CHAPTER 56

41 1 0
                                    


Syn pov

Habang nagpapalitan ng salita si queen at Eduardo ay handa na kami sa kanilang pag asik at hindi kami nabigo at inunahan nga nila kami ng putok, kaya naman tumakbo kami paurong para hindi makita sa rooftop, dito ay agad kaming bumaba kasama ng ibang tauhan

"Nakaalis na ba si erlyn?",tanong ni queen, masyadong marami ang sugat at pasa ng batang yon kaya kailangan agad magamot,

"Oo, may kasama syang tauhan natin kaya ligtas sya",

"Mabuti kung ganon! Tara na!",saad nya ngumisi ako at saka sumilip sa ilalim ng hagdan at don ay pinaputukan ang tauhan ni Eduardo, matagal tagal na ng makipag sagupaan ako kaya naninibago ako kahit papano, patigil kami ng sumalubong samin ni queen ang tatlo sa tauhan ni Eduardo, bago ito makasugod ay nahuli ko na ang palaplsuhan ng lalaki saka its ginamit para maihampas sya sa may bakal na nasa likod nya, dahilan para mapadaing sya sa sakit sunod non ay ang pag bigay ko rito ng suntok, maya maya ay pinaputukan ko na ito ng makakuha ng tyempo naunahan ako ni queen eh!? Dalawa ang kalaban napabagsak agad, tsk! Haayyyss! Tumatanda na talaga ako

Tumago ako sa kabilang side kung saan ay andon ang mga lumang makinarya, napuro na kalawang si queen naman ay tumungo sa tinakbuhan ni Eduardo

"Mukang hindi matatapos ito hanggat hindi napapatay ni queen si Eduardo! Tsk!",asik ko, may tauhan akong kasama mula sa likod at nakasunod sakin, at dinedepensahan ako, anak ni Eduardo ang kumakanti sakin, si sofia at nikki, ewan ko kung nasan yung Franco,

*Bangg

*Bangg

Nagpulan sila ng bala sa gawi ko, at dahil nga may harang na bakal ay don yon tumama at hindi yon tumagos para sa amin bago pa man yon ay nagpaulan ako ng dalawang putok sa kanila,

"Dito tayo!",senyas ko at tahimik na naglakad patungo sa may gitna, at don ay tinadyakan ng tauhan ko ang nakaharang don na tauhan nila Eduardo saka ito pinaputukan, pinutukan ko naman sila sofia dahilan para Hindi din sila makalabas sa kanilang pwesto,





Austrias pov

"Aghhh!!",daing ng isa ng tadyakan ko ito sa baba dahilan para mas pumwersa yon sa batok nya dahilan ng pag katunog nito marahil ay dahil sa buto nito sa leeg, saka ko ito walang habas na sinipa ng paikot mula sa kanyang gilid ng tenga, dahilan para bumagsak ito at paputukan ko sa mismong ulo, naglakad ako ulit saka nakipag palitan ng putok sa mga nag papaulan ng bala sakin, at limang lalaki ang tumakbo papalapit sakin, akmang gagawaran ako ng suntok ng sipain ko ito sa sikmura,

"Ahh",saka ako pumaikot at yumuko para patidin ang isa, dahilan para bumagsak bago ko sipain ng ilalim ng paa ko ang likod nito, at mabilis na tumayo at umiwas sa mga sipa at suntok nung tatlo, hinuli ko ang paa ng isa bago ito itinaas saka sinipa at binigyang suntok ang isa habang ipit ipit ang paa ng isa sa aking braso, at saka ito ipinaikot dahilan para mabali ang kaliwang binti nito at mapasigaw sa sakit

"Ahhhhhggg!!!",

*Bogggssss

Sinipa ko sa dibdib ang isa habang bumitin sa isang bakal na nasa taas, dahilan para mapahiga ito sa mga nakatalay talay na bakal na nagsigulong, kinuha yon ng isa saka ipapalo sakin buti at naiwasan ko agad, at saka pinigilan ang pag hampas nya gamit ang paa na agad kong pinaikot sa kanyang leeg at tumalon don saka inipit ang ulo nya gamit ang hita ko, hawak hawak ang bakal ay buong pwersa ko yung binali at saka ginamit ang bakal para ipalo ito sa isang lalaki na nagbalak na barilin ako dahil hindi pa naiputok ay tumama yon sa kanyang kamay dahilan para mabitawan nya ang baril, at agad ko yung sinipa sa muka ng paulit ulit hanggang sa bumuga ito ng dugo, at bumagsak, wala ng malay yung apat at ewan ko kung humihinga pa, sa huling pagkakataon ay mabilis akong umikot at sinipa ito sa likod, dahilan para mawalan din ito ng malay at bumagsak ng naka dapa, kinuha ko ang mga baril at siniksik yon sa gilid ng bewang ko saka ko kinuha ang baril ko at nag tuloy, ramdam ko ang pawis sa katawan ko ang sunod sunod na pagtulo nito sa ulo ko patungo sa muka ay ramdam ko, bawat butil ay nag sisilbing kiliti kapag umaagos sa muka ko, itinutok ko ang baril sa kabila saka pinaputok yon at nagtago ng may tumama sa gilid ng semento na nasa kanan ko, tumingin ako sa taas at meron don kaya naman inasinta ko ito saka pinaputukan bumagsak ito pabaliktad sa baba dahilan para mawalan agad ito ng buhay,

'ikaw ba naman bumagsak sa ilang palapag?? Una ulo yon ah? Ano kaya feeling??',

Napailing ako sa naisip, ko ayaw kong maranasan yon nauntog na ako sa mismong pinto ng pinagdalhan ni syn sakin at mas matangkad ako ron at masasabi kong masakit yun pa kayang ganong pwersa ng pagkahulog? Tsk? Mas gugustuhin ko ang bala na babaon kesa don

*Bannggg

*Baanngg

Sunod sunod na pakikipag palitan ko ng putok sa humagarang at nakikipag putukan sakin







Sofia pov

"Ang taong ito!! Hindi talaga papatalo!",asik ko at nagpalit ng Bala ng baril, tumayo ako at pinaputukan ang pwesto nito kanina pa pero talagang matibay ang isang ito,

"Ikaw na bahala dito! Pupuntahan ko si dad!",saad ko tumango si nikki, nagpaputok sila nikki para naman hindi makapaputok ang grupo na yon, kaya nakaalis ako, at hinahanap si dad, pag kaliwa ko ay may sumalubong na suntok sakin isa sa tauhan ni queen, pulos kase nakaitim kaya alam ko agad, habang ang tauhan namin ay ibat ibat ang kulay at uri ng suot ng damit, tumayo ako at pwersa itong sinuntok ngunit nailagan nya yon, saka ako pumailalim at sinipa ito sa mismong kahinaan ng lalaki dahilan para mamilipit ito sa sakit, at mapaupo sinipi ko ang likod nito at dahila nakadapa ay mabilis kong kinuha ang baril at akmang ipuputok ito sa kanya ng may humawak sa pulsuhan ko, pagtingin ko ay sumalubong ang blangko na muka ni queen, inagaw ko ang kamay ko at saka ito ginawaran ng sipa sa sikmura ngunit nailagan nya yon, saka ako inikot gamit ang braso ko at ng huminto ay parang umikot ang buong sistema ko, at inapakan nya ako sa paa dahilan para mapadaing ako sa sakit

"Ah!",

"Pinaka ayaw ko sa lahat ay yung lumalabag sa batas na itinayo ko",giit nya at saka ako sinuntok sa kabilang pisnge, nalasahan ko ang lansa sa bibig ko nasisiguro kong dugo yon ng Punasan ko hindi nga ako nagkamali dahil nag dudugo nga yon, tiningnan ko sya ng masama, ngunit balewala yon sa kanya tinulungan nya ang tauhan nya na, tumayo na mukang naka recover na sa pag sipa ko sa pagkalalaki nya,

"Ang sakit ng ginawa mo! Babae!",asik nito,

"Ako na ba tatapos o ikaw?",tanong ni queen sa lalaki

"Ikaw na siguro queen masakit ang itlog ko!",ani ng lalaki, napailing si queen at akmang lalapit sakin ng kunin ko ang mini knife na lagi kong dala dala, sa bulsa ko at itinututok sa kanya, ngumisi ito at halos mapaigtad ako dahil nakita ko na lang na hawak na nya ang kabilang braso ko, at nakaipit yon sa isang kamay nya habang nakatalikod ako sa kanya, at

"Ahhhhh",sigaw ko ng baliin nya ang braso ko, ramdam ko ang pag hiwalay ng buto ko at para akong sinaksak sa nararamdaman ko dahil sobrang sakit, non binitawan nya ako at parang walang buhay ang braso ko sa pag kalaylay non at parang naninigas ng pakonti konti, pinilit kong igalaw ngunit masyadong masakit, napapikit ako sa sakit non,

"Ang edad na kagaya mo dapat sa skelahan na hihirapan hindi sa ganitong bagay? Ewan ko ba kay Eduardo at ipinapahamak nya ang sarili nyang anak? Oo nga pala? Ampon kayong pare pareho hindi ba? Tsk! Kung sana nakinig kayo sa mommy nyo Hindi ko sana gagawin ito! Rest in peace Sofia",giit ni queen, napatingin ako sa baril na itinutok nya saka ito ipinutok ramdam ko ang pagbaon non sa mismomg ulo ko at parang ang init non, unti unti ay ang pag karamdam ko ng pagagos sa mismong muka ko, at ang pag buga ko ng dugo dahil sa lasa nito na naipok sa bunganga ko na kusang lumabas sa bibig ko, namamanhid ang buo kong katawan at para akong babagsak, maya maya ay naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko kita ko pa ang anino nya ngunit para akong patay na hindi na makagalaw saka unti unting nanlabo ang aking paningin hanggang sa hindi ko na nalalaman pa, tanging palitan na putok at sigawan ang narinig ko hanggang sa para na rin akong nabingi na hindi na makarinig sa paligid ko, kasabay non ay ang pagtigil ng pintig ng puso ko, at ang konting kirot non

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now