CHAPTER 35

40 1 0
                                    


Olivia pov

"Pinayagan mo sya?? Marcial naman!! Hindi pa natin kilala yung kaibigan na sinasabi nya! Pano kung masamang tao yon?",inis na sambit ko, pinayagan nitong matulog si erlyn sa bahay ng kaibigan na sinasabi nito

"Olivia! Kilala natin si erlyn! Alam nya kung s-",

"Yun na nga eh!! Si erlyn yon! Halos lahat ng nag papakita ng mabuti sa kanya akala nya mabuting tao na! Pano kun-",

"Enough!!!",sigaw nya kaya natigilan ako
"Nakita ko kung gaano kasaya ang anak ko habang kasama at binabanggit nya ang kaibigan na sinasabi nya, at ayaw ko yong kunin at bawiin sa kanya dahil sa haka haka mo",

"Marcial!! Kapag may nangyar-",

"M-maam??",Napatingin kami sa mayordoma ng mansyon, ng sumingit ito

"What!?",asik ko, alam ng nag uusap kami ng asawa ko sisingit singit

"May kailangan ka manang??",saad ni marcial

"A-ah? Sir??",nag aalinlangan ang mata nito at parang may gustong sabihin

"Manang? Bilisan mo! Nag uusap kami oh! Nakaka ist-",

"Olivia! Ano ba??",saway ni marcial kaya napaikot ako ng mata at nag cross arm
"Manang?",

"Ah? S-sir? Natatandaan n-nyo po b-ba yung?? Si daisy??",natigikan ako sa tanong nito, kinunutan ko ito ng tanong

'the hell?',

"Bakit mo natanong?",naging seryoso ang boses ni Marcial napakuyom ako

"E-eh? Kas-", tumingin si manang sakin

"What? Say it?",pinandilatan ko sya ng mata

"Kas-.....i-itatanong ko ho sana kung may b-balita na sa paghahanap sa kanya?? Ang tagal na po kase eh",ani nya,

"W-wala pa", sagot ni marcial umiba ang expression ng muka nito, saka ito napayuko
"S-sige na! Olivia! Mamaya na tayo mag usap umalis ka muna sa office ko go!",utos nya, umangal pa ako kaso wala akong nagawa lumabas kami, inis kong tiningnan si manang na may dalang walis

"Ano bang trip mo? At nagtanong ka ng ganon?? Ha?? Matagal na yon! At bakit ba hindi mo makalimutan!??",inis na singhal ko dito dahilan para mapatigil ang ibang maid at sumulyap sa gawi namin

"Eh? Ma'am? Alaga ko po ang batang iyon!, K-",

"The hell i care?? Wag na wag m-",

"Eh! Bakit po ba kayo nagagalit? Hindi bat? Sa inyong dalawa ni daisy eh, sya ang may mas karapatan dito?? Kabit k-",sinampal ko ito

"Katulong ka lang dito! Kaya ayusin mo ang pananalita mo! At wala ka ng magagawa, ako ang pinili ni marcial kesa sa daisy na yan! At ayaw ko ng maririnig ang boses mo! You're fired!!!",sigaw ko natigilan ito saka ngumiti

"K-kung ganon! L-lubos ko iyong tatanggapin!",aniya saka ako nilagpasan napataas ang kilay ko, saka ako naglakad pabalik sa kwarto at don pinakawalan ang galit, ang expression ng muka ni Marcial kanina alam ko na nag sisi sya sa naging desisyon nya, lingid sa kaalaman nya na alam kong andon sa computer nya ang litrato ni daisy, at gabi gabi nya yon iniiyakan,

'mahabang panahon na yon! At hindi ka na babalik!',

Kapag bumalik si daisy alam kong sa pagkakataong ito sya na ang pipiliin ni marcial at hindi yon pwede! Mawawala samin ng anak ko ang karangyaan na ito, mawawala sa amin ang lahat lahat

"Hindi ako papayag non!",







Manang pov ( mayordoma)

Maluha luha at nakangiti akong nag liligpit ng gamit ko sa aking bag,

"Manang! Bakit mo naman ginawa yon?? Ayan tuloy",ani ng kasamahan ko

"Mag sabi tayo kay sir!",

"Hindi!",akmang aalis sila ng pigilan ko sila, saka ako ngumiti
"Wag! Masaya ako at ginawa yon ni ma'am",ani ko natigilan sila

"Manang? Saan ka naman pupunta?? Ito na ang bahay mo! Wala ka ng ibang pamilya!! Pano ka? Sa-",

"Meron pa!",ani ko,

'ang alaga konh si daisy!',

Ng malaman ko kay erlyn na si daisy ang sinasabi nyang ate jewer, gustong gusto kong maging katulong sa mansyon nya, ang pah silbihan sya ulit ang alagaan sya ulit, ang gusto ko

"Manang? Kanino naman po?? Manang sinasabi nyo yan para h-"

"Tumigil nga kayo! Ayos lang ako! Saka isa pa hindi naman ako lalayo eh! Kaya wag kayong mag alala",

"Manang panon-",

"Shhh! Tama na! Kagustuhan ko rin ito! At....babalik din kami",saad ko

"Kami nino?",

"Ah! Basta!! Sige na tapos na ako aalis na ako ah!",saad ko at binuhat ko ang bag ko ngunit pinigilan nila ako at malungkot akong tiningnan kaya ngumiti ako, ayaw ko silang iwan ngunit namimiss ko na ang alaga ko, kulang ang yakap ko sa kanya non kaya gusto ko sya ulit mayakap, at gusto kong mag kaayos sila ni general alam ko kung gaano kamahal ni general at pinag sisisihan nya ang ginawa nya noon, alam kong hindi magiging madali pero nangako ako non kay ma'am ayesa ng makaalis si dais dito, na babalik ang mag ama sa dati

"Maraming salamat sa inyo pero... kailangan",ani ko, pinunasanan nila ang luha saka ako niyakap, hinatid nila ako sa gate, saka ako ngumiti, binigay nila ang ilan sa ipon nila pero tinggihan ko iyon, madilim dilim na at nag lalakad akong mag isa aa kalsada, matanda na ako kaya mabilis mapagod pero sa tuwing iisipin ko na mag tratrabaho ako sa mansyon ni daisy ay lumalakas ako, natatandaan ko ang daan dahil hindi ko makakalimutan ang araw na nag punta kami ron ni erlyn, maya maya pa ay may bumusina

"Manang?? Kayo ba yan??",tinig sa likod kaya lumingon ako at napangiti ng makita ang mga kaibigan ni daisy sa sasakyan

"Manang Gabi ba ah! Bakit kayo nag lalakad mag isa? Saan kayo pupunta?",bumaba sila sa sasakyan at kinuha ang bag ko

"Ah! Tutungo sana ako kay daisy! P-pinaalis ako ni ma'am Olivia sa mansyon eh! W-wala na akong pupuntahan",ani ko natigilan sila bago nagkatinginan

"Sa tanda nyong yan? Pinaalis kayo ng babaeng yon?? Bakit?",saad nung omel kung hindi ako nag kakamali

"Nag tanong kase ako kay general kung may balita kay daisy, alam ko kung nasaan si daisy pero...kadalasa ko yung tintanong sa kanya Baka maghinala kapag hindi na ako nagtanong sakto namang andon si ma'am olivia",ani ko

"Ahhh!! Ganon po ba? Nagtanong lang naman pala eh? Bakit kayo pinaalis?",ngiwing tanong ni mercy

"Ayaw nyang nababanggit ang nakaraan sa mansyon takot sigurong masapawan ng tunay ang peke nyang anak",ani ko natawa sila

"Haayyy!! Manang! Mukang magkakasundo tayo! Tara sabay na kayo samin! Delikado sa daan lalo na at madilim na!",inakay ako nung omel, sa sasakyan kaya sumakay ako bago nila inayos ang gamit ko sa likod ng sasakyan

"Salamat sa inyo!? S-sya nga p-pala? Tingin nyo? Tatanggapin ako n-",

"Naku! Manang! Syempre naman! Ang isang yon! Napakabait ng puso yun nga lang bibihira",

"Hahaha! Oo nga manang! Im sure tatanggapin ka ni queen! Besides hindi ka iba sa kanya",saad ni nung sunny, hindi ko makakalimutan ang mga taong ito lalo na at kakaiba sila

"Kung ganon eh? M-magiging kampante ako matagal na rin ng siyay pah silbihan ko",

"Yun naman pala manang eh! Kaso lang...wag nyo syang tatawaging daisy!? Hehehe",ani ni solely

"Sanay ako sa pangalan nya ano bang pwedeng itawag sa kanya?",

"Naku! Manang kahit jewer o kaya naman queen! Wag lang yung dating pangalan nya",ani nung sunny

"Naiintindihan ko",saad ko, saka ako huminga ng malalim makukulit ang apat dahil hindi nawawala ang bangayan sa kanila, kahit andito ako ay para akong bumata sa katatawa sa biruan nila

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang