CHAPTER 73

48 1 0
                                    

Chapter 161

Omel pov

"Ano ito general?",tanong ko ng makuha ang green envelope

"Kaso yan ng isang babae na pinatay 5 years ago, at inaalam pa kung sino ang may pakana, si Mrs. Hasly gunda mildred ay pinatay sa isang condo, kapapanganak pa lang nito sa isang batang lalaki na ngayon ay nasa pangangalaga ng malapit na kaibigan ng biktima na si Giovanni stereoli sa kanya na lumaki ang bata, pilit kaming nakikipag coordinate sa kanya pero ayaw nya sabi nya mas malalagay sa alanganin ang buhay ng bata, lalo pat hanggang ngayon daw ay hinahabol sila lalo na ang bata na nasa kanya, sinabihan namin siya na mas magiging delikado sila kapag hindi nakipag coordinate samin pero matigas ang babae, kaya naman ikaw omel ang mag hahawak nyan kailangan mong siguraduhin na ligtas ang babae at ang bata, medyo mahihirapan ka dahil sadyang ayaw talaga ng babae paniguradong dadaragin ka non oras oras at laging tatakas at tatakbo sayo",ngumiwi ako

"Nasa delikado ang buhay nila? Ano at ayaw pa sa pulis?",

"Dahil iniisip nya na tauhan kami nung humahabol sa kanya, ayaw nyang magtiwala, tinatanong din namin kung sino ba ang humahabol sa kanila pero ayaw nyang sabihin",saad ni general, napatango ako napatingin ako sa isang litrato na nakuha ko sa loob ng envelope

"Sino ito? Ito ba yung pinatay?",maganda ang babae malaanghel ang muka

"No! Si Giovanni yan",ngumiwi ako, kinuha ko ang litrato ng isang pang babae, maganda rin naman kaso mas maganda itong isa
"Yan si hasly gunda mildred",tumango ako

"Eh? Ito?",tanong ko kay general

"Yan ang anak ni hasly si reymark josh stereoli, ang batang yan ang dahilan kung bakit hinahabol ng mga suspect si Giovanni",tumango ako ang cute nung bata

"Sabi mo general? Five years ago ng patayin yung hasly? At kapapanganak lang? Ibig bang sabihin?? Five years old na itong bata?",saad ko

"Oo, katunayan ay nag aaral na sa kindergarden ang isang yan",

"Ohh!? Ayus ng daragin basta mahawakan ko ang cute na batang ito",saad ko natawa si general

"Jan magkakaproblema hindi papayag si Giovanni na mahawakan mo ang bata at walang tiwala at higit sa lahat, ayaw nyang mapalapit sa mga pulis",

"Lalong malalagay sa alanganin ang buhay nila kung mag mamatigas! Don't worry tatanggapin ko ang kaso general! Hindi ako papayag na mapahamak ang cute na batang ito",saad ko

"Ayus kung ganon! Sana at magawa mo omel",
"At solely?",





Solely pov

"General?", sagot ko ng tawagin ako nito

"Ito naman sayo",abot sakin ng isang red envelope, kaya kinuha ko iyon
"Yan ay isang kaso ng kidnapping, hindi pa nahahanap at natutukoy ang pag kakakilanlan ng mga kumuha sa unica iha ng mga vasquez noong nakaraang buwan at hanggang ngayon ay takot ang pamilya sa maaaring mangyare pa, makailang ulit na raw nakakatanggap ng threat ang pamilya, at ilang ulit ng tinakot at dinukot ang kanilang anak na nagkakaroon na ng trauma sa nangyare, takot na takot na at hindi na makalabas ng walang kasama, i need you to be her security guard hanggang sa malaman mo kung sino ang may pakana ng lahat ng yan sa pamilya, kailangan mo syang samahan kung saan sya pupunta, at protektahan sa tuwing may tatangkang dumukot sa kanya, isang negosyante ang mag asawa na yan kaya maraming motibo kaming nakikita, maaaring money for randsom o kaya naman ay kaalitan sa negosyo, pwede rin na kung sinong gusto silang pabagsakin? Marami at hindi malaman kung ano ang tunay na motibo, nag aalala ang mag asawa sa kaligtasan ng kanilang anak lalo pa at babae baka sa susunod na makuha ito ay iba na ang gawin",tumango ako,
"Isa pa sa problema ang babae ay hirap ng magtiwala sa kung sino, nagkaroon ito ng phobia na takot ng lumapit sa mga tao, hindi naman sa takot na takot pero hindi ito mapakali kapag sobrang daming tao, sya lang din ang pwedeng makapag sabi kung anong itsura at pagkakakilanlan ng mga suspect kaya kailangan mo talagang mapalapit sa kanya para malaman yon, makailang ulit na syang kinausap ng magulang na sabihin na ang lahat ngunit takot ito dahil sa pinagbantaan sya ng mga suspect",

The Hidden Daughter Of LuchavezWo Geschichten leben. Entdecke jetzt