CHAPTER 24

56 1 0
                                    


Mercy pov

Napaiwas ako dahil sa katangahan ni omel, gusto ko syang sapakin, sa inis, bata pa si erlyn at gusto nyang ligpitin namin?? Nagkatinginan kaming tatlo saka masamang tiningnan si omel na kumunot ang kilay saka umiling, at umaktong walang kasalanan

"Erlyn?",panimula ko, lumingon sya samin, may dumurog sakin ng makita ko ito, sunod sunod ang pagtulo ng luha at iyak ng iyak, alam kong naging malapit sya kay queen at nasasaktan sya ron, dahil nga hindi maganda ang relasyon nya sa impostor na daisy at sa mommy at daddy nya,

"A-ate mercy! H-hindi sya masamang tao dba?? M-mabait sya!",tukoy nya kay queen, napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya

"H-hindi sya kasing buti ng iniisip mo erlyn",saad ko humagulgol ito, saka napaupo sa sahig at yumakap sa sariling tuhod,

"N-no!! Huhhuhuhuhu n-niligtas nya ako! K-kung masama sya sana h-hinayaan nya na lang ako don! M-mabait ang ate jewer ko!",pag iyak nya,

"We have to clean the mess! Let's go! And erlyn umalis ka na dito bago pa magbago ang isip namin, tutal bata ka pa ikaw na bahalang mag desisyon kung sasabihin mo sa daddy mo ang tungkol sa nalaman mo it's you're choice anyway",saad ni omel saka lumakad papasok sa loob saka pinaulanan ng bala yung apat na lalaki, napatakip ng tenga si erlyn, sa lakas ng putok, napaupo ako para tumapat kay erlyn saka ko hinawakan ang baba nya para tumingin sakin, namumula na sya kakaiyak at iling ng iling

"Erlyn, ihahatid ka namin sa labas ng village nyo, umuwi ka na",saad ko umiling iling sya

"A-ayoko a-ate!! D-dito lang ako! Sige na oh....a-ayaw kong m-malayo kay ate jewer!! Ate mercy!",iyak nya, napayuko ako dahil konti na lang susuko na ako, naaawa ako sa kanya, kapag nalaman nya ang dahilan ni queen panigurado akong mas lalo syang mag mamatigas gayong tunay nyang kapatid sa ama si queen, dahil si queen ang tunay na daisy sya yon, mag kadugo sila, konektado sila, at siguro yon din ang dahilan kung bakit madali kay erlyn na ituring na ate si queen, dahil ate nga naman nya yon

"Erlyn! H-hindi ka pwede dito! Iba ang buhay namin sa buhay mo! H-hindi ka lig-",

"Wala akong pa-pakialam ate sunny!! D-dito lang ako! Andito si ate jewer! A-ayokong malayo sa kanya! S-sya na lang ang meron ako! W-wag nyo syang k-kunin sakin!! S-sige na!! Oh!! P-pag bigyan nyo ko! Huhuhuhuhuhu",pag hagulgol nya, pumatak ang luha sa mata ko kaya tumayo na ako at pinunasan yon, bumaba ang ilang tauhan namin saka binuhat pataas na nakapaloob sa sako ang mga katawan ng lalaki, susunugin kase ito, hindi na ako magtataka kung bigyan ng malaking halaga ni queen ang mga, pamilya nung apat na lalaking trumaydor samin

"Erlyn! Tara na! Iuuwi k-",

"K-kuya! Solely!! A-ayoko po! Ayoko po!!", pumalag si erlyn na hinila na namin pataas, hindi na bago sa mga maid ang ganito dahil aware sila kung ano at sino kami, isa sila sa nagtatago ng nalalaman nila, at isa sila sa mga taong tinutulungan namin, yung iba nakikipag tawanan pa samin, at walang takot samin dahil hindi naman daw sila babaliktad at isa pa idol pa nila si queen at bata pa raw ay talagang hinangaan na nila, kaya ng makaakyat kami ay inabutan agad kami ng pamunas sa mga dugo na tumalsik samin

"Ikulong nyo sa kwarto si erlyn, iuuwi namin sya mamaya wag nyong palalabasin hanggat hindi kami nakakalinis",saad ni omel

"Opo",saad ng maid, na mga babae na pinatatahan si erlyn na iyak ng iyak

"A-ayaw ko po u-umuwi!! D-dito lang ako! Huhuhuhu a-andito si ate jewer ko!! Huhuhu a-ayoko umuwi!! A-ate!! Ate!! Jewer!! Huhhuhu",sigaw nito na tawag kay queen,





Austrias pov

"A-ayaw ko p-po umuwi!! D-dito lang a-ako! Huhuhu a-andit si ate j-jewer ko! Huhuhuh ayoko u-umuwi! Ate!! A-ate!! Jewer huhuhuhu",napasandal ako sa pinto ng ng kwarto na tinutulugan ko ngayon, habang pinakikinggan ang iyak ni erlyn, ngayong alam ko na kapatid ko sya, hindi ko maiwasang masaktan, pero kapag nakikita ko sya mas nasasaktan ako, at hindi ko alam kung saan ako lulugar, napatakip ako sa bibig saka dahan dahang napaupo sa sahig, katatapos ko lang mag linis ng sarili may tuwalya pa ako sa ulo at gulo pa yon, suot ang sweater at pajama ay napatakip ako sa muka ng dalawa kong kamay, sunod sunod ang pag agos ng luha ko sa mga pisnge ko

'lumayas na daisy!!, Wala ka ng lugar sa pamamahay na ito!!',

Umalingawngaw ang sinabing yon ni dad sakin non habang tinatapon ni olivia ang nga maleta at bag ko sa labas ng pinto, ng mansyon habang bumabagsak ang ulan at unti unti akong nababasa, tumutulo ang luha ko at sobrang nasasaktan, lahat nakatingin sakin, ang guard ng mansyon na hanggang ngayon ay yung guard pa rin doon, medyo tumanda lang, ang nga maid, na walang magawa at hindi makapag salita o umangal, nakikita ko ang awa nila dahil alam nila na ako ang anak ni mommy na noon ay kalilibing lang at hindi pa nawawala ang sakit at pangungulila sa puso ko, ang pag kamatay ni mom noon dahil sa mas pinili ni dad si olivia kesa kay mommy noon, hindi pa nawawala sa utak ko, pero nagawa nya akong saktan, nagawa nya akong ipagpalit kagaya ng ginawa nya kay mom, anak nya ako, at sabi nya noon sakin mahal nya ako!? N-na Hindi nya ako sasaktan pero?? Anong ginawa nya? Sinaktan nya pa rin ako ng higit pa kesa sa inaasahan ko, wala akong magawa kung hindi bitbitin ang mabibigat na maleta at bag habang naglalakad papalayo at papalabas ng mansyon, walong taon!? Walon taong gulang ako non pero nagawa akong pabayaan at baliwalain ng sarili kong ama?? Nagawa akong palayasin na hindi ko alam kung saan ako pupunta?? Kung saan ako hihingi ng tulong, iyak ng iyak habang papalabas ng village, at sobrang lakas ng ulan nilalamig na ako, at bumibigat ang dala kong bag dahil sumisiim ang tubig sa mga damit ko na nakapaloob ron,

"D-daisy?? M-may natitira p-pa n-naman sigurong b-bait sa sarili mo dba??", pinakiramdaman ko ang sarili kahit na ako ay nahihirapang huminga dahil sa patuloy na tahimik na pag hikbi, kaso wala puro sakit ang nararamdaman ko, puro lungkot at sakit at walang mapaglagyan kabutihan sakin, para hindi idamay si erlyn sa sakit at galit na nasa puso ko, alam kong inosente ka alam kong wala kang alam sa lahat, alam ko yon! Perp sa tuwing nakikita kita, naaalala ko ang mga masasakit na nangyare sakin, hindi ko maiwasang Hindi masaktan, napahilamos ako sa muka ko at basang basa ang muka ko, tumayo ako ng marinig ang iyak at sigaw ni erlyn sa labas, kaya naman tumayo ako kahit na nanghihina at dumungaw sa siwang ng kurtina, nagpupumiglas si erlyn habang umiiyak at nagmamakaawa na mag stay dito, tumulo ng kusa ang luha ko, dahil ganyan ako non pero ang pinagkaiba lang, hindi ako pumalag non at umalis ako, akala ko kase non hahabulin ako ni dad, akala ko non, hahanapin nya ako at yayakapin saka hihingi ng sorry, akala ko non magbabago isip nya at ibabalik ako sa mansyon kung saan ako dapat, dala dala ko ang pag asa kong iyon hanggang sa makuha ako ni master at dalhin sa mansyon na nagsilbing tahanan ko, ang tahanan na kahit papano ay nagpasaya at nakapag palimot sakin ng lahat, pinalitan nya ang pangalan ko, pinalitan nya ang pagkatao ko, pinalitan nya kung sino ako, at sya ang gumawa ng bagay na si dad ang gumagawa non, yumayakap sakin kapag kumukulog at kumikidlat dahil sa takot ko, ang nagpapatawa at nag babasa ng libro sakin kapag umuulan at hindi ako makatulog, ang nag paaral, ang nagpakain, nag bihis at nag aruga, kilala syang masamang tao at leader ng sindikato, sa labas, pero kapag nasa tabi ko sya ngumingiti sya at tumatawa, mabuti syang tao pagdating sakin nagagawa ko syang pakalmahin na hindi nagagawa ng iba, kaya lahat ng kasosyo nya sa illegal na negosyo ay gustong andon ako sa tabi ni master kapag may meeting sila, para kapay sinabi ang bad news ay may magpapakalma kay master, bigla kase itong namamaril kapag nagagalit bagay na kinakatakutan nila na baka sa kanila bumaon ang bala, sya yung taong nag turo sakin kung pano ang maging malakas at para hindi maliitin ng kung sino!, Sya yung taong nag mulat sakin sa tunay na mundo,

'bawat tao may kasamaan yan ang lagi mong pakatatandaan daisy!? Or should i say austrias....lahat ng tao may kabutihan yun nga lang, hindi lahat kayang ipakita ang pagiging masama at mabuti... Kaya sa oras na wala na ako at ikaw na ang mamumuno sa lahat ng naiwan ko...lagi mong tatandaan austrias puso ang tingnan mo sa taong kaharap at kausap mo o kahit sa mga taong nasa paligid mo, dahil puso lang ang mag sasabi kung masama o mabuti iyon, maraming taksil sa mundo maraming tuso, maraming mapang abuso at maraming makasarili, lahat yan ay makikita at mababasa mo mula sa kanilang puso, kaya....naman kailangan mong maging matalino sa lahat ng desisyon mo austrias',

"H-hindi ko alam ang g-gagawin k-ko master....k-kapatid ko ai erlyn na walang alam sa lahat lahat,....pero napapaalala nya ang sakit ng nakaraan ko a-at hindi ko alam kung paanong desisyon ang gagawin ko...h-hahayaan ko ba syang m-masaktan?? Para lang hindi ko maalala ang nakaraan ko? O-oh? Mas pipiliin kong? Ako ang masaktan? Wag lang ang kapatid ko??",bulong ko, para sakin sa lahat ng pinagpipilian ko ito ang pinaka mahirap sa lahat,

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon