CHAPTER 26

48 1 0
                                    


Austrias pov

Nagising ako sa ingay ng alarm clock, kaya naman agad akong naupo sa kama at sumandal sa head board, napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog a
Kagabi pero hindi ko na tiningnan dahil nga medyo nahihilo na ako sa kalasingan ko, buntong hininga ko iyong kinuha, at binuksan pag swipe ko ay bumungad sakin ang sandamakmak na missed calls ni erlyn, meron ding messages

; Erlyn
—ate?? Andyan ka pa ba? Tulog ka na ba? Ate? Mamimiss na kita, sobra na kitang namimiss, pwede bang magkita tayo? Mag usap tayo sige na...ate tanggap ko kung sino ka kahit ano ka pa! Kung may nagawa akong hindi mo nagustuhan patawarin mo ko, kung mahina ako? Pasensya na rin ayus lang akin na mawala lahat wag lang ikaw.

; Erlyn
—ate?? Sagutin mo naman tawag ko oh! Sige na please...

;Erlyn
—ate jewer kahit isang yakap lang...tapos

; Erlyn
—lalayo ako kagaya ng gusto mo...basta payakap ako isa lang promise...aalis ako.

Pinatay ko ang cellphone ko saka ibinalik iyon sa mini table, napabuntong hininga ako, may kung anong bumigat sa dibdib ko nung nakaraan pa ito, kahit anong gawin ko sobrang bigat, napatulala ako sa kawalan bago Tumingin sa veranda, don ay nakita ko ang liwanag na papasikat pa lang at maaliwalas ang langit, tumayo ako at naglakad papalabas ng veranda, sumilay sakin ang sariwang hangin, na dumadampi sa aking balat,

'ate! Ang sakit ng tiyan ko!!!',

'ate! Punta tayo mall!! Tara!!',

'ate naman eh!!! Dale na!! Libot tayong mall!! Please!!!',

'ate nagugutom ako!! Kumakalam ang sikmura ko',

'kapag hindi mo sinabi ang pangalan mo ate na lang ang itatawag ko sayo tutal mas matanda ka kesa sakin',

'ako si erlyn!! Ikaw??',

Umalingawngaw sa tenga ko ang tinig ni erlyn, ang una naming pagkikita ng makita ko sya sa madilim na parte ng tunnel na balak gahasain ng mga kalalakihan?? Nagkataon lang ba?? O sinadya ng diyos?? Ang pag kakaroon ko ng magaan na loob para sa kanya ng panahon na kahit hindi ko kilala parang ang tagal ko na syang kasama...normal lang ba yon?? Napapangiti nya ako sa tuwing magkasama kami o kahit hanggang sa pag uwi ko? Panong nangyare yon?? Panong nangyare na batang yon na aksidente ko lang nakilala ay ang nakapag pangiti sakin ng totoo at hindi pilit....ang batang yon na hinayaan kong ituring akong ate....ang batang yon ang hinayaan kong kulitin ako ng mas kulitin, ang batang yon na hinayaan kong maging parte ng magulo at delikadong buhay...ang batang yon na hindi ko hiniling na ibigay ng diyos sakin pero....dumating...na hindi ko akalain na konektado sa napaka sakit na nakaraan ko,

"P-pano k-kong tatanggapin ang l-lahat mom?? Kung isa sya sa dahilan ng lahat lahat??",pabulong na tanong ko kay mom habang nakalagay ang siko sa veranda at nakatingin sa langit, umihip ang hangin sa muka ko na nakapag palipad sa ilang hibla ng aking buhok, huminga ako ng malalim don ay naramdaman ko ang agarang pag bagsak ng luha sa aking mga mata,

'hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan ganito kahirap',








Erlyn pov

Mugto ang aking mata ng magising sa ilang araw ko na kakauwi rito ay umiiyak ako lagi, namimiss ko na si ate jewer, namimiss ko sya ng sobra sobra, gusto kong yumakap ulit sa kanya, gusto kong sya yung maghatid sakin pauwi, ngayon ay wala si dad at mom kahit si ate daisy, si dad ay nasa trabaho habang si mom ay kasama si ate daisy para sa shooting nya sa next na gagampanan nya, tumayo ako saka humarap sa salamin mugto ang mata ko, naka uniform pa ako dahil kauuwi ko pa lang mula sa school, hinubad ko ang damit ko saka naligo, nang matapos ay suot ang komportable kong damit pambahay, ay lumabas ako ng kwarto kagaya ng inaasahan ay puro maid ang nakikita ko

"Ma'am, erlyn? Kumain na po kayo kanina pa po ka-",

"Hindi pa po ako gutom, pupunta po ako ron kapag nagutom na ako",saad ko nag alinlangan ito

"E-eh! Ma'am kabilinbilinan po kase ng da--",

"It's okay yaya, ako na bahala",

"O-okay po",saad nya saka umalis, naglakad lakad ako sa buong bahay, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang talaga hanggang sa makarating ako sa tapat ng office ni dad, bukas iyon, kaya naman dahan dahan akong sumilip, napatingin ako sa magkabilang hallway ng bahay at walang maid kaya naman pumasok ako don sa office ni daddy, madilim kaya binuksan ko ang ilaw, saka ako tumingin tingin sa kabuuan noon, may mga libro at maayos ang pag kakasalanlan, pero kusang tumungo ang sarili ko sa harap ng computer ni dad, kusa ko iyong binuksan at dahil wala namang password ay nabuksan ko iyon, napatingin ako sa batang babae na nakita ko noon dito nung tumungo ako dito sa office ni dad,natigilan ako saka nilapit ang tingin don, izinoom ko pa iyon para nakita ang kabuuan ng Muka at nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ito

"Ate jewer!!???",sambit ko, kamukang kamuka ni ate jewer ang nasa litrato, hindi ako pwedeng magkamali dahil ilang beses kong pinatitigan ang muka ni ate jewer na nasa kwarto nya ng namamalagi ako ron, may kung anong nabuong tanong sa utak ko at kaba,sa hindi malamang dahilan,

'kilala ba ni ate jewer si dad?? Bakit?? Pano?? Pero wala syang nababanggit sakin? Unless kung si dad ang nakakakilala kay ate jewer? Eh? Pano?? Sana nasabi na ni dad sakin, tutal Naririnig nya ang pangalan ni ate jewer kapag aalis ako kasama si ate...',

"Erlyn? Iha? Ikaw ba yan??",napatayo ako sa tinig ni manang ang mayordoma ng mansyon ni daddy, matanda tanda na ito pero malakas pa rin

"M-manang! Ah! May tiniti-", sumilip ito sa computer at natigilan bago tumingin sakin at ngumiti, natigilan ako ng may makitang naluluha luha ito
"M-manang?",

"Erlyn iha? Nasabi na pala sayo ng daddy mo tungkol sa batang yan?", kumunot ang noo ko

"P-po? Alin po?", inosenteng tanong ko napatitig ito sakin

"Ang batang iyan, kapatid mo sya hindi ba??",takang tanong nya na ikinakunot ng noo ko lalo

'si ate jewer?? Kapatid ko??',

"M-manang ano po ba sinasabi nyo? H-hindi ko po kilala ang b-batang ito!",saad ko,

"Ah! Ganun ba? A-ah e-h!! Kalimutan mo na lang yu-",

"Manang?? Ano pong kapatid?? Ito?? Bakit?",sunod sunod kong tanong

"D-daddy m-mo erlyn ang k-kailangang mag s-",

"Manang? Naman eh!",ani ko kinakabahan ako dahil si ate jewer yan! Eh!

"Erlyn! Ih-",

"Manang! S-sige na po",saad ko nagbuntong hininga ito

"Sige! Isara mo na iyang computer, at tumungo tayo sa kwarto mo baka may makarinig",kinabahan ako sa sinabi ni manang pakiramdam ko tuloy hindi maganda ang sasabihin nya sakin,sinunod ko ang utos nya sinara ang computer at ilaw bago kami lumabas ng office ni dad at mabilis na tumungo sa kwarto namin, pagkasara namin ng pinto ng kwarto ko ay nilock iyon ni manang bago tumungo at umupo sa tabi ko

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now