CHAPTER 8

57 1 0
                                    

Austrias pov

Sa anim na lalaking kaharap ko ay gusto kong patayin, napahigpit ang kapit ko sa baseball bat na hawak pauwi na ako ng makita ko sila na may balak atang gahasahin ang batang babae na ito, nagsugod ang dalawa sakin kaya naman umilag ako ng gagawaran ako nito ng suntok saka ko ito pinalo sa likod ng baseball bat, kasabay non ay ang pag sipa ko sa sikmura ng isa at payuko ko para patidin ang nasa likod at mabilis na umikot para sipain ito sa ere, pinalo ko ang tangkang susugod na ikaapat sa mismong ulo tuloy ay bumuga ito ng dugo sa ko ito malakas na sinipa at siniko sa mismong lalamunan, tuloy ay bumagsak ito at saka dilat ang matang hindi na gumalaw, natigilan ang lima at tumingin sa kasama nila ang isa na pinalo ko sa ulo ay nakatayo pa pero susuray suray na,

"Bata pa ang babaeng yan...bakit nyo naman kukunan ng kinabukasan??",mahinang sambit ko, napaatras sila

"T-tara na pre!",akit nung isa tangkang tatakas sila ng bumunot ang ng baril, saka sila pinaputukan sa mismong ulo dahilan para mawalan sila ng balance at bumagsak, tumili ang babae na titig sa mga katawan ng lalaking nag tangka sa kanila, napatingin ako sa lalaking pinalo ko sa ulo at saka ito inasinta, nanlaki ang mata nito

"W-wag p-pakiusap",

"Nung nag mamakaawa ang batang yan?",turo ko sa babae
"Naawa ka ba?",saad ko saka ngumisi, at

*Bangg

"Ahhh",tili ng batang babae, humarap ako dito, at napaurong ito halata ang takot sa mata nya habang nakatingin sakin umupo ako sa harap nya para magpantay kami

"Are you okay?",tanong ko, hindi ito nakasagot kaya natawa ako,
"Hindi kita sasaktan",

"S-sino k-ka? B-bakit?", tumingin sya sa mga katawan na walang buhay,kaya tumingin ako don

"Kung hindi ko gagawin yan marahil may mabibiktima sila kaya tinapos ko na",saad ko, tinitigan nya ako, napaiwas ako ng tingin ng may maalala sa itsura nya

'hindi ko akalain na may magiging kamuka kang hayop ka!',

Napangisi ako at tumingin sa batang babae, at tumayo ako

"Saan ka nakatira?? Ihahatid na kita",alok ko baka kase may mangyare pa sa kanya

"St. Village po", sagot nya, napangiti ako ng sobrang hinhin ng isang ito, naginit ang mata ko ng maalala ang isang tao na sobrang mahalaga sakin,  pinasakay ko sya sa sasakyan ko at saka ko sya inihatid, tahimik lang sya pero nakikita ko ang pagtitig nya sakin nakarating kami sa isang village

"D-dito n-na lang a-ako malapit lang naman",saad nya huminto ako at tinanguan sya lumabas sya at sumilip sa bintana ng sasakyan ko

"Salamat dun sa kanina, n-ngayon lang m-may nag malasakit sakin",saad nya natigilan ako at parang may himaplos sa puso ko ng makita ang pagpatak ng luha nya, ganyan na ganyan ako noon umiwas ako ng tingin

"Sa susunod mag iingat ka, pag aralan mong lumakas para naman hindi ka maubuso",saad ko at saka, pinaandar ang sasakyan at humarurut ng alis

'hanggang ngayon pala may mga bata pa rin na mahina at nauubuso',

Natawa ako ng mapakla sa naisip ko


Erlyn pov

Pagkauwi ko ay isang malakas na sampal mula kay mom ang natanggap ko, hindi pa ako nakakabawi ng lakas mula sa pang hihina ko sa nangyare kanina, kaya naman natumaba ko sa sahig, galit ang muka

"Ano at disoras ng gabi ay wala ka? Ha? Saan ka nagpunta? Wag mo sabihing nakipag lampungan ka??",para akong dinurog sa sinabi ni mom

"M-mom h-hindi p-po",saad ko

"Anong hindi? Eh? Nakita ka ng isa sa kaibigan ko?? Sa may bar? Nakikipagsayahan don??",singit ni ate, napakunot ang noo ko

"A-ate! H-hindi ako pumuntang bar! N-nag kain ako sa resto",depensa ko at tumayo

"Talagang? Kailan ka ba natutong mag sinungaling?? Ha? Sinabi na ng ate mo! Mag sisinungaling ka pan!!",isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko kay mom, napatingin ako kay dad na walang emosyon ang muka, na pababa ng hagdan,

"M-mom! H-hindi ako nag sisinungaling! N-nag sasabi ako ng totoo",saad ko,

"Erlyn! May nakakita na sayo! Wag ka na ngang tumanggi!",singit ni ate,napakuyom ako dahil nag sisimula na namang mag sinungaling si ate

"Hindi nga dba! At pwede wag kang mag salita ng mali mali! An-",napatulala ako ng tumama ang palad ni dad sa pisnge ko,

"Kailan ka pa natutong sagotin ng ganyan ang ate mo?? Ha!!",galit na tinig ni dad, tuluyang bumagsak ang luha sa mata ko

"D-dad h-hindi n-",

"Sa susunod na sasagot ka ng ganyan! Palalayasin kita dito!! Hala! Umakyat ka sa kwarto mo! At wag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi!",sigaw nito kaya naman dali dali akong umakyat at tumakbo patungo sa kwarto ko, at napasandal ako sa pinto at don napaupo sa sahig at umiyak sa dalawa kong tuhod

'hindi man lang nila ako tanungin kong may nangyare ba sakin? At tanungin ang side ko? At si ate agad ang pinaniwalaan nila??',

Napahagulgol ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko,

'sa Susunod mag iingat ka, pag aralan mong lumakas para hindi ka maabuso',

Umalingawngaw ang tinig ng babaeng nag ligtas sakin kanina,natakot ako nung una sa kanya pero habang sa biyahe ay parang gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya, gusto ko syang yakapin at mag pasalamat ng paulit ulit dahil sa pag mamalasakit nya sakin kanina, mau tattoo sya sa kaliwang mata kulay brown at itim na guhit na maslalong nag paitim sa imahe nya na sobrang nakakatakot,

"S-sana n-nga m-matutunan k-ko...p-pero p-pano?? P-pano maging malakas??",tanong ko habang iniisip na nasa harap ko ang imahe ng babae kanina, iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako



General Marcial pov ( daddy ni erlyn)

Napahilot ako sa sintido ko saka ako umakyat, tumapat ako sa pinto ng kwarto ni erlyn gusto kong mag hinga ng despensa sa pagsampal ko sa kanya pero narinig ko ang hagulgol nito at para akong nanlamig bigla, ang hagulgol nya ay dimaingding sa utak ko, gusto kong mag wala ng maalala ang katarantaduhan ko noon tuloy ay dumeretso na lang ako sa opisina at naupo sa swivel chair, sa computer ko nakasave lahat ng alaala nya, binuksan ko iyon at napangiti ng makita ang inosente nitong muka nung kapapanganak pa lang, hawak sya ng nurse at nililinisan, ako ang kumuha ng litrato nyang yan, sunod non ay ang litrato nya sa may kuna habang kagat kagat ang isang laruan na binili ng mommy nya ang dati kong asawa na namatay dahil sakin, napasandal ako sa upuan at saka sinunod sunod yon huminto ako sa litrato nya na nakasuot ng binili kong damit para sa kanya, ang ganda nya talaga kamukhang kamukha nya ang kanyang mommy, tumayo ako at tumungo sa closet ko sa opisina at kinuha ang nakatuping damit na sinuot nya, hindi ko alam kung ilang beses nya itong sinuot, pero naiwan dito ang amoy nya, ang amoy ng anak kong gustong gusto naming mag asawa non, umupo ulit ako sa swivel chair at niyakap ito nalanghap ko ang amoy non at napangiti ako, naalala ko ang malambing at mahinhin nitong boses kagayang kagaya nya si erlyn kaya naman kapag nakikita ko si erlyn muka nya ang nakikita ko at naiimagine ko ang itsura nya ngayon panigurado akong malaki na sya, sa tuwing nakikita ko si erlyn hindi ko maiwasan na masaktan at magalit sa sarili ko dahil sa nagawa ko na habang buhay ko na siguro pag sisisihan

'kamusta ka na anak ko? Anong ng nangyayare sayo ngayon? Nasan ka na? Nakakakain ka na ba ng maayos? Malusog ka ba? Maayos ba ang tinutuluyan mo? May nag aalaga ba sayo? Ayus ka lang ba??',

Yan lagi ang tanong sa utak ko, walang oras na hindi ko sya naaalala kahit nasa trabaho ako, sinubukan ko syang hanapin at hanggang ngayon hinahanap ko pa rin sya sabi ng mga Investigator ko ay wala talaga, pero umaasa ako na makikita ko ulit sya, gustong gusto ko syang yakapin at humingi ng Paulit ulit na tawad, sa nagawa ko sa lahat lahat ng ginawa ko

'alam kong napakagago kong ama para gawin ang bagay na yon, pero kung pag bibigyan akong uli na maging ama sayo anak ko....sayo ko ibubuhos lahat lahat para makabawi sa lahat ng pag kukulang ko',

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now