CHAPTER 20

46 1 0
                                    


Austrias pov

Napatigil ako ng pagsilip ko sa veranda ay nakita ron ang walang malay na katawan ni erlyn, kumunot ang noo ko ng makitang nakapantulog ito, kahit malayo ang veranda ko sa gate ay halatang pantulog ito, agad ako lumabas ng kwarto ng sumalubong sakin ang mayordoma

"Young lady!! Y-yung batang iniuwi nyo dito nasa labas ng gate! At walang malay!",sinasabayan ako nitong lumakad, hanggang sa makababa ako, wala yung apat dito at may pinagawa ako sa kanila, natigilan ako ng maalalang umuulan nga pala, tuloy ay napakuyom ako, parang sumasakit ang tenga ko, sa lakas ng ulan sa bawat patak non sa semento, at ang hangin na tinatangay ang mga patak ng ulan, masyado ng matagal ng mapatakan ako ng ulan dahil simula ng tumungtong ako sa mansyon na ito, umiwas na ako sa ulan, dahil sa takot ko na baka may mangyare sakin, napalunok ako ng makita si erlyn na halatang namumutla na walang ano ano ay, humakbang ako papalabas ng pinto bumalot sakin ang malamig na hangin

"Young l-",hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng mayordoma ng naglakad na ako papalabas, napapikit ako ng maramdamang nag mistulang, kutsilyo ang patak ng ulan sa buo kong katawan,alam ng lahat ng nandito ang bagay na pinaka ayaw ko, ang ulan, kaya marahil ganon ang naging katahimikan sa kanila, halos matagal na sila dito at alam naman nila na hindi ako tunay na cordial- civil, napakuyom ako at pinilit na maglakad, saka ako nag mulat at naglakad papalapit sa gate na malayo layo sa mansyon, basang basa na ako at halos ramdam ko ang nginig, sa bawat patak ng ulan, binuksan ko ang gate saka ako lumapit sa katawan ni erlyn, kagaya ng inaasahan ay maputla ito, kaya naman binuhat ko ito ng pang bridal style maliit lang naman si erlyn, at magaan kaya kayang kaya ko syang buhatin, naglakad ako papasok at sumunod ang ilang maid at sila na ang nagsara ng gate, pinayungan naman ako nung iba, halos lahat sila ay nag aalala ang muka, naglakad kami papasok may nakahanda na agad na towel at robe, inisakbit ng mayordoma ang towel sa akin habang paakyat sa taas, mula sa kwarto ko at inihiga ko si erlyn sa sofa, at dahil nga basang basa pa

"Bihisan nyo sya at siguraduhin nyong magiging komportable sya",

"Opo young lady",saad nila, tumungo ako sa isang kwarto at dumeretso sa banyo, hinubad ko ang damit ko saka pumailalim sa shower, napalunok ako ng maalala ang pakiramdam ng patak ng ulan sakin, kung ano ay naramdaman ko ang pag daloy ng luha sa mata ko, napasandal na lang ako sa glass door ng shower,

"H-hindi ko alam kung ano ang dahilan ng diyos at kung kailangan kang ilapit sakin erlyn...alam kong inosente ka sa nakaraan ko, pero...dahil kadugo kita manganganib ang buhay mo sakin...h-hindi ka safe sakin erlyn",sambit ko, at napayuko,

'kaya kong kalimutan ang nakaraan ko kapag kasama kita pero...sa tuwing naiisip ko na kapatid kita at kung sino ka!? Para akong pinapatay ng bawat segundo, bawat oras na naaalala ko yon, ayaw kong saktan ka pero hindi ko maiwasan dahil kahit ako nasasaktan, ngayon... nasasaktan ko at mas nasasaktan pa lalo',

Napahagulgol ako sa ilalim ng shower habang hinahayaang umagos ang tubig sa katawan ko,

'y-you c-choose h-her! Over m-mom!! H-how dare y-you!!',

'm-mom! M-mommy!! W-wake up!! Mom!!',

Nakita ko sa imahe ko kung paano kong gisingin non si mom pagkatapos matumba sa putik, nakita kong namatay ang mommy ko sa mismong harap ko dahil sa mommy mo erlyn, dahil sa kanya! Nasira ang pamilya ko dahil sa kanya, nasira ako dahil s-sa kanya! At hindi ko alam kung paano kita haharapin at patutunguhan gayong alam ko na anak ka ng babaeng pinili ni dad kesa samin ni mom! Pano?? Pano??

"G-gusto nyo b-ba talagang nasasaktan ako?? B-bakit k-kailangan n-nyo syang ilapit ang nakaraan ko sakin??",pagkausap ko sa diyos, sabi ni mom non, mag dasal ako ng taimtim at nakikinig siya na proprotektahan ka nya, si mom na halos oras oras yong ginagawa, bakit pinabayaan nyo?? Bakit?? Tapos ngayon? Hindi ko maintindihan kung bakit binabalik nyo ang nakaraan ko na gusto kong kalimutan na gusto kong takasan!!




Mercy pov

"Kompleto ba ito?",tanong ko

"Oo naman! Mecy! Kayo pa ba? Hahaha alam ko kung gaano kabagsik ang grupo nyo kaya hindi ako lalaban! Sya nga pala may nasagap akong balita",napairap ako

"Ano na naman yan mr. Syn chismis!?",inis na saad ko

"Hayyy!! Hindi! Tungkol kay Eduardo! Mukang may pinaplano ang grupo nila kasama yung mga  syndicate na kalaban din ni queen, sabi sakin ng tauhan ko nakita nilang magkakausap ang tatlong Chinese at dalawang Americano at si Eduardo,  hindi na ako magtataka kung nakipag tulungan ang mokong na yon para mapa bagsak si queen", natigilan kami

"Ano?? Pano ka nakakasigurado?",tanong ni sunny kay mr. Syn

"Ako pa ba?? Isa pa hindi na bago satin si Eduardo alam natin na madumi ang bituka ng isang yon lahat gagawin para mapabagsak si queen",

"Alamin mo ang plano nila! Kapag nalaman mo! Sabihan mo kami agad maliwanag ba",saad ni omel

"Kung yun ang gusto mo! Sige! Ako bahala tutal, nangangati ang kamay ko sa Eduardong yan! Oh! Sya! Alis na ako! Gagawin ko pa yung transaction natin sa lunes japan",kaway nya, saka umalis napabuntong hininga kami

"Talagang nakipag tulungan pa ang Eduardo na yon sa kalaban ni queen ha! Hanep",saad ni solely

"Kailangan agad malaman ni queen ang bagay na ito, para makapag handa, isa pa! Inaasahan na natin ito",ani ko, dala ang atatsi case ay sumakay kami sa van, dinial ko ang number ni queen pero hindi sumasagot

"Oh?",

"Hindi sumasagot eh! Ideretso mo sa mansyon nya!",saad ko, maya maya ay napatungo na kami don, buti at wala ng ulan ambon ambon na lang, pagkasok namin

"Nasan si queen?",tanong ni omel sa maid

"Ah! Nasa taas po naliligo", kumunot ang noo namin

"Naliligo? Hindi bat? Pagkaalis namin? Naliligo yon? Hindi pa rin tapos?",saad ni sunny na hindi makapaniwala

"Ah! Hindi po! Nabasa po ng ulan kaya naligo ulit nagulat nga po kami eh", natigilan kami

'nagpabasa??',

"Naligong ulan si queen??Binibiro mo ba kami?",saad ni omel umiling ang maid

"Hindi po sya naligo sa ulan! Nabasa ho sya, dahil kinuha nya ang walang malay na katawan nung batang babae na iniuwi nya dito, yun bang maingay at makulit, nasa gate po kanina ng makita namin, kaya sinabi namin kay young lady tapos ayun po! Nagpabasa ho! sya para makuha yung bata",para kaming tigang at hindi malaman ang sasabihin,

'impossible!! Takot si queen sa ulan!!',

"Sery-",

"Young lady! Inaapoy ng lagnat yung babae!!", napatingin kami sa taas sa sigaw nung maid, dala ang case ay umakyat kami nakita naming pumasok si queen sa kwarto nya, kaya sumunod kami, basa pa ang buhok nito mukang katatapos lang, napatingin kami kay erlyn na nasa kama at namumutla habang balot ng kumot na nanginginig at namumula ang ilalim ng mata at any tungko ng ilong, may nakalagay na towel sa noo nito, at maayos na rin habang binoblower ng maid ang buhok ni erlyn, napatingin kami kay queen na nakahawak sa leeg ni erlyn na animoy sinusuri ang temperatura nito, mababakas ang pag aalala sa muka ni queen,

'pagkatapos mong saktan at iwasan! Mag aalala ka! Ang galeng! Talaga austrias! Magaleng!',

"Ikaw na talaga ang masamang tao na mabuti ang puso jusmeyo!",pag paparinig ko sinamaan nya ako ng  tingin kaya pinanlakihan ko sya ng mata, napatawa yung tatlo dahil totoo naman, nag bebenta ng droga at armas habang yung kinita sa mga foundation napupunta! Oh! Dba! Gumawa ng masama tapos gumawa din ng mabuti! Anak ng... ngayon naman sinaktan mo tapos todo pag aalala! Totoo nga ang kasabihan! Masama ang pisikal na anyo! Pero mabuti ang puso! Haayyyss!!

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon