CHAPTER 5

62 0 0
                                    

Daisy pov

"Daisy listen! Nakausap ko na ang producer at ipapalabas na raw ang drama sa cinema sa isang linggo",saad ni manager lu

"Really?? That's great! Masasabihan ko sila mommy and daddy! Pakikuha ako ng ticket para sa both parents ko",

"Eh?? Si erlyn??", kunot noo na ani ni manager

"Ako na bahala kay erlyn sya ka hindi rin yun mahilig sa mga drama noon pa",saad ko tumango ito

'sa aming tatlo lang ang celebration erlyn isa pa...ayaw kong mapahiya sa lahat dahil sa isang kagaya mo',

Nagbuntong hininga ako at saka umuwi na lang sa bahay, wala ng shooting dahil nga tapos na ang drama pa relax relax na lang ako para sa susunod na linggo kung kailan ipapalabas ang drama

Nang  makauwi ako ay dumeretso ako sa kwarto buti hindi ko nakita si erlyn at hindi masisira ang gabi ko, nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame

'ganito ba talaga kasarap maging luchavez?? hahahahaha',

Inihilig ko ang ulo sa unan saka ako pumikit dahil sa sayang nararamdaman ko, pero napabangon ako ng marinig ko ang boses ni police captain Jonathan salcedo, lumapit agad ako pinto ko at nilapit ang tenga ron

"Yes sir! Gagawin namin ang lahat para makakuha ng information, hayyst! Masyadong bigatin ang grupo na ito general mahihirapan tayong hulihin ang pinaka pinuno nila lalo nat, masyadong sagrado ultimong lugar o simple detalye hindi tayo makakuha",saad ni jonathan kaya napakagat labi ako,mukang si dad ang kausap nya

"Alam ko na iyon jonathan but please, do your best and you team para mahuli ang sindikato na yan, masyadong malakas ang pwersa nila at mas lalo yung lalakang kung patuloy silang nakalalaya",boses ni dad

'sindikato?? Hayysst! Paniguradong mahuhuli yan! Si Jonathan pa ba??',

"Yes sir! Una na ho ako",pinihit ko ang pinto at napatingin sa likod ni jonathan na pababa na, gusto ko syang habulin pero tumikhim si dad kaya lumingon ako sa kanya

"Daisy??",taas kilay na tanong ni dad

"Hmm? I heard about dun sa pinag uusapan nyo?? Sindikato??",palusot ko

"Ah! Yeah! Isang bagong case na hawak ng department, si Jonathan ang naatasan ko para dun

'mahuhuli agad yan! Hehehe',





Austrias pov

"Queen!!",napahinto ako sa pag simsim ng kape sa tinig ni mercy

"Yes?", kunot noo kong tanong

"May nagsabi sakin mula sa loob ng departamento! Mukang pinag iinitan ng mga pulis ang grupo natin",napahinto ako sa sinabi nito saka ngumisi

"Sa nangyare nunt nakaraan sa transaction hindi na ako magtataka",

"Eh? Pano yan? Baka malam-",

"Mercy relax! Malinis lahat ng record natin wala kang dapat ipagalala... besides may mga nagtratrabaho mula sa loob para satin",saad ko tumango ito at naupo sa harap ko

"Pero!?....baka pumalpak sila alam mo na, marami kang negosyo na legal pano yon? Pag nalaman nila na ikaw ang leader ng grupo damay yun",natawa ako sa sinabi nito

"Kahit isa sa legal na negosyo ko walang nakakaalam ng itsura ko..mercy",

"Ay oo nga pala! Pero kahit na naninigurado lang",

"Kumalma ka, kamusta si solely?? Umalis na ba?",

"Oo kakaalis lang",

"Ahh, akala ko ba sasama ka?",

"Psh! Yung omel na yan! Kung ano ano pinag sasabi kaya wag na lang",ngiwing ani nya

"Tsk",ngumisi ako, nakaupo lang ako at tanging nagbabasa ng libro ang pinag kakaabalahan ko

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon