CHAPTER 43

43 0 0
                                    


Mercy pov

*Bangg

*Banggg

"Sumuko na kayo!!", napatingin kami sa gawi ng isang lumilipad na helicopter na nakasunod samin habang may siniper sa gilid,

"Shit!",napamura ako sa inis,

"Iligaw mo! Hindi sila pwedeng makasunod satin!",saad ko sa nag papalipad ng jet, umikot ito pabalik sa, at saka naman sumunod ang mga pulis na pinapuputukan kami, nakipag palitan kami habang si queen ay nasa bungad, at iniiwas si sunny, na may tama ng bala, maya maya pa

"Queen!!!", napatingin ako sa gawi ni queen sa sigaw ni solely at omel, kahiy si sunny, tumungo ako sa gawi nila at don ay nakita ang nakabitin na si queen habang hawak nila solely at omel ang kanang kamay nito

"K-kumapit ka!!",saad ko hinawakan ko rin ang kamay nito, napaiwas kami dahil pinapuputukan kami, pero hindi ako bumitaw, at muntikan na rin akong mahulog mabuti at nahawakan ako ni omel, sa bewang, ngayon ay ako na lang ang may kapit kay queen dahil nga si solely at omel ay nakakapit at pilit akong itinataas tumatagilid din ang sinasakyan namin, napatingin ako kay queen ng dumausdos ang kamay nito sakin

"Q-queen!! K-kapit!!", nahihirapan kong saad, natatakot ako kinakabahan lalo na at konti na lang mabibitawan ko na sya, parang tumigil ang oras ngayon, at bumabagal ang pang yayare sakin

"Mercy",tinig ni queen, namuo ang luha sa mata ko,

"Q-queen! I-itataas kita! Kum-",

"Mercy",tawag ulit nito sakin, kaya natigilan ako at tumingin sa kanya,
"Salamat",saad nya, don ay tuluyang tumulo ang luha sa mata ko, at umiling

"Queen! M-mamaya na y-yan! I-itataa-",

"Hindi ko aakalain na mahahanap ko ang pag mamahak sa puso ko dahil sa inyo",saad nya, napalunok ako dahil nanlalabo ang mata ko dahil sa luha, dumadampi ang malamig at pagaspas ng hangin sa muka ko, at ang buhok ko ay humaharang sa bibig ko at hindi makapag salita
"Sa haba ng p-panahon nakita ko ang kabutihan sakin, yun a-ay ang h-hindi kayo mapahamak dahil p-pamilya ko k-kayo",nagsimulang mamuo ang luha ni queen
"Ako l-lagi ang inuuna n-nyo kesa s-sa sarili ninyo, ako ang pinag sisilbihan ninyo, ako lagi ang inaalayan n-ninyo ng b-buhay, kayo l-lagi ang nag sasakripisyo sa bawat misyon natin sa negosyo, k-kayo lagi...d-dahil lang sa ako ang leader ninyo",saad nya, sunod sunod na nagsibagsakan ang luha sa mata ko, lalo na sa sikat ng araw na tirik at nag rereflect ang sinag sa dagat,

"Q-queen!!",pag iyak ko sa sinasabi nya pakiramdam ko nag papaalam sya at nasasaktan ako ron ayaw ko!!

"M-maraming s-salamat dahil h-hindi kayo u-umalis sa tabi ko, hanggang sa huli, pero....sa n-ngayon hanggang dito na lang muna",saad nya natigilan ako at umiling iling

"N-no!! H-hindi!!",

"Me-mercy! B-bitawan m-mo na ako! Ako ang h-habol nila at ako ang pagtutuunan nila kesa sa inyo!",saad nya saka ngumiti

"Qu-queen!! N-naman eh!! H-hindi!! P-pano kami?? H-hindi ako papayag!! Hindi!!",sigaw ko habang humahagulgol at umiiling iling, sinubukan nyang kumawala pero hinigpitan ko mas lalo akong umiyak
"Q-queen!! H-hindi n-namin kaya!!",

"Kaya nyo",

"Q-queen!! K-kahit saang impyerno kahiy kamatayan!! H-hindi kami papayag na mawalay sayo!! P-pamilya tayo dba!?? Dapat sama sama!",saad ko, ngumiti sya sakin, habang tumutulo ang luha, ang ngiti na hindi mo makakakitaan ng saya, ngunit galak

"Alam k-ko! At m-masaya ako r-ron...but this t-time! I want to make it fair! Mercy! Kayo na lang lagi ang nag sasakripisyo...n-ngayon ako naman!",

"Kalokohan yan!!! N-no!! Hindi!! Walang mawawala satin!!",sigaw ko, saka sya pinilit iakyat, habang hinihila ako ni omel at solely

"Kung kalokohan ang iligtas k-kayo...masaya akong gagawin yon!!....p-paalam aking kapatid",halos tumigil ang pintig ng puso ko ng kusa nyang alisin ang kamay ko sa pagkakapit sa kanya, dahilan para mabitawan ko sya, nakaharap sya sakin habang tinatangay ng hangin ang buhok nya, at saka ngumiti, sakin papalayo kami sa kanya habang sya ay nahuhulog

"N-no!!!", sigaw nung tatlo na hindi makapaniwala sa ginawa ni queen, nakatingin lang ako kay queen na nakatanaw samin, habang kumakalabog ang ang sakit sa puso ko

"Salamat",pagbasa ko sa pag buka ng bibig ni queen bago ngumiti at bumagsak sa tubig, habang tuloy kami sa paglayo sa gawi nya, hinugot ako nung dalawa at tuloy sa pag hagulgol, ang nagawa namin nagwawala si omel at sunny na halos mamula ang muka habang ako ay tanaw sa tubig dagat na kanyang binagsakan





Austrias pov

Napaahon ako sa tubig pag katapos kong bumagsak saka ako sumisid sa isang pangpang, at don ay uubo ubong gumapang paahon, halos nanghihina ako dahil sa pakiramdam ko ay naiwan ang kaluluwa ko sa taas habang nahuhulog ako, hindi ko alam kung matutuwa ako nakita ko kung panong nasasaktan ang mga kasamahan ko, pero kailangan kung gusto ko silang iligtas, kailangan kong lumayo sa kanila, dahan dahan ang tumayo ng mamataan ako ng mga pulis mula sa helicopter na ngayon ay nag bibigay ingay at lakas ng hangin sa gawi ko, kaya naman nagsiliparan ang nga buhangin at napatakip ako ng muka bago dahan dahang tumayo at naglakad papasok sa isang mapuno, hingal hingal akong tumago sa likod ng puno dahil sa pamamaril sa gawi ko, tumingala ako ng may iba pa palang nasa himpapawid at nag simulang bumaraba don ang mga sundalo, at ang mga pulis, napailing ako

"Ganito ba ako kahalaga sa gobyerno?? Ang effort! Tsk!",saad ko pinunasan ko ang labi dahil nga tumama ang muka ko sa bato kanina sa ilalim ng tubig ng bumagsak ako, ay may dugo yon, basang basa ako kaya hinubad ko ang suot kong polo at tanging black na sando na lang ang suot at black na pants at boots, na basang basa rin, pinunit ko yon at pinag harang sa dalawa kamay ko sa buto para sa bakbakan na haharapin ko, saka ako tumakbo ng makabawi ng lakas

"Ayon!!!",sigaw ng isang sundalo na pinaputukan ako kaya naman mabilis akong umilag at tumuloy sa pagtakbo, napahinto ako ng may humarang sakin at tangkang paputukan ako ng hawakan ko ang katawan ng baril saka nakipag agawan bago sya sikmuraan, habang ang isa ay sinipa ko sa ere saka umikot at yumuko para patidin sila pareho, at sinapak sa magkabila nilang pisnge ng matumba sa lupa, dahilan para mawalan sila ng malay kaya naman kinuha ko ang baril nila at mga bala at siniksik yon sa katawan ko, bago ako umalis

*Bang

*Bang

Patuloy ako sa pagtakbo habang tuloy sa pagpapaputok sa mga kalaban wala akong inaksayang bala dahil lahat sila naasinta ko ng mabilis, akmang tatakbo ako ng may sumipa sakin dahilan para mapa daing ako sa sakit, at mapasandal sa Puno, umilag ako ng balak ako nitong saksakin ng mini knife na mula sa kanyang sapatos at ngingisi ngisi sakin

"Ganyan pala ang tunay na itsura ng queen?? Hahahaha sayang ang ganda mo pa naman",aniya, kaya ngumisi ako

"Tsk",saad ko sumugod ito at hinuli ko ang braso nito bago inikot ng inikot, bago sya ginawaran ng suntok at saka ako tumalon at inipit ang ulo nya sa dalawang hita ko, at ginamit yon para ibarag sya kasama ako at siniko ang muka nito, bago itarak mismo sa kanya ang kutsilyo, dahilan para tumalsik ang ilang dugo sakin, saka ko ito sinipa papalayo at tumayo, nagmasid ako sa paligid saka ako naglakad hawak ang baril at tumakbo ng tumakbo, tuloy ako ny tuloy putok dito, putok don, suntok dito suntok don sa mga humaharang at naglalakas loob na sumugod sakin, bago ako nakarating sa may pinaka dulo don ay nakakita ako ng kalsada, mukang ito ang highway malapit sa airport dito, natawa ako ng isiping sobrang layo ko na pala talaga

"Queen!!!!",tinig ni syn, sa isang sasakyan, napangiti ako buti at hindi nahuli

"Buti at hindi ka nahuli!",saad ko saka ako pumasok ron, nakatakip ang muka nito kasama ang ibang tauhan,

"Ayos ka lang?? Nakarating na yung apat sa hide out ayon sa tauhan ko ron, walang naka sunod",saad nya tumango ako at tumingin sa mga humahabol sakin, tumama ang paningin ko sa isang lalaki, na kung hindi ako nagkakamali ay ang lalaking tanga sa kalsada, ito nasa bungad ng helicopter at hawak ang pang sniper na baril at titiy rin sakin ngumisi ako, saka ito pinakyuhan

"Hindi ko akalain na ang tangang lalaking yon sa kalsada ay isang pulis! Tsk!",bulong ko kinunotan ako ng noo ni syn
"Paandarin mo na! Sa lugar na napag usapan! Nakahanda na mana siguro lahat dba?",saad ko

"Oo handa! P-pero d-delikado i-ito! S-sigurado k-ka queen?",

"Oo! Isa pa baka mapahamak ka kapag sumama ka pa sakin ngayon, gawin mo na lang ang sinabi ko kahit anong mangyare naiintindihan mo?",saad ko alinlangan itong tumango sakin

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now