CHAPTER 16

50 2 0
                                    


Erlyn pov

"Ate!!! Sigaw ko, sa labas ng village ng makita ko si ate jewer, hapon na tinawagan ko sya kanina dahil gusto kong makasama sya, tutal lagi ko syang nakakasama pakiramdam ko mas ate ko sya kaysa kay ate daisy,

"Oh? Saan mo gustong pumunta? Tsk! Halos araw araw mo akong nakakasama halos parang ako pa ang driver mo ah! Hatid dito hatid doon nasan ba ang driver mo?",inis na reklamo nito kaya natawa ako

"Hahahaha ate wag ka na mag reklamo saka isa pa! Hindi ba at pumayag ka! Sya nga pala? Nasan ka kaninang umaga? Tumawag ako kala ate mercy wala ka raw sa bahay mo",tanong ko

"May pinuntahan lang ako, kanina saan ba ang punta mo ngayon?", tanong nya

"Punta tayong mall! Sabi sakin nung kakilala ko may bagong bukas ron na store!",akit ko sumimangot ito kagaya ng inaasahan ko
"Sige na please!!",

"Mall?? Wala ka bang pasok ha?",asik nya

"Kaninant umaga meron! Ngayong hapon wala, wala kaming teachers busy sa dadating na sportfest",

"Oh? Ano namang sinalihan mo?",

"Wala", napatingin sya sakin

"What?? Why?",

"Wala akong alam na kahit anong sports",ngusong saad ko,

"Tsk? Kahit mag basketball??",natigilan ako

"Basketball?? Eh! Pang lalaki yon eh!",

"Tsk! Walang kasarian sa isang bagay erlyn, para sa lahat yon!",napakamot ako sa ulo, sumakay sya sa motor saka ako umangkas, binigyan nya ako ng helmet kaya sinuot ko iyon, saka nya Pinaandar ang motor kaya napayakap ako sa kanya kadalasan ito talaga ginagawa ko, niyayakap ko sya buti hinahayaan nya akong yakapin ko sya ng ganito,

"Ate! Sya nga pala! Gusto kang makilala nila mommy at daddy",saad ko

"Why?",takang tanong nya

"Para daw alam nila kung kanino magtatanong kapag wala ako sa bahay",

"What?? Anong akala nila sakin? Call center??",inis na saad nya kaya natawa ako

"Hindi naman sa ganon, ngayon lang ako nagkaron ng kaibigan ate jewer kaya panigurado akong kikilalanin ka nila",

"Ngayon lang?? Bakit sa school! Wala kang kaibigan??",

"Wala, kung alam mo lang ate jewer! Lagi akong binubully ron lalo na yung grupo nila mitch",

"Hinahayaan mo??",

"Wala naman akong laban ate don eh! Isa pa ayoko mapagalitan ni daddy kase pinatulan ko",

"Kahit sinasaktan ka ayaw nyang lumaban ka?? What the?",

"Opo ate! Masisira ang image ng ate ko lalo na at sikat",saad ko,

"Tsk! Hindi ganon yon! Ayus lang na lumaban ka minsan dahil hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging mahina, hindi masamang ipagtanggol ang sarili erlyn",nangangaral nitong sabi kaya napangiti ako

"Opo... pero...hindi ako sanay yun nga lang na harangin nila ako kinakabahan na ako eh",

"Tsk! Hindi mo kailangang matakot",

"Mahina ako ate! H-hindi ako sanay sa away",saad ko huminto kami sa parking ng mall bumaba ako saka inalis ang helmet nakatingin si ate jewer sakin ng seryoso, kaya ngumuso ako
"Bakit?",

"Pagkatapos nito pupunta tayo sa bahay ko, ayus lang ba yon?",nanlaki ang mata ko

"Talaga po??",tanong ko ngumiti ito

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon