CHAPTER 29

48 1 0
                                    


Marcial pov

"Bakit nyo naman pinalabas?? Ng hindi nag sasabi sakin??",inis na tanong ko sa guard ng gate

"Eh?? S-sir! Kasama po s-si manang ester! Eh! K-",

"Kaya nyo pinalabas?? Alam nyo naman na katatapos lng ng klase nung bata? At anong oras na ng lumabas sila! At hanggang ngayon wala pa?",saad ni olivia, kanina pa wala si erlyn sabi ng guard ay lumabas si erlyn kasama si manang ang mayordoma ng mansyon, ng hindi alam kung nasaan, at kung saan pupunta napahilamos ako sa muka, hindi na kami nakapag dinner sa pag aalala kay erlyn, anong oras na

"Hahahahaha oh! Sya!! Tara na pumasok na tayo! At panigurado akong pagod ka! Ang kulit mo kase eh!",tinig ni manang, maya maya ay bumukas ang gate at tumambad samin ang masayang muka ni erlyn na napawi ng makita kami, kasama si manang

"Saan kayo galing? Dis oras ng gabi?? Hindi pa kayo umuuwe?? At manang? Saan mo ba Pinag dadala ang anak ko? Bata pa yan! Pan-",

"Mom! Wala syang kasalanan..ako ang nag sabi sa kanya and besides...nandito na kami", natigilan kami sa sagot ni erlyn

"Erlyn? Saan kayo galing? At bakit ngayon lang kayo?",tanong ko

"D-dad! S-sa kaibigan ko po...k-kasama ko si manang pumunta ron k-kanina don na rin kami kumain ng gabihan! P-pasensya po kung hindi ako nakapag paalam",aniya pa, kumunot ang noo ko

"Sino ba yang kaibigan mong yan ha!! Erlyn?? At parang kung ano ano ang natututunan mo??",galit na sigaw ni Olivia

"Olivia! Nakau-",

"Ano erlyn?? Sin-",

"Wala syang kasalanan mom!! Bakit ba Pinag pipilitan nyo?? Pa!! Decision ko ang mag stay don ng matagal!", sigaw din ni erlyn na mukang napipikon, kaya kumunot ang noo ko lalo

"Talagang sumasagot ka na ha!! Yan ba! Yan ba ang natutunan mo sa kaibigan mong yan!! Ang sumagot sagot sakin!! Ha!",akmang sasampalin ni Olivia si erlyn ng pigilan ko ito

"Tama na! Olivia!! Hinahayaan kitang tratuhin ng ganyan si erlyn pero ngayon Hindi na!! Wag mo ng pag bubuhatan ng kamay ang anak ko! Olivia!",pagbabanta ko, nagulat ito sa ginawa ko kaya pabato kong binitawan ang kamay nya at humarap kala erlyn

"Manang, pumasok ka na sa loob, erlyn sumunod ka sakin!",saad ko tumango ito saka ako naglakad habang sya ay naka yuko at nakasunod lang sakin

'hindi sumasagot si erlyn kay olivia ngayon lang, at natutong mapikon bagay na hindi nya naman nagagawa noon? Sino ba ang kaibigan mo erlyn? Sino?',

May parte sakin na gustong gusto na makilala ang sinasabi ni erlyn na kaibigan nya, gustong gusto ko,





Austrias pov

Napahiga ako sa kama, saka naupo hindi ako makatulog, anong oras na Napatingin ako sa Veranda, at umuulan ron hindi kalakasan pero naririnig ko, kaya naman tumayo ako at hinarang ang kurtina sa glass door, para hindi ko iyon makita, nagbukas ako ng TV at napatitig sa tv show kung saan ininterview si shannel, nilipat ko iyon dahil sa inis, wala sa muka nya ang kapirasong parte ng muka ni mommy, sakto namang sa drama na kanyang ginampanan ang channel na nilipat ko kaya sa inis ko ay pinatay ko ang TV saka padabog na binalik ang remote saka pabagsak na nahiga sa kama,

"Ano ba talaga ang tunay na dahilan mo para ilapit sa akin si erlyn??....bakit kailangan nyang maging malapit at maging mahalaga muna sakin bago ko malaman ang lahat tungkol sa kanya??", pag kausap ko sa diyos
"Bakit? Kailangang mangyare ito? Anong dahilan mo? Alam mong delikado ang buhay ko! At hindi sya ligtas sakin...kaya bakit nyo pa sya nilapit sakin?? Bakit?? Gusto kong malaman ang sagot!", tanong ko puro tanong sa utak ko at kahit anong isip ko hindi ko alam kung saan kukuha ng tamang sagot para sa mga tanong kong iyon,

'hindi ko alam kung plinano mo ba ito o aksidente lang',

May bumabagabag sakin ngayong nalaman namin na gustong gamitin ni Eduardo si erlyn laban sakin? Nanganganib ang buhay nya, nanganganib sya at ayaw kong mabalitaan na may nangyare na kay erlyn bago ako makakilos, kung anong kaba ang Naramdaman ko iniisip ko pa lang na mararanasan ni erlyn ang naranasan ko sa murang edad, hindi ko na matanggap, halang ang bituka ni eduardo hindi nya matanggap na mas malakas ang pwersa ko kesa sa kanya, na hindi nya ako magawang lamangan at talunin lalo na sa negosyo, may ilang nagagalit na sindikato sakin na pilit akong kinakalaban at patuloy na hinahanapan ng butas, pero wala akong pakialam ron ang inaalala ko kapag nalaman nila na kapatid ko si erlyn paniguradong si erlyn ang pupuntiryahin nila,

'wag kang mag kakamali eduardo...wag na wag....baka ako mismo ang tumapos sa inyong buong angkan',

Kasing edad ni erlyn ang tatlong anak ni Eduardo at dalawang lalaki at isang babae hindi sila inosente dahil alam nila kung ano ang kanilang ama kasama pa nga sila nito sa transaction o kaya naman sa pagkanti sakin, ang asawa naman ni Eduardo ay ang walang alam sa lahat, hindi nya alam ang illegal na negosyo ng asawa at mas lalong hindi nya alam na kasama ang mga anak nya ron, tuso si Eduardo lahat gagawin nya sya lang ang mauna pero hindi sakin, kumuyom ang palad ko sa naiisip na pwedeng mangyare, kailangan kong unahan si Eduardo dahil kung hindi mas lalong manganganib si erlyn

'wala akong nagawa ng nasa panganib si mom non,...pero ngayon may magagawa ako para kay erlyn, tutal ako ang dahilan kung bakit nanganganib ang buhay nya',







Eduardo pov ( enemy ni queen)

"Ano kamo!!??",malakas na sigaw ko, halos bumalot iyon sa buong kabuuan ng mansyon wala dito ang aking asawa at nasa trabaho habang ang tatlo kong anak ay nakikinig sa pinadalang mensahe ni queen, mula sa kanilang tatlong tauhan

"Pinagbabantaan ba kami ni queen?",tanong ng aking anak na si sofia 

"Parang ganon na nga!..kilala nyo si queen hindi sya basta basta nag sasabi kung hindi nya kayang gawin",may pananakot ang tinig ng lalaki

"Wag masyadong matapang baka nakakalimot ka?? Andit-",

"At wag kaming pakialam ron pero kayo meron",nilahad nito ang isang cellphone sakin, at...napatayo ako ng makita ang aking asawa habang may nakatutok na baril dito mula sa malayo

"Anong!?? Wag ny-",

"Itigil nyo ang plano kung ayaw nyong madamay ang napaka INOSENTE mong asawa eduardo",saad ng lalaki saka ngumisi,

"Sige kami ay magpapaalam na",saad nila saka tumalikod, hinarangan sila nung tatlo kong anak kaya naman tumingin ang tatlong tauhan ni queen sakin

"Hayaan nyo silang makaalis",saad ko,

"Pero d-",

"Franco",saad ko wala silang nagawa kung hindi ay padaanin ang mga ito, saka umalis napaupo ako sa swivel chair at napasabunot sa aking buhok, bago mag buntong hininga

"Dad? Anong plano natin? Baka ituloy nila ang utos ni queen kay mom!!",tarantang saad ni nikko

"Oo nga dad? Eh! Kung kunin na natin yung erlyn na yon!",saad ni Sofia

"Hindi yon maaari sofia! Paniguradong may nakabantay na sa inyong ina at hindi yon mawawala kapag tinuloy natin ang plano, mag iisip tayo ng bago bagay na hindi na sya talaga makakawala",saad ko,

"Dad? Ano namang bago?? Eh? Kung sundan din kaya namin yung erlyn? Para fair!",asik ni franco kaya natigilan ako

"Hindi bat kasing edad nyo lang iyon??", patanong ko,

"Senior high school ang erlyn na yon",saad ni nikki, ampon namin silang lahat dahil walang kakayahang mag buntis ang aking asawa, at hindi naman namin pinag sisihan na inampon namin ang tatlong ito,

"Kung ganon? Kayo na bahala! Kailangang malaman ng queen na yan! Na patas ang laban para sa pagitan namin!",ngising saad ko, saka nag hawak sa aking baba

'hindi magtatagal ako na ang magiging numero unong si sindikato, ako na ang katatakutan ng lahat, sakin luluhod at hindi sayo queen! Hindi sayo!',

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now