CHAPTER 61

43 1 0
                                    


Mercy pov

"Gaya ng sinabi namin hindi kami magsasalita habang wala si queen!",inis na saad ko, andito kase sa loob yung pulis, tanong ng tanong, nagpadala na rin ng abogado para samin na mismong nag prisinta isa sya sa natulungan ni queen

"You heard my client mr. Hindi sila mag sasalita habang wala ang isa",saad ng abogado

"Hindi pa pwedeng lumabas sa hospital ang leader nyo",saad nung jonathan

"Pwes Hindi rin kami pwedeng magsalita!",saad ni omel, nagmatigas kami at wala silang nagawa, ilang araw na at hindi pa rin nakakalabas sa hospital si queen, mas gusto namin na sama sama kami at andito sya pagmagsasalita, nagpaalam yung pulis sunod non ang abogado, nagkatinginan kaming apat

"Masyado silang makulit! Sabi ng hindi eh",inis na asik ni solely,

"Kamusta na kaya sya?", tukoy ko kay queen, Sabi samin ay gising na si queen at pinapagaling lang yung sugat, tungkot sa pangungulit nung nga pulis dahil daw yon sa mga nagkakagulo na nag rarale sa labas ng prisinto, gusto nila kase kaming palayain lalo na si queen

"Mukang bumabalik ang kabutihan ni queen sa mga tinutulungan nya! Nag rarale",ani ni omel, natawa kami, hindi nako magtataka kung kasama ron ang iba naming tauhan na sinabihan ni queen na magbagong buhay, hindi ko nakikita at hindi ko naririnig ang sigawan pero alam kong marami yon at mas marami pa,

'masyadong marami ang tinutulungan ni queen, kaya baka dumugin itong prisintong ito tsk',




Austrias pov

"Maayos ayos na ang sugat mo sabi ng doctor pero kailangan pa rin linisan at inuman ng gamot, sabi ng head sakin kanina, kailangan mong humarap sa questioning nila, medyo nahihirapan sila dahil dun sa nga nagrarale",saad nya, naghihimay ako ng orange na sya ang may dala nagugutom ako eh! Nakikinig lang ako sa sinasabi nya kanina pa kase walang tigil sa kadadaldal
"Si erlyn gusto kang bisitahin kaso sabi ng head bawal kang ipakausap maliban sakin, kaya ayon malungkot namimiss ka na raw",saad nya pa
"Nakarating din sakin yung balak ng head na gusto nilang kunin ang statement ng mga nagrarale, don nag sisimula na nga sila at mas lalong dumadami, natutuwa ako dahil sobrang dami na gusto kayong palayain nakausap ko rin yung iba ron, marami kang nagawa para sa kanila",saad nya, ngununguya lang ako, at hindi umimik
"Kung ako ang magtatanong hahanga pa ako, sayo dahil sa mga nagawa mo, paniguradong idudulog ito sa mas mataas na Korte at sa mismong presidente ng bansa",aniya pa, huminga ako ng malalim dahil mas madaldal talaga sya kesa kay erlyn, parang hindi na humihinga kapag nag sasalita,

'kamuka mo na si erlyn kaugali mo pa',

Asik ko sa utak, hindi ako umiimik, at sya naman ay parang ayos lang basta maisabi ang gustong sabihin, inilahad nito ang isang kutsara sa bibig ko kaya nagangat ako sa kanya ng tingin

"Kailangan mo ang vitamins, sabi ng doctor oh! Ahh!",aniya pa, ngumiwi ako, at umiling,
"Sige na! Ng malakas ka bukas sa harap ng head, ang titigas kase nung kasamahan mo ayaw magsalita ng wala ka",saad nito, ngumanga ako dahil alam kong hindi sya titigil pero hindi ibig sabihin non nakalimutan ko na lahat





Jonathan pov

"Sige salamat",saad ko sa mga nakausap, nagsisimula na kaming kausapin at tanungin sila pero halos lahat sila ay pare parehas ng sinasabi tinulungan sila at binigyan ng maayos na buhay, ni queen, gumawa na ang head ng ilang unit para don kausapin ang mga tao, ibat ibang team ay hinati sa tig lilima kaya marami rami kami at mabilis ang usad,tumayo ako at lumabas muna saglit, inaantay pa ang mga grupo na tatanungin dito, ng nakasalubong ko sa shy na nasa ibang unit

"Oh? Kamusta? Lahat ng sinasabi nung mga tinatanong ko eh! Pare parehas ang sagot,",saad ko

"Akin rin! Lahat sila tinulungan ni queen at ito pa! Hindi daw lingid sa kaalaman nila kung sino si queen!! All this time! May nakakakilala sa sindikato na hinuhuli natin! Sakit na ulo ay!",reklamo nito,
"Ngayon Lang ako naka encounter ng ganitong kaso!",dagdag nya

"Hindi lang ikaw!! Buong department! Shy! Hindi inaasahan ito!",

"Cap! Andito yung susunod na tatanungin mo!",saad nung ka team ko, napatingin ako sa grupo na yon at tumango

"Halika kayo dito!",pagngiti ko at binuksan ang pinto, saka sila pumasok
"Sige! Shy!",paalam ko, pumasok ako at tumikhim bago umupo, tumingin ako sa kanila
"Ahhhmm!? Kayo ay??",tanong ko

"Ako muna siguro ang mauuna?",ani ng matanda na babae,
"Ako si edna, mahirap lang ako at naglalako ng gulay dyan sa may palengke, biktima ako ng isang pamimintang na nagnakaw ng isang bagay na hindi ko ginawa, isang mayaman ang namintang sakin yun ay yung may ari nung lupa na kinatatayuan ng bahay namin ng aking apo, na college students, nakailang dulog kami non sa Korte, at dahil nga po wala kaming pera ay hindi namin nagawang makaapila, nakulong ako ng mahigit limang buwan sa salang hindi ko ginawa hanggang sa may nakausap ako mula sa kulungan non na isang kaibigan daw nya ay kaya akong tulungan at gaya ko ay isa rin syang biktima ng pamimintang non, ay yung araw na yon sya makakalaya, dahil sa kaibigan nyang yon, nakiusap ako sa kanya na tulungan ako, sapagkat may apo ako na maiiwan sa labas, at hindi sanay na wala ako", nagsimula na mamuo ang luha sa mata
"Sa kabutihang palad, may kumausap sakin na isa sa tauhan daw kuno na tinatawag nilang queen, nag dalawang isip ako non dahil nalaman kong isang sindikato pero tinanggap ko pa rin ho! At tinulungan nila akong maipagtanggol ang aking sarili naghanap sila ng evidence na hindi ako ang kumuha don po ay nalaman na binayaran nung mayaman na yon ang judge ng korte at ang pulis na dumakip sakin, gusto kase nilang lumayas kami sa lupa nayon ngunit wala kaming matutuluyan kung kami ay aalis",aniya pa,
"Nang mapawalang sala po ako, nalaman ko po na, binili nung taong tumulong sakin yung lupa, pinaayos din po yung aming bahay na tinutuluyan, at binigyan din po ng scholarship ang apo ko sa kurso na gusto nya, sa kanya po ang lahat ng gastos, ngayon ay isa ng ganap na guro ang aking apo, dahil kay queen, sa katunayan ay ngayon ko lang sya nakita dahil puro tauhan nya po ang aming nakakasalamuha, mabuti syang tao, kaya naman hinihiling ko na bigyan nyo sya ng pagkakataon pa para makapag bagong buhay!",ani ng matanda, huminga ako ng malalim at tumingin sa kasunod nyang katabi na tumikhim


DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS!!

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now