CHAPTER 18

47 2 0
                                    


Austrias pov

Pagkauwi ko ay agad akong lumabas sa sasakyan, sumalubong yung apat sakin at nag aalala ang mga muka,

"Queen! Buti nakauwi ka! Ang lakas nung ulan o- ayus ka lang ba!", tanong ni mercy, naramdaman ko ang init na dumadaloy sa pisnge ko, napakuyom ako ng maalala ang lahat lahat, kumalabog ang sakit sa puso ko, para akong matutumba kahit anong oras

"M-magpapahinga na ako",saad ko tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon, tumungo ako sa kwarto ako at hinubad ang jacket ko, saka naupo sa sofa at napasandal ron hindi ko alam kung anong mararamdaman ko,

'ang bagay na ginawa nila sakin, inuulit nila kay erlyn??',

"Bakit sa lahat sila pa erlyn, bakit sa lahat ikaw pa??", napahilamos ako sa muka, sa naiisip ko hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko gayong alam ko na kung sino si erlyn, Isa kang luchavez erlyn? Anak ka nya kay olivia?

'lumayas ka na daisy, wala ka ng lugar sa pamamahay na ito',

Nagpaulit ulit iyon sa tenga ko, napatingin ako sa labas at umuulan ron ng malakas, natawa ako ng mapakla, umuulan na naman, lagi na lang, umuulan ngayong nalaman ko na kapatid ko nga si erlyn,
"Nagkatotoo ang hiniling ni erlyn, bagay na hindi ko gustong mangyare",napatakip ako sa muka at Pinipigilan ang sariling mag wala, gustong lumabas ng galit sa katawan ko, gusto kong ilabas, gusto kong makalimutan na lang, sa tagal ng panahon hindi ko alam na magkikita pa kami, sa tagal ng panahon masyado pa ring masakit, sa murang edad ko non naranasan ko ang bagay na hindi ko dapat naranasan bagay na hindi alam ng kahit sino maliban sa iisang tao, isang taong tumulong sakin, tumayo ako at tumingin sa litrato ko ng mag aral ako sa london, sya ang nagpaaral sakin sinali nya ako sa lahat lahat ng sports non, at lahat yon ay napag tagumpayan ko,

'simula ngayon, hindi ka na si daisy...kalimutan mo ang mahinang daisy, dahil ngayon ikaw na si austrias jewerlyn cordial- civil ang nag iisang kikilalaning anak ko',

'Sa mundong Puno ng sakit, sarili mo lang ang kadamay mo, kaya sanayin mo ang sarili mo, dahil lahat ng tao kaya kang saktan physical man o emotional',

'wag kang mag titiwala ng mabilis kahit na magaan ang loob mo sa tao, dahil kaya ka niyang saktan ng hindi nya alam',

"D-dad!? Sorry nagtiwala ako kay erlyn! I-its just that! H-hindi ko alam n-na sya y-yung makakapagpaalala sakin kung sino a-ako....l-limot ko na yun eh! K-kaso l-lang...",para akong kakapusin ng hininga, habang kinakausap ang litrato nya, ang lalaking tumayong ama ko sa oras na dapat sya ang gumagawa
"D-don't w-worry d-dad! I-i'll fix i-it",saad ko at pilit na binalanse ang sarili upang hindi matumba, nanghihina ang tuhod ko, habang humihikbi napahiga ako sa kama at  doon ay hinayaang umiyak, ng tahimik

'm-mommy!! M-mommy! W-wake up!',

Nakita ko ang sarili ko noon, habang ginigising si mommy na bumagsak sa putik at nakadilat ang mata habang may dugong umaagos sa kanyang noo, napatakip ako ng unan, ng maalala yon, nag sisilbing bangungot yon sakin na hanggang ngayon hindi ko alam kung paano takasan






Mercy pov

Hindi namin alam ang kinikilos ni queen, nahimigmigan namin ang pagiging mas tahimik nya at parang ang lalim ng iniisip, simula nung gabing inihatid nya si erlyn at hindi na namin nalaman na nakikipagkita sya kay erlyn, tumatawag din saming apat si erlyn at hinahanap sya, hindi daw sinasagot ni queen ang tawag o message nya, ang sinasabi na lang namin ay dahil may ginagawa sa negosyo si jewer, andito kami sa mini bar ng mansyon ni queen,

"Bakit kaya hindi na nakikipag kita si queen kay erlyn? Nag away ba sila?",tanong ni sunny

"Ewan! Pare parehas tayong nangangapa sunny, ,samen ka pa ba mag tatanong??",saad ni solely

"Hayyyysstt! Namimiss ko ang kakulitan ni erlyn kahit saglit natin syang nakasama",ani ni omel kahit ako, para akong may bunsong kapatid kay erlyn, masaya syang kasama kaya siguro nya napatawa si queen, bagay na hindi magawa ng kung sino lang, pero bakit parang ganito? May iba

"May napapansin ako kay queen pakiramdam ko iniiwasan nya si erlyn! Hamakin mo wala naman syang trabaho dahil lahat ng negosyo nya iba ang gumagawa sya lang ang may ari? Tapos! Hindi nya masagot ang tawag ni erlyn o kahit message",saad ni sunny

"Tanungin kaya natin?",ani ni omel

"Tsk! Buti kung mag salita",saad ko, napatingin kami kay queen na papalapit kaya napaayos kami, akala namin kakausapin kami pero mali kumuha ito ng alak na nasa shelf at baso, saka umalis, na ganyan sya lagi nakakulong sa kwarto at hindi kami iimikan, nagkatinginan kami ng mawala ito sa paningin namin saka umiling

"Ano bang nangyayare sa kanya? Parang bumalik ang ugali nya at mas lumala pa",nag aalala na saad ko

"Tanungin natin si erlyn baka? May hindi sila nagkasunduan?",saad ni sunny

"Mag sasabi si erlyn satin nung tinatawagan nya tayo kung meron man, pero wala syang nababanggit",

"May punto si omel sunny, baka humingi na ng tulong si erlyn satin para humingi ng despensa kay queen kung meron man",saad ko saka sumimsim ng alak, maya maya pa ay lumapit ang maid samin

"Ma'am? Andyan po sa labas ng gate yung batang inuwi ni young lady dito sa mansyon", napatayo kami sa sinabi ng maid

"Si erlyn??",

"Opo ma'am", Agad kaming tumungo sa gate, at nakita nga namin don si erlyn,

"Ate mercy!! Si ate jewer po??",tanong agad nya, nagkatinginan kami

"Ah? Erlyn? Nasa business si ate jewer mo, may inaasikaso, bakit may kailangan ka ba?",pag sisinungaling ko, lumaylay ang balikat nito, saka ngumuso,

"Sige po!...n-naiintindihan ko p-pakisabihan ako k-kapag hindi na sya busy",saad nya,

"Erlyn? Anong gamit mo para makapunta dito?",tanong ni omel

"N-nag commute po a-ako kuya omel", natigilan kami, pare pareho

"Wala ang ate jewer mo, kami na mag hahatid sayo",saad ko tumango ito, kaya napatingin ako sa veranda ni queen nakita naming sumarado ang kurtina alam kong alam nya na naandito si erlyn pero hindi nya binaba man lang, napabuntong hininga ako, saka kinuha ang sasakyan ko at lumabas ng gate

"Halika na erlyn",saad ko binuksan sya ni omel ng pinto kaya pumasok na ito sunod nung tatlo

"Erlyn? Bakit? May napag awayan ba kayo ni ate jewer mo?",maingat na tanong ni sunny, kumunot ang noo ni erlyn

"Wala po,maayos kami ng mag hiwalay nung hinatid nya ako, tapos naging busy na sya, kahit tawag o text ko hindi nya sinasagot dati dati may sagot sya lagi ron", nagkatinginan kaming apat

"Ah! Baka nga busy lang! Isa pa! Hayaan mo si jewer bibisitahin ka non kapag okay na ulit ang schedule nya! Hehehe",

"Ganito ba sya kabusy?",

"Oo erlyn! Katunayan may araw talaga na busy na busy si jewer sa negosyo nya, kaya pag pasensyahan mo at hindi nya masagot ang tawag o text mo",saad ni solely

"Naiintindihan ko po, pero.... pakiramdam ko po kase iniiwasan nya ako",napalunok kami

'ganun na nga ata erlyn! Pero!?...bakit?',

"Sus! Ikaw iwasan non? Imposible ata yan! Erlyn! Hindi ganon si ate jewer mo masyadong busy lang talaga kaya hindi sya makapag bigay ng oras sayo",saad ni omel,

"Punta kaya tayong mall?",akit ni sunny

"Wag na po, wala si ate jewer, sa susunod na lang kapag kasama natin sya",malungkot ang tinig ni erlyn, tuloy ay para akong naaawa sa bata, nasabi kase samin non na hindi maganda ang relationship nya sa pamilya kaya lalo na sa ate nya kaya siguro ganun na lang kung ituring nyang ate si queen, mukang gusto ni erlyn na maging ate si queen pero hindi yon pwede, masyadong delikado ang buhay namin lalo na ni queen lalo na at maraming kaaway si queen na ibat ibang sindikato, baka madamay si erlyn, pero hindi naman namin sya pwedeng ipagtabuyan na lang, ng basta basta lalo pa at bata pa

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now