

"Eh! Cap! Sige na! Oh! Gu-",

"Twenty six years old na ang babaeng yon! Twenty two ka pa lang",

"Pero? Age doesn't matter naman diba sir?",lalong kumunot ang noo ko

"Wag kang makulit rey! Ipasok mo na yan sa office ko baka marinig ka pa ni general mauna kang ikulong",pananakot ko, napalunok ito saka tumango at umalis, hindi ko naman ikakaakila na maganda ang anak ni general kamuka kase nung dating asawa ni general bukod ron nakadagdag sa karisma nya ang dalawang guhit ng tattoo sa kaliwang mata nya, naalala ko tuloy kung paano nya ako pakyuhan habang nakasakay sya sa sasakyan habang harurut yon, andon ako sa helicopter at saktong pag sipat ko ay yun ang ginawad nya, hindi pa ako nakarecover non dahil buong buhay ko wala pang namakyu sakin at babae pa!

'ang babaeng yon! Maganda at sobrang attractive sana kaso.... masyadong matigas eh! Mas lalaki kumilos sakin!',

Kadalasan ay ako ang nagbabantau dun sa lima at tuwing makikita ko man ay ang dalawang kaibigan nyang babae ay hindi ganon kumilos may pagka maangas ang dating ni mercy at sunny pero hindi nung kasing angas nya, at babae naman kumilos ang dalawang yon, hindi kagaya nya kung umupo daig pa ang lalaki kung humiga at uminom panlalaki kung pano tumingin panlalaki, Ewan pero kakaiba ang kikilosin nya, isa pa ron....marami akong naririnig dito na bulong bulungan pano ba naman may ibang pulis na nagkakagusto ron sa anak ni general kahit daw criminal eh! Humahanga dahil sa pagtulong sa mga taong sandamakmak, mas hinihiling nila na sana makalaya daw, o kaya gawing pulis bilang parusa? Para ano?? Para landiin nila? Para ligawan? Para makatrabaho? Ano?? Tch! Palibhasa mga uhaw sa babae, pero sa pagkakakita ko sa anak ni general mailap sa lalaki maliban sa dalawa nyang kaibigan na si solely at omel,

"Ano namang pakialam ko??",saad ko, saka umiling, napatigil ako ng mapansin na nandito na pala ako sa quarters at halos lahat ay nakatingin sakin,
"What?",takang tanong ko

"C-cap!! Bakit ka naman nag dadabog??",saad ni rey na kanina pa pala nailagay ang mga report sa table ko, iisa lang kase ang office naming team yun nga lang ang table ko ang malawak at nasa may huli, pero may harang sa magkabilang gilid

"Ano??",takang tanong ko

"Cap! Kanina ka pa pag pasok mo? Nagdadabog habang bulong ng bulong! At?? Yung kape mo", turo sa kamay ko kaya tumingin ako sa tinuro nya at ganon ang gulat ng may hawak akong isang baso

"Pinag sasalin salin mo ang kape mo sa magkabilang baso jonathan? Anong problema mo?",tanong ni shy, na kumakain ng noodles

"A-ah! W-wala!",saad ko at binuhos yon sa isang baso, saka itinapon ang isa, at tumikhim bago tumungo sa table ko at umupo sa swivel chair
"Back to work!",saad ko, nakatingin pa rin sakin ang iba kaya hindi ko na pinansin

'ano bang nangyayare sakin?',

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now