CHAPTER 53

41 2 0
                                    


Marcial pov

Maraming nasa pader na nakasabit na picture frame, para akong pinipira piraso ng halos lahat yon ay ang anak ko kasama ang leonardo na sinasabi nila, nakangiti ang anak ko, mayroon din ng maging kasing edad nya si erlyn, na kayakap ang lalaki at ang iba naman ay may hawak syang baril at pawisan habang nakangiti, ang iba naman ay nakasandal sa magarang kotse, at nakasabit na medal sa kanya habang proud na proud ang muka ng lalaki,

'ako dapat ito',

Napakuyom ako ng kumalabog ang sakit sa dibdib ko, napayuko na lang ako ng makarating ako sa dulo nito, huminga ako ng malalim gusto kong kumuha ng kahit isang litrato na solo ang anak ko, kaya kumuha ako ng isang picture frame, napangiti ng kunin din ang edad ni daisy na hindi ko manlang nakita, mula sa pag eelementary nya hanggang sa mag high school at graduate ng college, ay kinuha ko, nagtaka pa ang nakakita,

"Marcial? Anong gagawin mo d-",

"P-pwede k-ko b-bang hingiin i-ito??",yakap yakap ko ang mga picture frame nagkatinginan pa sila,
"W-wala kase akong litrato ng anak ko sa g-ganitong e-edad eh! K-kaya sana g-gusto kong hingin??",saad ko, bumuntong hininga sila bago tumango

"Pakikiingatan nyo yan! Masyadong magagalitin si queen kapag nasisira ang gamit nya! M-mahal din ang frame nyan branded",saad nung mayordoma na nagpakilala kanina, ngumiti ako, tumingin ako kay manang,
"H-hindi ka ba babalik manang s-sa mansyon?",tanong ko,

"H-hindi ko s-sigurado general! B-balitaan nyo ko kay erlyn",saad nya, tumango ako

"N-nasasaktan ang isa kong anak manang n-nawawala k-kase ate nya eh!",pinigilan kong umiyak, kase baka magmuka akong tanga rito, pero traydor ang mata ko, lumabas ron ang tuloy tuloy na patak ng luha, bago kami umalis ay nakausap ko pa si manang, ng makasakay na sa sasakyan

"Ano namang pumasok sa kokote mo at hiningi mo pa an-",

"Olivia! Pwede ba!??",sigaw ko sa inis, natigilan ito
"Kahit ngayon lang! Wag mo kong pigilan!?? Anak ko yon!! At hindi ko manlang nasubaybayan ang paglaki nya! Kahit dito lang sa mga litrato! Maimagine ko sya!",sigaw ko, saka pinaandar ang sasakyan, naiinis ako lahat na lang ng kilos ko dinidiktahan nya pero hindi na ngayon, nawalan ako ng anak dahil nagpadala ako sa kanya noon, kahit dito lang sa litrato maramdaman ko ang presensya ng anak ko ng makauwi ay dumeretso ako sa taas, bitbit ang mga picture frame, at inayos yon, isa isa sa lamesa ko sa opisina, ngumiti ako dito bago hawakan, ang ganda ng anak ko, wala pa syang tattoo nito sa kaliwang mata, tumulo ang luha ko

"K-kung h-hindi b-ba kita pinabayaan a-anak ko?? B-buhay ka pa kaya?? P-patawarin mo si daddy", humagulgol ako ng iyak, habang niyakap ang litratong yon, mas dumoble ang pangungulila ko sa kanya, mas lalo akong nasasaktan, mas lalo akong nagagalit sa sarili ko,

'patawarin mo ko anak! Patawad!!',




Mercy pov

"What???",sigaw ko sa kabilang linya,

"May nakakita na isa sa kasapi sa mga tauhan nyo, kay erlyn kinuha raw nung anak ni Eduardo,

"Bakit?? Ano?? Nasan d-",

"Hinahanap na namin si erlyn, ngayon nagpakalat na ako ng mga tauhan ko para mabilis syang mahanap",napasabunot ako sa sariling buhok

"S-sige! Balitaan mo ko kapag alam nyo na kung nasaan si erlyn",saad ko

"Makakaasa ka mercy",saka nito pinatay ang tawag,

"Oh? Ano yon?? Ganyan itsura mo?",tanong ni sunny

"Tumawag si syn sakin, may nakakita daw sa tauhan natin non ang pagkuha kay erlyn",

"Pagkuha?? You mean?? Kidnapping??", paliwanag ni solely

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon