CHAPTER 25

46 1 0
                                    


General Marcial pov

Hindi ako mapakali dalawang araw ng hindi umuuwi si erlyn nag aalala na ako sa kanya, tumulong na rin ang kapulisan para mahanap ang anak ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyareng masama kay erlyn, pero maya maya ay

"Sir! Sir!! Sir!! Si ma'am erlyn andyan na!", sigaw ng maid kaya napatayo ako agad, nakasalubong ko si olivia na dali daling bumaba, napahinto kami parehas sa hagdan ng makita si erlyn, libo libong kutsilyo ang naramdaman ko na tumutusok sa puso ko ng makita ang itsura ni erlyn, pulang Pula ang mata, ang tungko ng ilong ay Pula Rin, mugto at humihikbi hikbi pa, gulo ang buhok at naka pantulog pa, hindi ganyan ang suot nya ng umalis, marahil ay nakitulog sa kaibigan na sinasabi nya, dahan dahan akong bumaba at lumapit kay erlyn na tulala sa sahig, saka naman namuo ang luha nya at nag uunahang tumulo yon,

"E-erlyn a-anak",sinubukan ko syang hawakan sa pisnge pero umiwas sya, patuloy ang pag hikbi nya

"A-anak? A-anong nangyare sayo?? B-bakit ganyan ang itsura mo??",nag aalalang tanong ni mom, walang ano ano ay naglakad papalagpas si erlyn samin, sinundan namin sya ng tingin,

"Erlyn",pagtawag ko dito pero hindi ito lumingon tanging pag galaw ng balikat nya ang nagpapahiwatig na umiiyak pa sya lalo, dahil narinig namin ang mga pigil na hikbi at hagulgol nya saka sya tumakbo pataas, hinabol ko ito pero ng makarating sya sa kwarto nya ay sinara na nya ito saka nilock
"E-erlyn a-alam kong galit ka kay daddy p-pero sana m-mapatawad mo ang daddy kung n-nasaktan ka nya ha! E-erlyn?? A-anak ko??", pinigilan kong humikbi ng maalala ang itsura ni daisy non habang Pinapalayas ko dito, at ang itsura nya habang dala dala ang maleta at bag at papalabas ng gate ng mansyon, ang batang maliit at walong taong gulang ay pinalayas ko ng walang mapupuntahan habang umuulan at nasa kalagitnaan ng gabi, ang mapula na ilalim ng mata nya at tungko ng ilong, at ang mata nyang pinaka malungkot sa lahat ng oras na yon, na naging bulag ako ay parang si erlyn ngayon, kinatok ko ang pinto nito pero hindi ito sumagot
"E-erlyn!",bulong ko habang kinakatok ang pinto nito,isinandal ko sa pinto ang aking noo habang nag babadya ang sakit sa puso ko, alam kong wala akong karapatang masaktan dahil ako ang nag desisyon non, pero iniisip ko ang naramdaman ni daisy non sa ginawa ko ay nasasaktan na ako,

"Marcial! H-hayaan n-natin muna sya siguro! K-kausapin natin sya mamaya",tinig ni Olivia umiling ako

"A-anak?? K-kausapin mo si daddy oh!! P-please!??",saad ko, habang kinakatok ang pinto pero wala hindi pa rin tumugon si erlyn, kaya naman tumungo ako sa office at tinawagan si jonathan

"General hi-",

"Jonathan, s-she's here! Nakauwi na sya! I-ipatigil mo na ang p-pag hahanap p-pasensya sa abala",

"It's okay sir! Ligtas naman po si erlyn dba??",

"Yes! Jonathan but... she's not feeling well, h-hindi nya kami iniimikan",

"Baka nabigla lang sir, don't worry kapag nakapunta ako dyan, pwede ko syang kausapin besides parang kapatid ko na si erlyn",

"Salamat jonathan, ipagpatuloy nyo na ang trabaho ninyo, pasensya ulit sa abala",saad ko,

"You're welcome sir! It's okay",pinatay ko ang linya at buntong hininga na umupo sa swivel chair at binuksan ang computer ko, nakatitig lang ako sa litrato ng anak kong si daisy, na nakangiti at masayang masaya, kami ni ayesa ang kumuha ng litratong yan, may bumigat sa dibdib ko ng maalala ang ginawa ko, nag init ang mata ko at saka ko iyon pinunasan

'daisy? Anak??  N-nasaan ka na??, M-magpakita ka n-naman kay daddy oh! M-miss na miss na kita! G-gusto na kitang yakapin anak ko! Miss na miss ka na ni daddy',

Tumulo ang luha sa mata ko kaya naman napatingala ako, kung maibabalik ko lang sana, sana mas pinili ko ang anak ko, sana andito sya ngayon nakayakap sa likod ko at nangungulit at nangingialam ng mga gamit ko sa lamesa, at takbo ng takbo sa harap ko, o kaya naman tanong ng tanong, kagaya ng ginagawa nya noon ng maliit pa hindi mapaglagyan ang kakulitan, o kaya naman sana nakita ko syang mas lumaki pa kagaya ni erlyn ngayon, nakita ko kung paano sya nakapagtapos at kamitin ang pangarap nyang maging artista kagaya ng mommy nya, pero?? H-hindi na pwede...





Sunny pov

Sa pag hatid namin may erlyn, ay mahihimigmigan ang katahimikan sa buong mansyon, lalo na sa aming apat, naaawa ako kay erlyn, sa kabila ng nakita nya mas gusto nyang mag stay dito kasama si queen na lingid sa kaalaman nya na kapatid nya talaga, ang iyak at pagmamakaawa nya samin ay alam kong totoo, napatingin ako kay queen na tahimik na sumisimsik ng alak, sa may gilid ng pool, kahapon pa sya ganyan sobrang tahimik personality na nya yan alam ko pero mas tahimik sya, tulala lang sa pool at ang lalim ng iniisip, nag kasabay sabay kase nag plaplano sila Eduardo ayon kay mr. Syn at dahil nga nailigpit na ang mga tauhan nya dito nung isang araw kung kailan ay umalis si erlyn dito, ay mukang nagbago ang plano nila, isa rin sa kinakatakutan namin baka madamay si erlyn lalo pa at bata ngayong nalaman namin na kapatid nga sya ni queen Baka sya pa ang gamitin ni Eduardo na alas laban kay queen kapag nalaman nya ang tungkol don, kaya mas mabuting kaming lima lang ang nakakaalam tungkol ron, kung  kaligtasan ni erlyn ang pag uusapan mas mabuti ng malayo sya samin lalo na kay queen dahil kahit hindi alam ni eduardo na tunay na kapatid ni queen si erlyn ay paniguradong magagamit nya pa rin si erlyn na alas dahil malapit sya kay queen, naglilibot ang mga tauhan namin sa labas at baka may nagmamanman sa buong paligid mapaumaga o gabi

"Kahapon pa syang ganyan! Ni hindi man lang umimik",saad ni omel tukoy kay queen, nasa pinto kami ng palabas para sa garden kung nasaan ang pool at nakaupo sa gilid non si queen, na sumisimsim ng alak at blangko ang muka, nag buntong hininga kami

"Walang magagawa ganyan na sya eh!",saad ko

"Hindi natin sya masisisi lalo pat alam natin ang dahilan kung bakit!? Kung ako ang nasa kalagayan nya...baka hindi ko kinaya syempre daddy ko yun eh!",saad ni solely

"Hindi ako makapaniwala na sa murang edad, naranasan nya yon",saad ni mercy

"Oo nga eh! Hamakin mo eight yeard old! Tsk! Ni hindi man lang pinaabot ng sampo bago iparamdam yon!",banat ni omel

"G*go!!!", sabay sabay naming tatlo nila mercy at solely na banggit

"Hahahaha biro lang! Pero seryoso ah! Naaawa ako kay erlyn wala syang kaalam alam na ate nga nya itong si queen",

"Oo! Tapos! Kung ipagtabuyan mo! Naku! Omel! Kung hindi mo ba naman ibinaba si erlyn sa bodega nung isang araw baka andito pa yun! Sana may kakwentuhan akong matino!, Buset ka!",asik ko natawa ito

"Hahahahaha pero bilib din ako kay erlyn ah! Hamakin mo sa kabila ng nakita at nalaman nya sa katauhan ni queen mas gusto nyang mag stay dito! At hanggang ngayon hindi man lang tayo sugudin ng mga pulis",nakakalokong saad ni omel

"Hiniling mo pang hayup ka!",singhal ni solely humalakhak si omel

"Masyado kayonh seryoso! Hindi yon mag susumbong si erlyn! Suuss!! Masyadong mahalaga si queen sa kanya kaya malabong ipahamak nya ang ate nya",

"Pano ka nakakasigurado omel? Sige nga!",hamon ni mercy

"Hahahaha simple lang...dahil magkadugo sila, may parehas silang dugo na dumadaloy da katawan nila, kaya konektado sila,kung sa madaling salita, lumulukso ang dugo nila sa isat isa malayo man malapit",saad ni omel

"Panong lumulukso??",takang tanong ni solely

"Nasugatan sila parehas ni queen tapos ayun! Lumukso yung dugo! Like!! Wooosshh pew pew!! Ga- araayyy",asik ni omel ng batukan sya ni solely

"T*ngina ka! Bakit kapa pinutok ng tatay mo sa puson ng nanay mo!! Sana sa kumot na lang na punyawa ka!!!",singhal ni solely na napikon sa sagot ni omel, kaya natawa kami ni mercy para kasing gustong isumpa ni solely si omel

"Bwahahahahah! Kung sa kumot ako pinutok walan gwapo satin!",

"Yaakkkss!! Omel?? Alam mo ba ang sinasabi mo??",taas kilay na tanong ni mercy

"Hahahaha oo! Ako pa ba??",nag mamalaki na ani ni omel saka tumawa, inis syang tiningnan ni solely saka sya sinipa

"Lumayas ka nga dyan!! Muka kang sperm na kulang sa aruga!!",asik nito kaya natawa kami

"Hahahahah atleast gwapo p-",

"OMEL!!!!",asik ni solely kaya natawa kami lalo, dahil nag habulan ang dalawa sa buong sala

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon