CHAPTER 68

43 1 0
                                    


Jonathan pov

"Anong sa tingin mo ang desisyon ng presidente??", tanong ni shy, andito kami at nag babantay dun sa lima, na nag uusap usap

"I don't know!",ngayon na ang araw ng pag uusapan yon, kaaalis lang ng head para tumungo sa palasyo

"Hayyyssss!! Sa totoo lang kahit ako nahihirapan! Hamakin mo ba naman kase! Ah! Napagsabay nya ang pagiging masama at mabuti! Kakaiba!", tumingin ako kay queen
"Kung sakali man na makalaya yan?? Tingin mo magiging kaibigan natin?",bulong ni shy

"Bakit mo naman natanong?",inis na tanong ko,

"Wala naman!! Muka silang astig eh! Lalo na kapag magkakasama, alam mo ba kagabi napanaginipan kong kayakap ko si queen", napatingin ako kay shy, na nakapasimano, sa mesa at titig sa anak ni general umiwas ako ng tingin ng ngumiti ito na parang tanga

"Tsk! Sa lahat ng mapapanaginipan mo? Bakit yan pang sobrang corny!?", ngiwing tanong ko humalakhak ito

"Suuuusss!! Jonathan!! Wag ka ngang KJ aminin mo! Maganda ang anak ni general noh! Sus! Sya lagi ang topic ng kapwa pulis natin dito! Alam mo nung hinuhuli nyo sya! Gustong gusto kong sumunod tapos ako mismo ang magsasabi na sumuko sya then! Dahil gwapo ako sumuko sya!",

"Tigilan mo ang ka cornyhan mo shy! Masyado ka na atang puyat! Nakikita mo ba ang babaeng yan!??  Halatang may sariling mundo!", asik ko, nakapikit na naman kase ito habang nakaupo sa single sofa, habang yung apat ay nag uusap usap ni hindi man lang magsalita,

"Hayyyss!! Hahahahha KJ mo! Baka nakakalimutan mong tinalon mo ang kataas taas na helicopter pabagsak sa tubig kung saan sya bumagsak?? Para hanapin?",aniya, napaiwas ako

"Yun ay dahil anak sya ni general! Malaki ang utang na loob ko kay general shy!",

"Suusss!! Hahahaha alam mo ba na nakita pa sa screen yung pag dirty finger nya sayo?? Nun!?", nainis ako ng maalala yon

"Exactly! Shy? Pano mo nagustuhan ang ganong babae?? I mean?? She's wierd! At?? Parang lalaki kumilos!",asik ko, ngumiwi si shy

"Maganda man! Saka yun ang type ko noh! Ang galing nya kaya! Baka nga sa training natin maging pasado agad sya kung naging pulis sya eh! Baka nataasan ka pa nya ng rank! Hahahaha", pagtawa nito

"Tsk! Hindi naman maganda!",nanlaki ang mata ni shy

"Oy! Kamuka kaya niya ang dating asawa ni general! Maganda yon uyy!",

"Oh? Ano naman ngayon?",

"Edi! Parang sinabi mo na rin na pangit asawa ni general non! Halaka!! Sumbong kita!!",pananakot nya

"Tch! I mean yung ugali!!! Shy!!",

"Sus!! Ganyan ka rin naman!!",

"Aaiisshhh!! Shut up!",asik ko, natawa ito kaya mas lalo akong nainis,

'kahit kelan!!',

Napatingin ako kay queen na saktong nagmulat, tumama ang parehas na mata namin, nataranta pa ako kaya napaayos ako pero naalala ko hindi nga nya pala ako nakikita at transparent ang salamin tanging ako lang ang nakakakita sa kanya, habang sya parang salamin lang ang nakikita






Marcial pov

"General pinapatawag kayo ng head",napatayo ako ng tawagan ako dito sa sala ng palasyo, sumunod ako dito kagaya ng sinabi ng head, para sa desisyon

"N-ngayon na ba?",tanong ko tumango ito, saka ako tumayo at naglakad pasunod sa secretary ng presidente, hakbang papalapit sa pinto ng meeting area ay parang ang bigat, kinakabahan ako, Kaya ng buksan ng guard ang pinto ay nagbigay galang ito gamit ang kanang kamay sa noo, at ganon din ako, nagmabuksan ay don na ako kinabahan talaga ng husto,

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now