CHAPTER 63

43 1 0
                                    


Erlyn pov

"Kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataong? Lumaya? Saan kayo tutuloy? Sa puder ba ng biological father mo?",nahugot ko ang hininga sa tanong ng reporter kahit si ate at hindi nakasagot,

"May sarili akong bahay? May sarili akong buhay? May sarili akong negosyo? Anong silbi ng pananatili ko sa puder nya?", napatingin ako kay dad na yumuko, nanginginig ang kamay at alam ko mamaya ay iiyak sya sa narinig na sagot ni ate, gusto ko mang sawayin si ate pero wala akong karapatan Alam kong masama ang loob nya kay dad,

"Biological father mo sya? Hindi mo ba sya bibigyan ng pagkakataon na makasama ulit?",

"Ano namang mapapala ko?",ngiwing ani ni ate, maya maya ay Napatingin ang iba kay dad ng lumakad ito patalikod at lumabas, nakatingin din kay dad sila ate sunny, ate mercy at kuya omel at kuya solely, si ate ay nakatitig sa posas nya at parang balewala sa kanya ang pagalis na yon ni dad, blangko ang muka nya

"Mismong sa presidente na namin idinulog ang inyong kaso! At inaantay pa ang kanyang desisyon hanggang dito muna",saad ng isang matanda, nag angal ang mga reporter at sunod sunod ang tanong, tumayo sila ate at nasa magkabila nito ang mga pulis kaya tumayo ako at lumapit kay ate

"A-ate b-bakit mo naman s-sinabi yon?", maingat na tanong ko kumunot ang noo nya

"Ang alin?",

"W-wala",saad ko, ng makalabas ay naglakad kami patungo sa pinag satayan pa nila ngayon,
"Pwede k-ko ba sila makausap??",tanong ko sa isang pulis na tumango, inalisan sila ng posas at pumasok don, sumunod ako

"Dito kayo nag sstay?",tanong ni ate sa apat

"Yup! Parang condo? Hahahaha",ani ni kuya omel, at tumingin sakin

"Kamusta ka erlyn? Nag alala kami sayo",

"Ayus lang po kuya!", tumingin ako kay ate na umupo sa sofa,
"Ang sugat mo? Magaling na ba?",

"Hindi pa masyado",sagot nya,

"Sa susunod na gagawa ka ng plano? Pwede ba pakisabihan kami? Sinasarili mo eh!",asik ni ate mercy

"Buhay ako mercy!",

"Oo! Buhay ka! Pero nung tadtadin ka ng baka at hindi nakita ang katawan mo! Akala namin patay ka na! Ha!",asik ni ate sunny,

"Pano ka nakatakas don? Ha? Gumamit siguro ng bullet proof?",ani ni kuya omel

"Anak ka ng kagang?...tingin mo may sandamakmak akong sugat Kung gumamit ako??",inis na saad ni ate

"Ayy! Oo nga pala? Pero? P-pano? K-ka?",

"Matagal mamatay ang masamang damo! Omel!",saad ni ate at tumingin sakin, sinamaan ko ito ng tingin na ipinagtaka nito
"What?",

"Akala mo ba! Nakakatuwa yung plano mong yon!! Ha!! Halos hindi ako kumain! Ng linggo!! Dahil sa pag luluksa ko sayo! Ha!! A-akala ko i-iniwan mo na ako!! S-sobra akong nasaktan sa p-pag baril sayo! A-alam mo ba yon!! Ha!!",sigaw ko nag init ang mata ko dahil sa nag babadyang luha,

"Im sorry",

"Sorry? Pano mo nagawa yon ha!!! Halos ikamatay mo yung plano mo! Masyado akong nag alala sayo!!",tumayo ito at lumakad sa harap ko, wala na akong sinayang na oras at yumakap ako dito,

"Ah!",daing nya, pero gumanti rin ng yakap sakin,
"Im sorry kung pinaiyak at pinag alala kita, wala akong magagawa kung gusto kong tuparin ang pangako ko sayo, kailangan kong sumugal sa walang kasiguraduhan",saad nya, umiyak ako lalo

"P-pano kung hindi k-ka nagtagumpay ha!? Pano!!?",

"Hindi na mahalaga yon, isa pa andito ako sa harap mo nakatayo at buhay na buhay",aniya, yumakap din yung apat na ikinadaing nya
"Ahh! Wag masyadong mahigpit! Nadadali sugat ko!",asik nya, kaya bumitaw kami, umiwas yung apat ng singhalan sila ni ate,






Mercy pov

Mas natutuwa ako sa panininghal ni queen, mas gusto ko yung ganitong nararamdaman ko ang presensya nya kesa sa wala, kausap nito si erlyn na nakayakap sa kanya kami namang apat ay nakaupo at nakatingin lang kay queen,

"Anong nangyare sayo nung pagbagsak mo sa tubig ate?",takang tanong ni erlyn umayos ako ng upo dahil interesado din akong malaman yon

"Ang totoo nyan! Bago pa man tayo umalis sa tinuluyan namin pansamantala? Nakausap ko na ang tauhan namin na ayusin ang plano ko",

"Sinong tauhan?",tanong ni erlyn, napatigil kami dahil alam naming si syn yon, at hindi yon pwede sabihin ni queen at may nakikinig alam na yon ni queen hindi sya tanga para hindi yon malaman

"Ah? Ang tauhan kong yon namatay din nung iligtas kita mula kay Eduardo, nakalagay na sa ilalim ng dagat yung isang ship na tanging sa ilalim lang makikita at hindi sa ibabaw ipinasok ako ron at don ay ginamot na agad, bago idala sa usapang lugar",saad ni queen,

'galing ah! Tsk! Bakit hindi man lang namin natunugan??',

"Ang totoo ang planong yon walang kasiguraduhan pero alam ko na bukod sa pulis na tumutugis sakin alam kong may binayaran si Eduardo don, dahil hinarang kami ng bwetring yon sa dagat habang patungo sa lugar ng pagsakay namin sa jet",

"Yung pag bitaw mo sa kamay ko? Kasama ba yon?", tumango ito

"Kusa kong hinulog ang sarili don, tutal marunong akong lumangoy kahit malalim at tumungo ako sa pang pang",aniya pa, napabuntong hininga ako kahit kelan hindi ako makatunog sa kilos nya masyadong pino ang plano ang galing

"Ang galing naman ng plano mo! Pero delikado! May palive live ka pa!",asik ni sunny

"Walang kasiguraduhan ang plano sunny! Malay ko ba kung magtatagumpay ako o hindi? Dba? Ayos yon nakapaal- ahh!",pinalo sya ni erlyn sa braso, na may tama rin pala sya don kaya nataranta si erlyn

"Hala!! Ate sorry!! Sorry!!",

"Anak ng....balak nyo bang paduguin ang mga sugat ko?",asik na naman nito inis ang muka nito at halata ang sakit

"Luh? Si erlyn ang pumalo! Bakit samin ka nakatingin?",asik ni solely

"Ate! Sorry! Talaga",maya maya ay bumukas ang pinto at bumungad ron ang daddy ni erlyn,

"Erlyn? T-tapos na ang oras na binigay s-sayo kaila-",

"D-dad! K-konti pa",ungot ni erlyn

"Hindi pwede! Dapat ay bawal ka dito",

"Per-",

"Sige na erlyn! Dalaw ka na lang ulit!",saad ko lumaylay ang balikat nito

"A-ate",namumuo ang luha na tumingin kay queen, na natawa

"Ayos lang! Saka may pasok ka pa dba? Mag aral ka na muna bago ka dumalaw dito", saad nya

"Pero kase ate!",

"Wag mo kaming alalahanin dito erlyn, ayus kami dito, ikaw mag iingat ka hindi pa nahuhuli ang anak ni Eduardo",

"Ang tatlong bata-",

"Patay na si sofia", napatingin kami kay queen

"Ano??",

"Hmm! Si nikki at Franco ang nakatakas? Si sofia sinubukan akong labanan kaya ayun!",pag amin ni queen, natameme kami,

"Kung ganon? Hindi ka dapat erlyn pupunta kung saan saan! Da-",

"Opo!! Saka! Hatid sundo ako ni daddy!! Dba!! Dad?!",

"Y-yeah!",saad ng general, sa totoo alam ko na nasasaktan sya sa inaakto ni queen sa kanya alam kong ilag sa kanya si queen, kung hinahayaan man ni queen na kausapin sya nito ay paniguradong hindi sya tutugon, makikinig lang pero hindi mag sasalita,

'swerte ka pa rin general dahil nakikinig pa rin sya kahit hindi ka iniimikan, dahil hindi ugali ni queen ang makinig sa mga bagay na hindi nya gusto, lalo pat kinamumuhian ka nya',

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now