CHAPTER 12

50 1 0
                                    


Austrias pov

"Ikaw ba ang may birthday ngayon?",tanong ko sa bata na tulala sakin, namumula ang tungko ng ilong

"I-ikaw p-po ba y-yung hero namin??",tanong nya, napatingin ako sa kanya saka ngumiti

"Ako nga! You can call me ate jewer",saad ko nahinto ako ng yakapin ako nito saka umiyak sa balikat ko

"Huhuhuhuhuhu s-salamat p-po s-sa pag tulong s-sa amin! A-ate jewer!",bulol nitong saad, bukod kase sa makakain at mga gamit nila na binibili ng Foundation gamit ang perang binibigay ko rito ay nag aaral din sila, at sinisigurado kong sa kanila mismo na pupunta ang pera na binibigay ko

"Wag kang umiyak, papangit ka kapag nagulo ang ayos mo",saad ko sa bata hindi ko alam kung pano patatahanin ang isang ito, Hindi naman kase ako mahilig sa bata pero hindi naman ako nananakit

"A-ang ganda n-nyo po p-pala",saad nya, ngumisi ako,

'kamuka ko si mom kaya natural lang na maganda rin ako',

"Salamat! Sige umpisahan na ang party mo, pasensya at natagalan ako bago makapunta dito",saad ko,

"Ayus lang po", masigla na ani nito kaya natawa kami, may mga batang Lumapit sakin, saka nagtanong tanong ito ang hirap sa mga bata makukulit at talagang hindi makontento sa isang salita, kailangan laging nag sasalita, nagpatuloy ang party at medyo nababagot ako nalilibang lang kapag may mga batang nakikipag kwentuhan sakin o nakikipag kulitan, hindi ko pwedeng seryosohan ang mga batang ito baka hindi na lumapit sakin sa takot tsk! May mga clown din na nag perform sa harap na kinabiliban pa nung apat,

'mahilig pala sa clown yak!',

"Queen! Sigurado ka ba na? Nagpakita ka sakanil?",saad ni omel na tumabi sakin

"Hindi naman ako kilala ng lahat eh! Isa pa bata lang sila kaya wag kang O.A",saad ko

"Eh? Yung erlyn? Hindi mo ba? Talaga i-",

"Bakit ba pinag iinitan nyo si erlyn?",inis na saad ko, pakiramdam ko kase parang ayaw nilang lumapit sakin si erlyn

'ganun ba ako ka demonyo para hindi palapitan sa bata?',

"H-hindi naman sa ganon! Queen medyo! Hayy! Wag na nga lang",

"Oy! Omel! Ano na naman yan!? Tumigil ka jan! Maganda mood ni queen wag mong sirain!",asik ni sunny, Napatingin ako kay erlyn na nalilibang sa pakikipag sayawan at pakikipaglaro sa mga bata, malaki ang ngiti at sobrang kulit, nakumunot ang noo ko ng pakiramdam ko ay kamukha talaga nya ang taong kinamumuhian ko, napailing na lang ako

'epekto yan jewer ng kaiisip mo sa nakaraan mo kanina! Tsk',

Daisy pov

"Congratulations! Miss luchavez! Napakaganda nag enjoy kaming buong pamilya",

"Maraming salamat at nag enjoy kayo salamat sa panonood",

"Hahahaha naku! Ang batang ito ay parang ang kanyang ina na si ayesa na isa ring sikat na artista napaka galing",saad ni mom kaya natigilan ako, at pilit na ngumiti, hindi ko alam kung bakit pilit nilang sinasabi na ang dating asawa ni dad ang mommy ko samantalang kay mommy ako lumaki, lumaki ako kay mom at hindi ko pa kilala non ang daddy ko ngayon, nagulat na lang ako at iba na ang kinikilala nilang mommy ko, hindi ko na nagawang mag tanong non haggang ngayon, nakakatulong din kase sa image ko ang dating yumao na asawa ni dad,kaya hindi na ako nagreklamo

"Daisy", tinig ni dad, nakangiti ito sakin pero makikita ang lungkot sa mata nito, nag asta na lang ako na parang hindi ko iyon nakita

"Yes dad?",saad ko

"Maraming natuwa at nagustuhan ang drama mo, may nakausap din akong producer ng isang show gusto ka nyang gawing guest sa show",saad ni dad, kaya ngumiti ako

"Really?? Wow,! That's great anak",saad ni mom,

"Talaga dad?? Nakausap naman nya siguro ang manager ko I'm sure na tatanggapin nila yun",ani ko

"Yeah! Of course daisy kailangan na nating umuwi ang kapatid mo ay baka nag aantay na ron",pilit akong ngumiti, si erlyn ang tinutukoy nya, tumango ako at nag paalam sa nga kakilala at syempre sa part ng drama ko

"Oh! Sige! Daisy! Ah! Sasabihan kita kapag alam ko na kung kailan yung show!",saad ni mama ang manager ko

"Yes! Mama! Don't worry! Lagi akong aware",

"Oh! Sya! Bye bye na!", humalik ito sa pisnge ko kaya nag paalam na ako, lumabas kami ng cinema nila mommy at daddy, saka dumeretso sa parking lots

"Naisip ko kung nasa bahay na ba si erlyn?",panimula ko ng makasakay sa sasakyan, kumunot ang noo ni dad

"Pinahatid ko sya sa driver natin para sa sinabi nyang pupuntahan nya ngayon",

"Yeah! Dad! Kilala mo si erlyn, baka nga wala pa sa bahay yon",ikot kong mata na saad

"Mauwi rin tayo malalaman natin yan",saad ni mom, saka kami bumiyahe pauwi, habang pauwi ay nakita ko si erlyn na bumaba sa isang van, at sunod at tumungo sa isang motor na nasa unahan ng van at yumakap sa isang??

"Wait! Dad! Mom! Is that erlyn??",turo ko

"Stop the car",utos ni dad sa driver huminto ito, at saka ko binaba ang bintana, sakto namang pag silip ko ay humarurot ng alis ang motor at kinakawayan ni erlyn, saka sunod ay ang van

"Erlyn!!!",sigaw ko nagulat ito at saka ngumiti at lumapit samin

"Daddy! Mommy!!",saad nito

"Pumasok ka na",utos ko, sumakay ito saka nakayuko at hindi makatingin samin

"Erlyn?? Sino ang lalaking yon?",tanong ni dad na kunot ang noo sa porma kase nito ay parang lalaki nga

"D-dad! H-hindi yon lalaki si ate jewer yon",gulat na saad ni erlyn

"Erlyn? Nakita namin ang postura! Anong babae eh-",

"Ate daisy! Babae yon! Hindi sya kagaya mo na babaeng babar kumilos",natigilan kami sa pag taas ng boses ni erlyn, hindi nya pa kami pinag tataasan ng boses

"Erlyn!! What kind of behaviour is that! Huh! Sinisigawan mo na kami??",galit na turan ni mom

"Kung babae yon? Bakit sya ang humatid sayo? Hindi bat pinahahatid k-",

"Sinundo nila ako sa labas ng village dad, saka hinatid din, mababait sila",saad ni erlyn nagbuntong hininga si dad
"Pag usapan natin sa bahay! Let's go",saad ni dad, Napa kunot ang noo ko kay erlyn, may nagbabago kay erlyn, dati dati kapag sinasadya kong iiwan sya para kaming tatlo nila dad and mom ang kasama lang makikita ko rito ang sakit at lungkot, pero nung isang araw ng ibigay ko ang ticket ayus lang sa kanya, at nakangiti pa, ngayon ay tahimik lang sya nakatingin sa labas ng bintana at makikita ang kinang sa mata kahit hindi nakangiti

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now