CHAPTER 46

43 0 0
                                    


Omel pov

Napaupo ako sa likod ng sofa at don ay tumulo ang sunod sunod na luha, parang hindi pumapasok sa utak ko ang itsura ni queen habang binabaril ng sunod sunod, at ang pagbuga nito ng dugo, bago bumagsak sa tubig, napapikit ako ng kumirot ang dibdin ko umiiyak si solely, ng tahimik, ang lahat ay nasasaktan at nakatalikod habang pigil ang sariling emosyon, si mercy ay tulala lang ngunit bumabagsak ang luha sa mata,

'kaya mo banh sundin lahat ng iuutos ko??',

'kung ang huling utos ko ay buhayin nyo ang sarili ninyo??...magagawa nyo ba??',

Umalingawngaw ang tinig ni queen sa isip ko ang gabing nag tatago kami sa abandonadong bahay ni syn, ang huling paguusap namin, napahagulgol ako ng maalala ang bawat oras na kasama ko sya mula ng unang makilala hanggang sa huli,

"K-kahit a-anong u-utos queen!! S-susundin ko!! Wag k-ka lang m-mawala!!",hikbi ko, para akong nawalan ng pagkatao at ilang ulit dinudurog, ang puso ko at nag kakapirapiraso pa ito ng mas pinong pino, doble ang sakit, napakuyom ako sa galit

'si Eduardo ang may kasalanan ng lahat ng ito!! P-pagbabayaran mo lahat!',

Nagtakip ako ng muka at don ay hinayaan ang sariling umiyak, tumingin ako kay sunny na walang malay at mahimbing ang tulog katatapos lang nyang magamot kanina, at sa pag gising nya panibagong sakit ang mararamdaman nya, sa malalaman nyang nangyare kay queen

"M-mas g-gugustuhin k-kong makulong si queen k-kesa m-mamatay!!", tinig ng isa sa nagsisilbing maid kay queen, si manang ay andito at pinapatahan ng kasamahan at halos hindi makahinga sa nakitang nangyare kay queen, napakapit ako sa dibdib ko ng kumirot yon, kaya naman pumikit ako para pakalmahin ang sarili pero kahit anong gawin kong pagpapakalma, sobrang sakit pa rin, nakita ko ang imahe ni queen ng nakangiti kaya napangiti ako sunod non ay ang imahe nya kapag galit at nagugulat kapag boring na boring sa ginagawa at walang gana, hanggang sa makita ko sa utak ko ang imahe nyang bumuga ng dugo habang putlang putla at hinang hina, don ay rumagasa ang luha sa mata ko, sobrang init non at para akong pinapaso sa bawat labas at tulo non sa pisnge ko

'anonh silbi ng buhay namin kung wala yung namumuno samin??',

Tanging nasabi ko sa sarili, at umiyak ng umiyak








Arnold pov

"HINDE!!!!! HINDE!! HINDE!! A-ATE!!!",halos magwala si erlyn sa room ang ibang students sa kabilang room ay tumungo sa room namin para makita ang nangyayare, kapit ko si erlyn habang namumula ito at mugto ang mata, halos hindi na rin makahinga ng maayos,

"E-erlyn!!",awat ko rito pero todo hagulgol sya at iyak ng iyak, walan tigil ang pag tulo ng luha sa mata nya

"B-bakit g-ganon?? M-mabuti syang t-tao!! A-arnold!! M-mabuti syang tao!!!",sigaw nya habang kusang sumuko sa sakit na nararamdaman sinalo ko ito ng matumba ito saka ko ito hinayaang umiyak sa dibdib ko, may kung anong pumisil sa puso ko ng kumapit ng mahigpit si erlyn sa uniform ko at halos magusot yon sa pagkuyom ng kamay nya, nawalan ng tunog ang kaninang hagulgol nya pero umiiyak pa rin ito, ng walang ingay nakapikit ito habang iyak ng iyak, kumunot ang noo ko habang tumingin sa TV kung saan ay pinag hahanap na sa tubig si queen

'wala ito sa plano! Ang sabi ni dad hahayaan nilang mahuli si queen! Hindi ako naniniwala na walang tauhan si dad sa mga pulis na yan kanina!',

"Huhuhuhuhuhuhuhu oh!! Aghhhhh!! S-sya n-na lang yung m-meron ako ehh!! B-bakit pati sya!! Bakit pati sya!! W-wala namang kasalanan s-si ate! B-bakit kailangan nyo syang p-parusahan ng g-ganito!!! BAKET!!!!!???",sigaw ni erlyn, mahihimigmigan ang pagkalito at ang sakit sa tinig nito mukang diyos ang tinatanong nya,

"E-erlyn e-enough! I-im here",hindi ko alam kung saan ko nakuha ang salitang yon pero wala akong pakialam, nasasaktan si erlyn at halatang halata yon, nauunawaan ko sya dahil alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung sila na lang ang nakakaunawa at nakakaintindi sayo

"A-ate!! N-nangako k-ka!! Ate!! H-hindi i-ito totoo!! D-dba arnold!?? P-panaginip lang ito dba!!?? Huhuhuhu *huk!! A-ate!!",banggit ni erlyn, halos lahat dito ay nangibabaw ang emosyon

"Erlyn?? I-ikaw ang kapatid ni queen??",may lumapit na isang babae samin, natigilan ai erlyn bago humihikbi na tumango, tumulo ang luha ng babae

"I-isa ako sa p-pinapaaral nya!", napatingin ako sa babae,
"U-ulila n-na ako! M-marami kaming pinapaaral nya d-dito at i-idolo at p-para na namin syang ate k-kagaya mo, s-sya yung umaalalay saming mga walang kakayahang makapag aral, sya ang t-tumutulong sa mga magulang k-ko pa-para mabuhay!!",humikbi ang babae, napatingin ako sa babae at halatang hindi ito nag bibiro napatingin ako sa grupo na halatang kapos sa buhay, umiiyak sila at nakayuko kagaya ng babae,

'ang pagkakakilala ko kay queen ay walang puso at walang awa!? Pero bakit?? Bakit maraming nasasaktan sa pagkawala nya?? Tulong?? May tinutulungan ang isang sindikatong kagaya nya??',

Maraming namuo na tanong sa utak ko, humikbi si erlyn, ng todo, tinitigan ko ito halata ang sakit sa bawat hagulgol ni erlyn

"M-mabuting t-tao a-ang ate k-ko!!",aniya pa, napayuko na lang ako at umiwas ng tingin,

'franco? Hindi lahat ng maykayang gumawa ng masama ay ibig sabihin masamang tao na dahil unang una wala yan sa pisikal o kakayahan ng tao hinuhusgahan kung masama ba ang isang tao! Kung hindi sa PUSO! Sa puso franco sa puso!',

Umalingawngaw ang sinabi ni nanang sakin non ang nag alaga sakin ng iabandona ako ng mga magulang ko, ng mawala si nanang dinala ako sa shelter kung saan kasama ang mga ulilang bata don ko nakilala si sofia at nikki at pare parehas kaming ulila sa oras na yon, sa shelter na yon don kami kinuha ni dad at mommy at inampon,






Mercy pov

Halos mamanhid ang utak at dibdib ko sa nangyare kay queen, hindi ko maisip na totoo ang nakita ko, ayaw maniwala ng isip at puso ko pero nasasaktan ako,

'this time? I want to make it fair lagi na lang kayo ang nagsasakripisyo ngayon...ako naman',

'salamat',

'masaya akong marinig yan',

Umalingawngaw yon sa isip ko at sunod sunod ang pag agos ng luha ko ng maalala ang ngiting iginawad ni queen samin lahat, lahat pumapasok sa isip ko at hindi ko magawang mag react o mag salita man lang, sa sobrang sakit ay tumakbo ako papaakyat sa silid ko dito sa hide out, at don ay nilock ang pinto at napasandal don bago dahan dahang manghina at umiyak, ng umiyak, walang tunog ang iyak ko ngunit todo todo ang sakit sa dibdib ko, napahampas ako sa sahig dahil naninikip ang dibdib ko,

"Q-queen!",banggit ko kay queen, tumingala ako at hinayaang umagos ang luha sa pisnge patungo sa baba ng leeg ko, dahan dahan akong tumayo at lumapit sa bintana na glass kung saan ang makikita ay ilalim ng dagat, napahagulgol ako at umaasang makikita si queen, pero napaka imposible, ayaw kong maniwala

Kaya naman napahiga ako sa kama at tinakip ang braso sa mata at don ay umiyak ng umiyak, nanghihina ako, ang iwan sya at hayaang lumaban ng magisa ay masyadong masakit na sakin, at ang mamatay sya ng walang laban ay mas lalong nagpapasakit sakin, pumasok ang imahe ni queen sa utak ko habang bumubuga ng sarili nyang dugo, at putlang putla,

"Aghhhhhgg!!!!!",sigaw ko sa galit at sakit na bumugso sa puso ko habang hinahampas ang kama ko gamit ang isa kong braso at don ay humagulgol
"Aghhhhh!! Ahhh!! Ahhh!!!",sunod sunod na pakawala ko ng sakit pero kahit anong gawin ko hindi yon mabawasan,

'kasalanan mo ito eduardo!! Pagbabayaran mo ito!',

Napakuyom ako ng pumasok yon sa utak ko, kasalanan nya lahat lahat lahat ng ito, sisiguraduhin kong sisingilin ko sya ng mas matindi, asawa nya ang pagbabayarin ko sa nangyare kay queen at hinding hindi nya makakalimutan ang bagay na yon hanggang kamatayan nya,

"Babalikan kitang hayop ka!",gigil na saad ko ng makita sa isip ang masayang muka ni Eduardo, kaya naman ang sakit kanina ay naging galit at mas matindi pa, halos masugat ang kamay ko sa kukong bumabaon sa kamay ko

The Hidden Daughter Of LuchavezWhere stories live. Discover now