Chapter 64

45 1 0
                                    


Jonathan pov

"Kamusta ang ginagawa nyo?", pagtanong ni head

"Pare parehas lang sila sir ng sinasabi, lahat sila tinulungan ni queen",saad ko

"Yan din ang sinabi nung lima kanina? Hayyyss! Nakausap ko ang executive secretary ng presidente tutungo kami ron sa palasyo para pag usapan ang kaso",

"Sir?? May i ask?",tanong ko

"Yes? What is it captain salcedo?",

"Tingin nyo?? Makakalaya sila?",

"Hindi ko rin alam, ni hindi ko alam kung humahanga ba ako sa nalaman kong pagtulong nya sa kadaming taong yan! Pero...lumabag pa din sila sa batas, isa pa presidente na mismo ang mag dedesisyon hindi na ito idadaan sa Korte at kahit ang nga judge sa gobyerno ay isa sa mga natulungan hindi yon icocounted sa pag uusisa at paghatol",

"Nalaman nga rin namin yan sa report sir! Ang ilang scholars niya ay ganap na sa kursong mga kinuha",saad ko,

"Tama ka jan! Kahit ang iyong ama ay tumungo dito nag usap ba kayo?", nagulat ako

"H-hindi p-po? Dumaan sya dito?",

"Ah! Oo! Kahit sya ay nakibalita sa kaso, magaling na pulis ang iyong ama kahit sya ay nahirapan na masagot sa tanong na kung papalayain o ikukulong ang mga yon", tukoy dun sa lima hindi ako umimik, hindi maganda ang relasyon namin, at hindi yon lingid sa kaalaman ng iba dito
"Kayo ba ay? Hindi pa rin nag kakaayos?",tanong nito bumuntong hininga ako

"Wala naman p-po akong magagawa eh!",saad ko,
"Ah! Sir! May gagawin pa po ako! Permission to leave sir?",

"Of course",tango nito, saka ako lumabas para akong sinasakal sa usapang yon, natawa na lang ako ng mapakla,

'pumunta sya dito ng hindi man lang ako kinamusta?',






Erlyn pov

'kamusta na kaya sila ate?? Kumakain ba sila ng maayos?? Nakakatulog ba ng mahimbing??',

Inayos ko ang gamit ko saka bumaba ng kwarto, nakasalubong ko pa si mom, akmang iiwas ako ng hilahin nito ang braso ko

"M-mom",

"Wag na wag ka ng lalapit sa kriminal na yon! Naiintindihan mo!",giit nya, kumunot ang noo ko

"Bakit ko naman gagawin yon mom? Si ate yung andyan sakin nung mga araw na kailangan ko kayo",saad ko, natigilan ito at sumeryoso ang muka
"Kahit kailan hindi nya ako iniwan at hinusgahan kagaya ng ginagawa nyo! Kaya bakit ko sya lalayuan?",

"Makinig ka na l-",

"Bigyan nyo muna ako ng magandang rason mom!",saad ko,

"Dahil alam kong kukunin nya ang lahat ng satin! Kahit yung sayo! Gusto mo ba y-",

"May sariling yaman si ate, hindi sya magkakainteres sa yaman ni daddy isa pa? May karapatan sya dito tunay syang luchavez mom",saad ko, napapikit ito

"Makinig ka na lang sakin! Erly-",

"Hindi ko sya lalayuan hanggat walang magandang rason mom",saad ko, saka binawi ang braso ko, at lumakad papalabas, ganyan si mom lagi nyang sinasabi na lumayo ako kay ate, hindi ko alam kung dahil ba anak ni tita ayesa si ate, o kung dahil sa yaman?? Tch!

Bumaba ako at andon si dad at kumunot ang noo nito

"Oh? Ganyan ang muka mo?",

"Wala dad! Tara na!",saad ko pumasok ako sa kotse, at sumunod si dad
"Dad? Kailan uli pwedeng dumalaw kay ate?",tanong ko ngumiti ito

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now