CHAPTER 40

40 0 0
                                    


Marcial pov

"Sigurado ka bang ito ang anak mo?? Marcial! Imposible na maging sindikato ang anak mo! At isa pa may sinusundan na akong babae na possible na anak mo!! Yung DNA na lang ang inaantay Kong mangyare!",

"Pero! Hindi ako p-pwedeng magkamali!! Sya yan!! Sya yung babaeng nakita ko sa sementeryo!",saad ko

"Hayyyss! Marcial! Naprapraning ka lang! Hindi yan si daisy!! Maniwala ka sakin!",saad nya, napahawak ako sa dibdib dahil hinala ko na anak ko nga sya, ng makita ko ang litrato kumalabog ang kaba sa dibdib ko
"Marcial! Gawin mo na lang ang trabaho mo! Babalitaan kita dun sa sinusundan ko okay!? Example na lang ng DNA nya ang kulang!",ani nya, tumango ako, ng matapos ang usapan namin ay tumungo na ako sa sasakyan, napasandal ako sa upuan dahil hindi pa rin ako mapakali, hanggang sa tumunog ang cellphone ko

"Yes??",

"General! Nalaman namin ang ibang location na sabi dito ay drug laboratory, naitawag na namin sa department don, at agad daw nilang pupuntahan",tinig ni jonathan napakuyom ako

'naprapraning ka lang! Marcial!',

"Sige! Papunta na ako jan sa quarters, dun sa hinala na leader ng sindikato? Anong balita?",

"Minamanmanan na alam na kung saan nakatira, nalaman naming malapit ang apat sa taong ito",

"G-ganon ba?? Sige!",saad ko at pinatay ang tawag, bumalik ang imahe ng babae sa isip ko, at napapikit

'pano kung sya nga ang anak ko?? Pano kung sya si daisy??',

Napalunok ako ng isipin na ako na naman ang maglalagay sa alanganin sa kanya, pulis ako at isa syang sindikato? Pero??....napasapok ako sa muka sa inis sa sarili, may parte sakin na naniniwala na si daisy yon, pano kung hindi??

'kung sakaling sya nga ang anak ko? Kinakailangan ko na namang pumili, anak ko ba o?? Ang sinumpaang layunin sa bayan??',









Mercy pov

"Queen!!!! Urong,!! Masyado silang marami!!", sigaw ko habang pinapaulanan ng bala ang mga pulis, andito kami sa isang drug laboratory namin dahil nakatanggap kami ng tip na sunod sunod na nirade ng mga pulis ang mga laboratory namin, at kailangan naming alamin ang nangyayare, pero minalas dahil kahit ito ay irarade din,

'pano nila nalaman ito!???',

Masyadong sagrado ang lahat ng properties ni queen, karamihan sa nakakaalam ay ang mga kapwa sindikato, napailing ako saka tinadyakan yung sumugod bago ko paputukan napatingin ako kala omel at sunny pati kay solely, na nakikipagpalitan rin ng putok sa mga kalaban

"Namatay na ang karamihan sa tauhan natin queen!! Hindi kakaya-- ahh!! Kakayanin!",

"Sunny!! Ayos ka lang?",agad na tanong ko ng umangil ito ngumisi ito saka ako tinanguan

"Oo!! Ayos lang!! Muntikan yon!! Tsk!!",iling nya, umurong kami pabalik sa daan patungo sa yate,

"Queen!!!!! Dito!! Bilis!!",sigaw ni mr. Syn habang nakatakip ang muka, sikat na negosyante si syn kaya hindi sya pwedeng makilala,

"Mauna na kayo mercy!!", sigaw ni queen!

"No!! Sabay saby tayo!", saad ko

"Kayo!! Umurong na kayo!! Dali! Sakay sa yate!! Tara na!", sigaw ni omel, kaya nagpasabog ako ng bomba para naman makaurong kami, habang si queen ay tinapunan niya ang kalaban ng smoking bomb! Kung saan ay nag usok ang nasa unahan dahilan para mahinto ang kalaban sa kapal ng usok na lumabas ron, umurong kami hanggang sa makalapit sa yate at dali daling sumakay don

"Paandarin na!! Bilis!!",utos agad ni syn, dahan dahang umandar ang yate, pero nag papalipad pa rin kami ng bala sa kabila, dahil pinapupitukan kami nito kaya naman pumasok na kami ron, tumingin ako sa kasamahan namin, masyadong marami ang nalagas, kokonti na kami rito, pawisan kami pare pareho at madudungis gulo ang ayos na buhok at may daplis ng dugo dahil nakipag palitan ng kamao kanina, ng makalayo ay nakahinga kami pare pareho,

"Lintek!! Sino naman ang mag titip nito sa pulis? Sagrado ang lahat ng lab natin!",asik ni solely, at napasabunot sa buhok

"Mabuti at naisipan mo syn na sumunod dito!",saad ko

"Yun na nga! Tinawagan ako ng tauhan natin sa loob na balak itong lab na ito pasukin ng pulis! At nalaman konh dito kayo pumunta sa tauhan ninyo! Kaya agad akong sumunod pasensya at huli ako ng dating",saad nya,

"Sakto lang ang dating mo!", napatingin kami kay queen, na kagaya namin ang itsura, hindi maipinta ang muka nito paniguradong iniisip nya ang mga namatay na tauhan natin

"Shit!! What??", napatingin kami kay omel na may kausap sa cellphone, at napahilamos sa muka

"Why?? Anong nangyare?",tanong ni sunny

"Queen! Ang ibang lab natin sa north at south! Lahat na natimbog! Wala ng natira maliban sa isa!",saad nya napalatak ako sa noo at napasuntok sa hangin sa galit

"Pano nila nalaman yon?? May traydor ba sa grupo??",tanong ni sunny

"May nakapag sabi sakin! Na may nag bigay na kompletong detalye sa department nila! Sa labas ng pinto at isa ron ay sa general mismo binigay ang info about kay queen! Hinala ko si Eduardo ang may kagagawan nito",saad ni syn, na seryoso, napakuyom ako

"Sinasabi ko na nga ba eh!! Lintek! Na Eduardong yan!!",saad ko

"Shit!! Now what?? Hindi na ako magtataka kung kilala na nila tayo!? Ano? Anong gagawin natin!?",tanong ni omel

"Syn?? Yung mga tauhan at kasambahay sa mansyon? Nasan na?",tanong ni queen

"Naitransfer na sa hide out kanina lang! Tinawagan ko ang tauha ko para itransfer agad sila paniguradong pati sila madadamay!",

"Wala bang nakasunod?? Mamaya nyan yan naman a-",

"Wag kayong mag alala tahimik kong ipinautos yon! At isa pa walang alam ang lahat don maliban sa atin at sa ibang tauhan natin!, Safe sila ron!",saad ni syn

"Si erlyn?? Hindi kaya madamay sya? Baka galawin din sy-",

"Nag utos na ako na mag papaalam sa bata ng nangyayare kagaya ng sinabi ni queen hindi lingid sa kaalaman ng bata kung sino kayo kaya naman tauhan ko na ang bahala! Sa bata",saad nya,

"Shit!! Ano ganito na lang?? Pag ako nakabalik talaga! Tatapusin ko ang eduardong yan!!",gigil na saad ko

"Wala tayong lusot dito...ang tanging magagawa natin...ay lumaban",saad ni queen,
"Dalhin mo kami sa lugar kung saan kami pwedeng magtago wag sa hide out baka matupong yon madamay ang iba!",saad ni queen at tumayo, alam kong namomoblema rin sya, wala kaming magawa kung hindi maging alerto, saka ako napahilamos sa muka, naglinis kami ng sarili, saka suot ang maskara ay bumaba kami ng yate, at tumungo sa dating bahay ni syn, na abandonado na,

"Sigurado ba kayo dito??",saad ni syn

"Oo! Isama mo ang natitirang tauhan namin! Sa hide out make sure na hindi sila mababawasan at hindi kayo masusundan",saad ni queen na blangko ang muka

"O-oo p-",

"Palitan mo ang yate mo, baka makilala yan! Iiwan mo dito may yate sa tabing port ng lugar na ito kunin mo yun ang gamitin mo",putol ni queen sa sasabihin ni syn, na tumango na lang, nakapag bihis ng pag civilian ang mga tauhan namin, kagaya ng utos kanina ni queen habang nasa yate, saka sila umalis ngunit iwan ang yateng ginamit namin bago tumakas, naglakad kami papasok don, na may harang pa na sira sirang kahoy, kami na lang lima dito, saka kami pumasok don may taklob na puti ang mga gamit at maalikabok pero pwede na, naupo ako sa sofa

"Queen? P-pasensya n-na!? H-hindi k-ko ag-",

"Wala kang kasalanan! Wag mo ng intindihin",saad ni queen, kay omel na napayuko, lahat kami hindi inaasahan ito masyadong mabilis masyadong biglaan ang pang yayare,

'sa isang iglap naging ganito?? Pano na?? Ito na ba ang katapusan namin?? Ang katapusan ng grupo? Pano na ang sinusuportahan naming foundation para sa nga taong magkakaron ng magandang buhay?? Pano yung mga naiwang pamilya ng mga namatay naming tauhan?? Pano?? Pano sila??',

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon