CHAPTER 6

54 0 0
                                    

Erlyn pov

Napahawak ako sa pisnge ko na sobrang lanit sa sampal kanina ni Mitch sakin, nandito na ako sa kwarto at kauuwi lang, nakatingin ako sa salamin kung saan kitang kita ko ang pula non, naginit ang mata ko ng maalala yung kanina, hinayaan kong dumaloy yon sa aking pisnge saka pinunasan bago lumabas ng kwarto, at nahiga sa kama ganun lagi ang ginagawa ko iyak dito iyak don, kahit gusto kong sabihin kay mom at dad ang ginagawa sakin sa school hindi ko alam kung ano ang gagawin nila o kung may gagawin ba, maya maya ay may kumatok

"Ma'am erlyn Pinapatawag ho kayo ng daddy nyo, pumunta daw ho kaya sa opisina nya",tinig ng maid

"O-opo s-saglit lang p-po",saad ko at dali daling inayos ang sarili, saka ako lumabas at tumungo sa opisina ni dad, pagkakatok ko don ay walang sumagot kaya naman pumasok na ako, wala si dad sa swivel chair kaya nag antay ako don, pero sa hindi inaasahan ay may nakita akong isang pictures sa computer nitong nakabukas, tiningnan ko iyon, at napakunot ang noo ko ng makita ang litrato ng isang batang babae, hindi ko pa alam kung sino ito dahil hindi naman si ate daisy ang batang babae nito, ibang iba ang itsura kay ate daisy, pero masasabi kong mas maganda kay ate daisy ang isang ito

"Sino kaya ito?",pagtanong ko sa sarili, natigilan ako ng may tumikhim, dahilan para mapatayo ako
"D-dad",saad ko, seryoso ang muka nito at umupo sa swivel chair, pinatay nya ang computer

"Hindi ka dapat nangingialam ng bagay na hindi sayo erlyn",saad nya kaya napayuko ako

"N-nakita k-ko l-lang d-dad, s-sino p-po y-yon??",nag buntong hininga sya

"Nakausap ko ang teacher mo? Ano raw at may pul- anong nangyare dyan?", kunot noong tinuro ang pisnge ko, kaya napahawak ako ron

"D-dad",

"Anong nangyare dyan?",ulit nya

"S-sinampal h-ho",nakayukong saad ko,kumunot ang noo nito

"Sinampal? Nakipag away ka?",

"D-dad h-hindi h-ho g-grupo po n-nila mitch ang nauna, s-saka h-hindi k-ko po p-pinatulan",pagdadahilan ko,

"Mabuti at hindi mo pinatulan, isa kang luchavez at hindi maganda sa image natin kapag nakipag basag ulo ka lalo na at sikat ang ate mo maaapektuhan ang image nya sa mga tao",napayuko ako sa sinabi ji dad

'si ate na naman??',

"O-opo d-dad",tanging nasagot ko, pigil ang luha ay tumalikod na ako at tumakbo pabalik sa kwarto ko, at dumapa sa kama at doon ay umiyak ng umiyak,

'bakit ba lagi si ate ang iniisip nila? So gusto nilang hayaan kong saktan ako nila mitch? Wag lang maapektuhan ang image ni ate?? Ganun ba?? Hahahaha oo nga pala si ate daisy ang tunay nyang anak? Ano nga ba ako dba? Bastarda lang! Hahahah',

Napatayo ako sa kama at nagayos, suot ang maong pants at white t shirt at flat shoes, ay gusto kong kumain sa labas ayaw kong sumalo sa kanila paniguradong ipapahiya na naman ako ni ate daisy, patago akong bumaba at lumabas ng bahay, hindi na ako nagpahatid at nag commute na lang ako tutal may pera ako mula sa baon ko kanina na hindi ko man lang nagastos,

"Kuya dito na lang po",saad ko sa driver ng tricycle na sinakyan ko, saka ako bumaba, napatingin ako sa restaurant na lagi kong kinakainan minsan kapag ayaw kong sumalo sa kanila, naglakad ako at pumasok don,

"Good evening Ma'am", bati ng waiter kaya ngumiti ako

"Good evening din! Table for one",saad ko tumango ito

"This way ma'am",ginawad nya ako sa lamesa na tanging iisa ang upuan, saka binigyan ng menu,

"Isa nga nito tapos ito at water",saad ko tumango ito

"Okay ma'am",saad nito saka umalis Napatingin ako sa labas kung saan ay kita ang dumadaan na sasakyan, binalot ako ng lungkot sa sarili napayakap na lang ako sa sarili dahil gustong kumawala ng luha sa mata ko,

"Kailan ko kaya mararanasan ang isang yakap ng nag papatahan??",wala sa sariling tanong ko, kahit kailan kase hindi ko pa nararanasan yon o kahit kay mom o kay dad hindi, pero lagi ko silang nakikita na kayakap si ate daisy,

"Kung may isa sana akong kapatid baka sana kahit papano hindi ako makaramdam ng ganito",saad ko at nagbuntong hininga, naalala ko tuloy yung litrato ng isang batang babae na nakita ko sa computer ni dad kanina,

'sino kaya yon??',

The Hidden Daughter Of LuchavezOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz