CHAPTER 71

44 1 0
                                    


Erlyn pov

Nang matapos ang klase ay halos kahog akong niligpit ang gamit at sinilid yon sa bag, bago patakbo na sana ng tawagin ako ni prof

"Ms. Luchavez??",napahinto ako ako na lang ang natirang students sa loob ng room na una na yung iba

"Sir!??",

"Napanood ng lahat dito ang paglaya ng ate mo, congrats",aniya ngumiti ako at yumuko

"Salamat po!",ani ko,

"Sige na paniguradong gusto mo na syang makita",tumango ako at tumakbo papalabas, ewan ko kung paano ako nakatakbo ng mabilis dahil andito agad ako sa parking

'ganito ba talaga ako ka excited?? Oo!! Syempre!!!',

Sakto din na andyan na si manong na nag aantay sya yung pinasundo ni daddy sakin at dahil nga kailangan sya sa palasyo ng presidente para sa kaso ni ate, habang nag klaklase kase ay binuksan ni miss ang TV kanina at sakto don na naisabi na ang desisyon halos umiyak ako sa tuwa at saka yon sakto na pinatay ang TV atleast alam ko ang naging desisyon

"Kuya!! Paki bilisan!!",saad ko, at umandar kagaya ng sabi ko ay binilisan yon, at nang makauwi ay andon na ang sasakyan ni dad, na nakita ko mula sa labas, ng huminto ay agad akong lumabas, nabihis na ako muna bago tumungo sa bahay ni ate pero natigilan ako ng makita sa sala ang apat, na nakaupo, kaya agad na hinanap ng mata ko si ate, at tumama yon sa kanya nasa single sofa sya, at deretsong nakatingin sakin, nabitawan ko ang bag ko, saka ko naramdaman ang init na likido sa mata ka, tumayo ito bago ako tumakbo papalapit at mahigpit syang niyakap, napaurong pa ito dahil nga sa biglaang pagyakap ko at saka ako umiyak sa dibdib nya, maliit lang naman ako at matangkad sya kaya hanggang dibdib lang nya ako,

"A-ate",tuluyan akong humikbi ng maramdaman ko ulit ang pag haplos nya sa buhok ko, ng paulit ulit at ng pag yakap ng mahigpit sakin,

"Natagalan ba ang pagbalik ko?",tanong nito, umiling ako

"Para sakin yun na ang pinakamabilis ate!! M-masaya ako at nakalaya ka n-na!",saad ko at mas hinigpitan pa ang yakap, ko sa kanya nakita si mom na nakasilip sa second floor pero hindi ko na pinansin, namiss ko ng sobra si ate at sya lang ang gusto ko sa oras na ito, si ate shannel naman ay nasa hagdan at nakasamid samin,

"Pasensya na",bumitaw si ate sa yakap at hinawakan ang dalawang pisnge ko na tuloy ay agos ng luha,

"Namiss kita ate!! Miss na miss kita",saad ko,

"Namiss ko rin ang kakulitan mo",ginulo nya ang buhok ko kaya natawa ako ng maramdaman ang kiliti mula don

"Eh? Kami hindi?",tinig ni kuya omel, na nakanguso kaya ngumiti ako

"Syempre po kuya kayo rin!", ani ko at yumakap sa kanya, kahit dun sa tatlo ay yumakap din ako, namiss ko ang asaran nilang apat, tumingin ako kay dad, alam kong gusto din nyang yakapin si ate, hindi nya lang alam kung paano,

"A-ate p-pwede bang dito k-",

"Ano??",singit ni mom na pababa ng hagdan

"Olivia",saway ni dad

"Gusto mong manatili ang mga criminal na yan dito??",sigaw nito, ang mga katulong ay natigilan at napaiwas alam kong, hindi din nila nagustuhan ang inaakto ni mom, kahit ako hindi, napatingin ako kay ate na blangko ang mukang nakatingin ng deretso kay olivia,
"Oh? Daisy?? Bakit?? Inaakala mo ba na mag kakawelcome party ang bahay na ito para sayo??",

"M-mom!",ngumisi si ate, sinalpak nito ang kamay sa bulsa na alam kong nakakuyom na

"No! Hindi ko kelangan yon, lalo na kung ikaw ang mag bibigay",saad ni ate

The Hidden Daughter Of LuchavezDonde viven las historias. Descúbrelo ahora