CHAPTER 67

40 3 0
                                    


Franco pov

"Franco! Bakit mo naman hinayaan na umalis?",tanong ni mom

"M-mom! Sinubukan ko syang pigilan kaso nakasakay na sa isang sasakyan eh",

"Anong sasakyan?? Sino?? Bakit?",sunod sunod na tanong nya hinatidan nya ako ng makakain at pera na magagamit ko, ngayon na lang ulit at sinusundan sya ng mga pulis

"Hindi ko alam mom, basta ang Sabi nya kailangan nyang magpalakas",saad ko at umiwas ng tingin, napahilot naman sa sintido si mommy, at napaupo

"Sinasabi mo bang gusto nyang gumanti??",

"Y-yeah? P-parang ganon na nga m-mom",

"Ppsshhh!! Ano bang pumasok sa utak ng kapatid mo?? At ganon ang naisip! Hindi pa ba sapat ang nangyare sa daddy ninyo at kay sofia para tama ng kalabanin si queen!?",napaiyak si mom kaya lumuhod ako sa harap nito
"Dapat nag aaral kayo eh! Dapat pag aaral sa school ang pinopoblema nyo! Hindi ganto! Hindi nagtatago! Pano na ang future nyo!!? Ikaw franco, pano na ang future mo? Pano??",

"I-im sorry m-mom",

"Ang gusto ko lang naman maayos ang buhay nyo! Kinuha ko kayo sa bahay ampunan para magkaroon ng magandang kinabukasan! H-hindi ganito!",namuo ang luha sa mata ko, hindi ko gustong maging ganito si mom panigurado akong nasasaktan sya, sa kinahantungan namin,

"P-patawarin m-mo k-ko mom",saad ko, yun lang ang nasambit ko habang kayakap si mom at pinapatahan, kung maibabalik ko lang ang dati hindi ko hahayaan na aabot sa ganito, kaso!?...hindi na pwede, ganon kami ni mom hanggang sa tumahan sya ng mahimasmasan ay nagpasyang umuwi na,ako naman ay nag simulang kumain ng dala dala ni mom kanina, tulala ako pero walang pumapasok sa isip ko,

'maikli lang ang buha kaya kung tatanungin ako mas gugustuhin kong manatili sa tabi ni ate',

Naalala ko ang sinabi ni erlyn non sakin, yun yung nasa bench kami at tinanong ko sya kung ano ang huling gagawin nya sa oras na mawalan sya ng hininga

'umalis na ka na arnold or should i say franco?? Ayaw na kitang makita pa',

Napapikit ako ng maalala yon, ang matamlay na mara ni erlyn at ang putok na labi nya ng gabing yon, ay masyadong malinaw sa imahe ng utak ko, para akong dinudurog sa iniisip kong yon pakiramdam ko ay may nawala sakin na kung ano, aminin ko man o sa hindi, talagang namimiss ko ang ngiti nya, ang ngiti na hindi ko akalain na makakahiligan kong panoorin, pumikit ako at sinandal ang ulo sa pader at inalala ang magkasama kami ni erlyn, si erlyn yung may problema sa pamilya pero nagagawa pa ring sumaya, nagagawa nya pa ring ngumiti kahit andaming problema,

"Kamusta ka na kaya ngayon?",tanging naitanong ko,
"Hinahanap mo kaya ako?",ani ko, natawa ako sa sarili kong tanong,

'pano ka nya hahanapin? Sya na rin nagsabi! Na ayaw ka nyang makita!',


Marcial pov

Nang makauwi ay agad akong dumeretso sa kwarto at don ay nagbihis, bago ako dumeretso sa opisina at don ay kinulikot ang computer may mga nakuha akong litrato ni daisy agad ko yung sinave sa computer ko, bukas na ang pag uusap ng presidential about sa kaso ng anak ko, kinakabahan man ay umaasa na sana ay makalaya sya,

"Wala ka bang sawa sa litratong yan?", tinig ni olivia na kakapasok lang, tumikhim ako

"Need anything??",tanong ko, umupo ito sa harap ng table ko,

"Anong balak mo sa batang yan? Don't tell me? Ibabalik mo sya sa bahay na ito?", kumunot ang noo ko

"Oo",saad ko, tumalim ang mata nito

"What??",

"Dahil tahanan nya ito olivia, she's my daughter! Anak ko yon! At gusto kong bumawi sa mga pag kukulang ko! Ano bang masama ron?",

"Ang masama ay yung ibabalik mo na naman sya dito! Maayos na ang pamilya natin!, Naisip mo ba ang mararamdaman ni shannel??ha! Nasira ang career nya dahil sa babaeng yan! Tapos ibabalik mo pa dito! Para mo ng sinampal n-",

"Dahil yon ang totoo!!!",hindi ko napigilang sumigaw
"Anak ko si daisy!! Si austrias ay si daisy!! Sya ang anak ko! Hindi si shannel!! Sya ang dugot laman ko! Hindi si shannel!! Nagkamali ako sa anak ko! Pero gusto kong bumawi gusto kong mapatawad nya ako sa mga kasalanan ko! Gusto kong maging ama sa kanya uli!!",

"I just don't understand kung bakit ba kailangan mo pang ipalandakan na sya ang anak nyo si ayesa!",

"Dahil yun ang hindi ko nagawa non!!! Anak ko sya!! At dapat sya yung pinili ko!! Nung araw na yon! But so damn! Stupid!! Para hindi gawin yon!", sigaw ko, hindi sya nakaimik pero halata pa rin ang pagkadisgusto sa mata nya

"O baka naman dahil mahal mo pa si ayesa?",

"What the?? Olivia?? Anon-",

"Answer me!! You still love her!! Ha!",

"Can you please!! Stop this nonsense!! Olivia!! Bakit ba ayaw mong andito ang anak ko!!", galit na sigaw ko

"Hey! You two?! Can you please! Stop! Nakakahiya sa kapit bahay!!",tinig ni shannel,
"Ano bang pinag aawayan nyo??",pumasok ito

"Ito kasing dad! Mo! Gustong ibalik dito ang anak nya!",turo ni olivia sakin kaya napahilamos ako sa muka

"So??",ani ni shannel,
"Mom?? Anak nya yon!??",

"Anong so?? Kapag bumalik dito ang anak nya! Pano ka makakabalik sa showbiz???",

"Yan ba talaga ang iniisip mo olivia!? Ha?? Masyado nang madami ang pinag daanan ng anak kong si daisy! Marami na syang naging pag hihirap!! Mula pa nung bata! At gusto kong bumawi!",

"Talaga lang ha?? O baka naman gagamitin mo ang anak mo! Na alam nating pareho na sikat na sikat dahil sa mga nagawa nya! Para mas la-",

"Hindi ganon yon! Olivia!! Gusto kong bumawi sa anak ko!! Walang taong gulang sya ng maranasan nya ang pagiging makasarili mo!!! At pagiging tanga ko!!!",sigaw ko

"So you're blaming me!? Ha?? Bakit? Sino ba ang pumili hindi ba ikaw? Gi-",

"Dahil sabi mo ilalayo mo si erlyn sakin! Na nasa sinapupunan mo! Kung hindi!! I can't even know kung ano ba ang pumasok sa isip ko! At ikaw ang pinili ko kesa sa anak ko!",isang malakas na sampal ang nakuha ko mula kay olivia,

"Mom!!",

"So sinasabi mo na maling mali na ako ang pinili ganon ba??",

"Yes!",deretsang sagot ko
"Maling mali kasi anak ko yon! Napabayaan ko kase takot akong mawala si erlyn!! Parehas kong anak ang pinagpipilian ko! Olivia! And you're so selfish! Para papiliin ako! Nung oras na yon!",sigaw ko
"Get out!",turo ko sa pinto
"I said get out!!!",sigaw ko ng hindi sya kumilos, hinila sya ni shannel palabas, ng isang sigaw ko ulit, napaupo ako at napahilamos sa muka

'bukas na ang isipan ko olivia, mahal ko ang mga anak ko, at kung papipiliin ako! Sila ang pipiliin ko',

Dont forget to vote and comments!!

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now